Chapter 27

674 22 6
                                    

Kaibigan

Siguro'y ka-edad niya lang si Mama. Mataba ang pisngi niya at sakto lang ang katawan niya. Her hair is waivy and her lips is naturally red. Matangos ang ilong niya at maputi rin siya. Para siyang girl version ni Rafael, ang pinagkaiba ngalang, mukha siyang anghel at mahinhin. Si Rafael naman...

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Agad na tumayo si Niña at tinulak ang wheelchair ng Mama ni Rafael papalapit sa 'min.

"Thank you, Niña." She smiled at her nang tuluyan siyang makalapit sa 'min. Agad kong nakita ang closeness nila sa uri ng pakikipag usap nila sa isa't-isa.

"Dapat nagpapahinga kayo, e." Nginusuan siya ni Niña kaya mahina siyang natawa.

"Buong buhay ko, lagi na akong nagpapahinga. Nakakapagod ring humiga sa kama ko, ija," sagot nito at nilingon ako. Agad akong napa-ayos ng upo at binigyan siya ng kinakabahang ngiti. I wasn't even sure if I was smiling or just showing my teeth. I just sat there, kabadong kabado at hindi ko alam kung bakit.

"Hi. You're Elviña, am I right?" She gave me a small smile. Kumalabog ang puso ko sa kaba.

"Hello po. Opo, I'm Elviña Isabella Lim." Halos marinig ko na ang lakas ng pintig ng puso ko. Gusto kong kutusan ang sarili dahil sigurado akong halatang halata na kinakabahan ako. Geez. Bakit ba ako kinakabahan?

She chuckled and nodded her head. "Nice to meet you, dear. I'm Charlotte, Mama ni Rafael."

"Nice to meet you po," I said politely.

"Ma!" Sabay kameng napatingin sa tumatakbong si Rafael papunta sa gawi namin. Nakasunod sa likod niya ang nakasimamgot na si Roy at marami itong dalang plastic na naglalaman ng pagkain.

"Oh, ikaw pala. Kinakausap ko lang ang mga kaibigan mo." She smiled at him.

"Kanina pa po ba kayo gising? Tara na po sa loob, mainit rito." Rafael kissed the top of her head nang makalapit siya sa kaniya. Lihim akong napangiti ro'n.

"Hindi naman mainit, I'm fine, anak. Tsaka, gusto ko pang makipagkwentuhan kay Elviña." Sinulyapan ako ni Rafael nang sabihin 'yun ni Tita Charlotte.

"You can talk inside the house. Come on, mainit rito." Sinenyasan ako ni Rafael na sumunod sa kaniya kaya agad rin naman akong sumunod. Sumama rin sa 'min sina Niña na nagk-kwentuhan ngayon.

"Napaka protective talaga nitong anak ko." Tumawa si Tita Charlotte nang makapasok kame sa loob. Umupo ako sa sofang naroon at umupo naman sa tabi ko si Niña.

"Masaya ako't naisipan mong dalawin ang anak ko, ija. Saan ka mananatili habang narito ka? May guestroom naman kame rito kaya hindi mo kailangang matulog sa ibang bahay," she said.

"Sa bahay siya nila Che natulog kagabi... but she'll stay here tonight," seryosong sabi ni Rafael kaya napatingin ako sa kaniya. Nilapag niya ang tubig sa coffee table na nasa harap namin at sinalinan ng tubig ang basong para sa Mama niya.

"That's great. Tabi kameng matutulog!" Niña said excitedly. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang malaking ngiti niya sa 'kin. I smiled back and slowly nodded my head, pinoproseso pa ang mga narinig sa utak ko.

Kung ganun... Dito rin ba siya nakatira? Nakatira lang sila sa iisang bahay?

"You hate sharing your bed, Niña, she'll sleep in my room." Namilog ang mata ko nang marinig 'yun. Mabilis kong nilingon si Rafael pero hindi siya nakatingin sa 'kin kaya hindi niya nakikita ang gulat sa mukha ko.

"Kilalang kilala mo talaga ako..." Niña giggled beside me.

Kinuotan ko ng noo ang tahimik na si Rafael. Nang magtama ang tingin namin, hindi niya 'yun pinansin at nakipag-usap nalang sa Mama niya.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now