Chapter 13

807 23 0
                                    

Parusa

"It was your mother's order and I can't do anything but to obey it. Let's go home."

I froze when he said that. What the hell? Why would my mother send Benjie home all of a sudden?

What about school? Pano ako papasok kung wala siya? This is so unfair!

Nang hindi ako umalis sa kinatatayuan ko ay siya na ang nag adjust at sumakay na sa motor niya tapos ay huminto sa tapat ko at inabot ang isang pink na helmet.

Napabuntong-hininga siya nang titigan ko lang 'yon.

"So, ano? Ikaw na rin ang maghahatid sa 'kin? What about our secret?" Tinignan ko si Rafael, hoping that he would say no but he didn't and it made me more furious.

"Come on. Don't be stubborn," walang emosyon niyang sabi, hindi sinasagot ang tanong ko. Inabot niya ang pulsuhan ko at hinila ako papalapit sa kaniya tapos ay isinuot niya sa 'kin ang helmet na dala ng tahimik.

I was about to protest but i wasn't able to do it when our eyes met. I couldn't read his emotion. Is he angry?

Who wouldn't be? I tricked him. I lied.

"Sakay na." Utos niya pagkatapos itong isuot sa 'kin. He looked straight in front of us, avoiding my eyes. Kumunot ang noo ko dahil ro'n.

Napatingin ako sa bakanteng upuan sa likod niya. I was used to riding cars ever since i was a child. Ito ang unang beses na iba ang sasakyan ko. It made me excited and nervous at the same time.

"Hurry up and get on." He urged impatiently.

"Sandali!" Singhal ko sa kaniya.

Humawak ako sa balikat niya at dahan-dahang sumakay doon. Nang makasakay na ay agad na humigpit ang hawak ko sa damit niya nang gumalaw ito.

"Dahan-dahan naman! Mahuhulog 'yung tao oh!"

"What? Wala pa naman akong ginagawa." He replied. Umirap lang ako at huminga ng malalim.

It's alright. May first time naman para sa lahat ng bagay. And this is my first time riding his motorcycle.

Pinaandar niya na ang motor at pinaharurot ito palayo, palabas ng parking. Napatili ako at mahigpit na napakapit sa leeg niya. Hindi pa man kame nakakalayo mula sa mall ay tumigil kame sa gilid ng kalsada at mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa leeg niya tapos ay nilingon niya ako suot ang seryosong tingin.

"Are you trying to kill me?" Kalmadong tanong niya.

"I should ask you the same question. Are you trying to kill me? Muntik na akong mahulog! 'Yung kaluluwa ko, naiwan sa parking!" I hissed. Tumingin siya sa 'kin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Maya-maya pa ay napailing siya.

"Hindi naman gano'n kabilis ang takbo ng motor at Isa pa, hindi ka naman mahuhulog kahit pa mabilis ang takbo ko. You're just overreacting," he said calmly. Naningkit ang mata ko sa narinig. If looks could kill, he would've been dead by now dahil sa sama ng tingin ko sa kaniya.

Handa na sana akong bulyawan siya nang may matandang babae ang biglang nagsalita. Sabay kameng napatingin sa kaniya ni Rafael.

"Pwede namang idaan niyo nalang sa mahinahong usapan 'yan, hindi niyo kailangang mag-away. Ano ba'ng ginawa niya, ija? Nagloko ba? Kung oo, iwan mo na kaagad!" Nagkatinginan kame ni Rafael dahil sa narinig. Nagloko? Iniisip niya bang may relasyon kame ni Rafael?

Nilingon ni Rafael 'yong matanda at mabilis siyang umiling.

"Hindi naman po ako nagloko, tinotoyo lang ho 'tong kasama ko." He smiled at her. Ngumisi 'yong matanda at mahinang natawa tapos ay binalingan ako, mukhang tuwang-tuwa pa.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon