Chapter 30

585 17 9
                                    

Wedding photo

"Sigurado akong nagka ganyan kayo dahil sa carbonara ni Elvina."

Niña nagged and I remained silent, hindi alam kung ano ang sasabihin o gagawin. I bit my lower lip as I watched Rafael sit on the sofa and he looked so exhausted. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik balik sa cr mula nang tikman niya ang luto ko and as for his friends... Nag unahan silang umuwi nang sumakit ang mga tiyan nila.

"Enough, Niña," walang buhay niyang saway sa kaniya but it made her even more angrier.

"Bakit ba kasi nag abala pang magluto e alam namang hindi marunong? I'm confident na hindi ako ang dahilan kung bakit may diarrhea ang lahat. Ilang taon ko na kayong ipinagluluto and I never sent you guys to the freaking toilet!" She was furious.

"Good thing hindi pa natikman ni Mama!" Dagdag niya.

"Oh, come on, Niña." Tita Charlotte chuckled. "Lagi ko ring napapatakbo sa CR ang papa ni Rafael noon and besides... I'm sure hindi niya intensyong pabalik-balikin sa banyo si Pael." Hindi sumagot si Niña at umirap lang sa 'kin.

"I'm so sorry... Hindi ko sinasadya." I apologized.

"It's alright." Nanghihinang tumayo si Rafael kaya agad ko siyang dinaluhan but Niña immediately pushed me away at siya na Ang umalalay sa kaniya.

"Magpapahinga lang ako..." aniya at umalis kasama si Niña. Napayuko ako nang manubig ang mga mata ko.

Wala na talaga akong ginawang tama. I keep on making new mistakes after apologizing. I hated myself for it.

"Do you mind taking me to my room?" Tita Charlotte smiled at me. Nginitian ko siya pabalik at hinatid siya sa kwarto niya.

"I think she's jealous. Alam mo na, Niña likes my son pero believe me, she's a nice person! And don't blame yourself... You were only trying to impress my son, right?" She giggled. Nag init ang pisngi ko sa huling sinabi niya.

"N-No po! Gusto ko lang bumawi sa lahat ng ginawa kong kasalanan sa kaniya..." but I ended up making another mistake. Nadagdagan nanaman ang kasalanan ko. I'm so dumb I could die.

"Whatever you say... Anyway, go and have some rest. Tuturuan kitang magluto bukas." Nakaramdam ako ng excitement nang marinig 'yun kaya agad akong tumango at nag paalam na. I decided na dumaan sa kwarto ni Rafael to check on him but as soon as I got there, Niña's giggle made me stop from coming inside.

I changed my mind and walked to my room instead. Matapos kong i-message ang lahat, humihingi ng tawad, agad na akong nagpahinga. The only person I wasn't able to text was Rafael since I didn't have his number. I texted Ate Cherry at hiningi sa kaniya ang number ni Rafael.

From: Ate Cherry

you don't have his #? hingin mo

I sighed.

To:

nahihiya ako :(

From: Ate Cherry

k. so kumusta? anyare nung umalis kame kanina

Agad na nanubig ang mata ko nang mabasa 'yun.

To: Ate Cherry

I messed up! sumakit tiyan nila ng friends niya :(

Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari at agad niya akong tinawagan. Nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya ay kaagad na bumuhos ang luha ko. I just wanted to make and effort para makita niyang sincere ang pag sosorry ko pero pumalpak ako. I hate myself.

Safe In Your ArmsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang