Chapter 16

747 28 0
                                    

Trigger warning: Death



Happy


Ibinulsa ni Rafael ang wallet niya pagkatapos niyang bayaran 'yung dalawang pulis na naglalakad na palayo sa 'min ngayon. Naiwan kaming dalawa sa gilid ng daan, tahimik at parehas na walang balak na magsalita. Nang lingunin ko siya ay nilingon niya rin ako. I gave him a nervous smile nang magtama ang tingin namin. Nag-peace sign pa ako at kaagad na itinago ang mga kamay sa likod ko, nahihiya sa kaniya.

It's my fault. I bit my lower lip. Kung hindi ko siya pinilit na bilisan ang pagpapatakbo, hindi sana kame mahuhuli at pinagbayad pa siya nung dalawang pulis. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari, e. Nag-enjoy lang naman ako sa ride, pero kung galit siya sa 'kin ay maiintindihan ko siya. Kasalanan ko naman ang nangyari.

"Babayaran kita pag-uwi natin," I said, sinusubukang pagaanin ang loob niya. Hindi ko dala ang wallet ko. Kung may dala lang akong pera, hindi na siya ang pagbabayarin ko. Ako naman ang may kasalanan kaya ako rin dapat ang mag bayad. Hindi niya ako sinagot at sumakay nalang ulit sa motor niya. Pinanood ko siyang mag-suot ng helmet at pagkatapos, sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya at kaagad naman akong sumunod. Isinuot niya sa 'kin 'yung isa pang helmet ng tahimik.

Kaagad na akong sumakay sa likod niya at bumyahe na kame papunta sa lugar na gusto niyang puntahan. Magtatanong pa sana ako kung saan kame pupunta, pero pinigilan ko ang sarili ko. Mukhang nawala siya sa mood pagkatapos ng mga nangyari kaya kung magtatanong pa ako sa kaniya ng kung anu-ano ngayon ay baka itulak niya na talaga ako paalis ng motor niya. Kaya ayun, nakatikom ang bibig ko buong byahe.

Sakto lang ang takbo namin at paminsan-minsa'y tumitigil kame kapag may tumatawid o tumigil ang sasakyang nasa harap namin. I would smile every time I watched someone do a small run kapag tumitigil kame upang patawirin sila. They looked cute and embarrassed.



Masarap parin naman ang hangin sa balat at nag-eenjoy parin naman ako kahit hindi gano'n kabilis ang takbo namin.


PASEO DEL MAR



Tumigil kame sa harap ng isang malaking gate. May malaking pangalan na nakalagay ro'n at mula sa labas ay nakikita ko na ang ilang mga ilaw na nanggagaling sa loob. Maingay at mukhang maraming tao rin ang narito ngayon base sa mga sasakyang nasa parking.


"Wow..." Napanganga ako habang naglalakad papasok sa loob. Mula sa labas palang ay maganda na at malinis. Hindi ko tuloy mapigilan ang ma-excite habang pumapasok kame sa loob.


"Good evening, Ma'am, Sir." Sinalubong kame ng ilang sundalo. Ipinakita ni Rafael ang kaniyang ID pati na rin ang ID ko na hindi ko alam na dala-dala niya pala. Napaawang pa ang labi ko ro'n dahil hindi ko alam kung paano niya nakuha ang ID ko. Ninakaw niya ba 'yon nang hindi ko nalalaman?


"Hoy! Paano mo nakuha 'tong ID ko, ha?!" Tinaasan ko siya ng kilay at inagaw sa kaniya ang ID ko. He chuckled and looked in front of us without answering my question. Tatanungin ko pa sana siya ulit nang mapatingin rin ako sa harap namin. Hindi na ako nakapagsalita nang makita ang isang malaking fountain na nasa di-kalayuan. Nalaglag ang panga ko habang nakatingin ro'n.


Napapalibutan ito ng maraming naggagandahang bulaklak at may mga benches rin malapit rito. Umiilaw ang tubig habang gumagalaw ito sa ere. Ang mga taong nakaupo sa bench ay umalis ro'n nang matalsikan sila ng tubig. Everyone giggled because of that.



It's beautiful! Tumakbo ako papunta ro'n at pinanood ang pagsayaw ng tubig. May mga tao ring naroon at pinapanood ang fountain gaya ko. Ang mga batang katabi ko ay todo talon at tawa habang nakatingin rito. I smiled and watched it silently. Minsa'y napapatingin rin ako sa gawi ng mga batang kasama ang magulang nila na mukhang nage-enjoy. Kaagad rin akong nag-iiwas ng tingin nang makaramdam ng emosyong hindi ko naman dapat maramdaman.



Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now