Chapter 15

690 24 0
                                    

Violation





"Rafael."




"Hmmm?"





"Kailan ulit tayo makakalabas?" Tanong ko habang nanonood kame ng movie sa loob ng kwarto ko.





Nilingon niya ako nang marinig 'yon. Mag-iisang linggo na kameng hindi lumalabas ng mansyon. Lahat ng school works ko, sa online ko pinapasa. Hindi nga ako napapagod dahil hindi ko kailangang lumabas, pero mayroon naman akong hindi maintindihan na subject. Nahihirapan akong mag self study kaya wala parin. Mas pipiliin ko ang pumasok sa school at mapagod kaysa manatili rito.




"Malapit na siguro, 'wag mo nalang masyadong isipin," he said and gave me a smile.





"Bakit ba hindi tayo pwedeng lumabas? Parusa ko ba 'to? Sabihin mo na sa 'kin," I asked impatiently. Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya ako at mukhang nag-iisip ng sagot sa tanong ko. Kinuotan ko siya ng noo.






The movie we're watching started to play a romantic music kaya napalingon ako dito. Bagay itong gamitin kapag sumasayaw 'yung dalawang mag boyfriend/girlfriend at 'yun nga ang nangyayari sa palabas. Nagsasayaw ng mabagal 'yung dalawa habang nakatingin sa mata ng isa't isa. Hindi ba sila naiilang? How could they stare at each other's eyes nang sobrang tagal at sobrang lapit pa ng mukha nila sa isa't-isa? Napailing ako. Baka sumabog ang ulo ko sa hiya kapag sa 'kin nangyari 'yon. Naiimagine ko palang, nahihiya na ako ng sobra.






"Gusto mo na ba talagang lumabas?" He asked. Bumalik ulit ang tingin ko sa kaniya at mabilis na tumango bilang sagot.




"Okay, we'll go out tonight. Get ready." Nanlaki ang mata ko sa narinig.





"Weh? 'di nga?! Saan?" Napalakas ang boses ko. He chuckled and nodded his head.





"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong niya. Nag-isip ako. Nang wala akong maisip ay napasimangot ako. Mamaya nalang, marami pa namang oras kaya mamaya ko nalang iisipin kung saan kame pupunta.







"Hindi ka nagbibiro?! Hindi talaga kita papansinin kung niloloko mo lang ako!" Paninigurado ko.







"Hindi nga. Ayaw mo ba? 'Wag nalang." Bawi niya sa sinabi kaya kaagad akong napatayo at mabilis na umiling.





"No! Gusto ko! Sabi mo 'yan, ah? Wala nang bawian!" I grinned. Ngumiti lang siya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofang hinila namin papalapit sa tabi ng kama ko tapos ay nagpaalam dahil may gagawin raw siya. Mag-isa ko tuloy na tinapos ang palabas na pinapanood. Nang sumapit ang hapon ay nag siesta ako at nang magising ay madilim na sa labas.





Humihikab pa ako nang kumatok si Rafael sa labas ng kwarto ko. Pinapasok ko siya at muling umupo sa kama ko, inaantok parin.







"Are you ready?" He asked. Hindi kaagad ako sumagot at inalala kung ano ang gagawin namin ngayon. Nang maalala ang usapan namin kanina ay kaagad akong napatayo. Gising na gising na ang diwa ko. Lalabas nga pala kame!





"Wait." Tumakbo ako papasok ng walk-in closet at nagbihis.





"Wear something comfortable." Pahabol niya mula sa labas. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.






Nagsuot ako ng itim na T-shirt at itim na sweatpants tapos puting sapatos. Tinali ko rin ang buhok ko at hinayaan lang ang ilang baby hair. Wala na akong panahong mag-ayos ng mukha dahil sobra akong excited sa paglabas namin ngayon, tsaka si Rafael naman ang kasama ko kaya hindi ko na kailangang magpaganda.





Safe In Your ArmsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt