Chapter 39

277 8 1
                                    

Date



Simula nang mawala si Mama, ngayon lang ako naging genuinely happy. I was able to smile without faking it and laugh with some workmates without feeling any guilt.



Rafael always came to my school para dalawin o ihatid si Sam. He would also bring me some foods na siya pa ang nagluto and I am not exaggerating when I say na it tastes so good.




Monday, he came with a bag na naglalaman ng lunch box. Tapos na ang class nila Samuel and he already left kasama ang sundo niya kaya naman nagulat ako nang makita siya sa labas ng classroom. He smiled at me when he saw me and handed me the food.



"Ikaw ba susundo kay Sam? Umuwi na siya, e." Salubong ko sa kaniya.




"Nag lunch ka na?" Tanong niya. Umiling ako at tinanggap ang dala niya, trying to guess what dish it is this time. Boy, why is he spoiling me with this kind of treatment?





"Thank you, nag abala ka pa," nahihiyang sabi ko. For the past few days, he would always make time to come to school at ewan ko ba kung dahil lang ba kay Sam o sinasadya niya rin ako. Ayaw ko namang maging delusional but he cooks food for me at unti-unti na akong nasasanay doon na I start bringing less rice to school and aslo stopped cooking my own lunch.




Not that I always cooked for myself, I usually buy my food sa canteen or labas ng school.




"Basta ikaw," he smiled at me and I did the same.





"Are you free this Saturday?" Tanong niya.




"Why?" Mabilis kong sagot. The side of my lip rose up when he shyly scratched his head.



"Do you wanna go on a date?" He asked. Mahina akong natawa at wala sa sariling napailing. Ipinagkrus ko ang braso sa harap ng dibdib bago sumagot sa kaniya.




"Okay," pag payag ko. He's been very nice lately, ipinagluluto pa ako ng pagkain kaya I would feel so bad kung hindi ko tatanggapin ang invitation niya. Wala rin naman akong gagawin kaya ayos lang na lumabas ako.




"Susunduin kita sa umaga, we'll eat breakfast in our shop. Next, mamamasyal tayo sa flower farm ng kaibigan ko and then we'll have lunch and in the evening... We can chill and watch the stars?" Namangha ako nang marinig ang plano niya.





"Or baka may gusto ka ring gawin?" Ngumiti siya.



"I can cook our lunch?" Nag dadalawang isip kong sabi. Marunong na akong magluto but still, kinakabahan akong ipagluto siya. The last time I cooked for him, hindi naging maganda ang kinalabasan non but I've changed! Ang dami ko ring natutunan nitong mga nag daang taon kaya I'm sure hindi na siya mapapatakbo sa cr. I'm confident.




"Sure. Pwede bang mag suggest ng ulam na lulutuin mo?" Tanong niya. Ngumiti ako bilang pag payag.



'Yun ang inisip ko sa mga sumunod na araw. I was so excited that I couldn't stop thinking about it. Nag research rin ako tungkol sa ulam na gusto niyang lutuin ko and decided to cook it para makapag practice na rin. Ayaw ko namang mapahiya sa kaniya sa sabado.



Tahimik ko lang na sinunod ang instructions na nakita sa YouTube. I have the ingredients kaya naman ay tuloy tuloy kong nagagawa ang kailangang gawin. Bicol express was not that hard to cook basta't kumpleto ang ingredients mo.


I was so proud of myself nang matapos akong magluto nang hindi ako nagkakaron ng sugat. Talagang nag improve na ako sa pagluluto. Nag tubig pa ang bagang ko nang maamoy ang niluluto. It smells so good and I bet it tastes so good rin.


Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now