Chapter 3

1.2K 37 19
                                    

New guy

Rumors began to swirl around the campus. May bagong transferee at ngayon ang unang araw niya. Everyone was excited because of the descriptions about this guy.

"Gwapo raw!" I heard some girls talking nang mag cr ako.

Hindi ko na kailangang mag-isip kung sino ang bagong transferee na tinutukoy nila dahil alam ko na agad kung sino ang taong 'yon.

Lihim na napairap ako. Kayang gawing posible ng mga magulang ko ang isang imposibleng bagay. Hindi na ako nagulat kung bakit nakapag-transfer ang isang 'yon kahit hindi na tumatanggap ng transferee ang school. Paniguradong binayaran nila sila para lang makapasok siya upang mabantayan ako. I can't believe them.

Pinilit kong ituon sa notebook ko ang atensyon. Wala ang subject teacher namin ngayon pero nag iwan siya ng seatwork kaya heto ang mga kaklase ko, nag iingay habang gumagawa. Mayamaya pa ay kinuha ni Tristan ang atensyon ko dahilan para matigil ang pag-iisip ko.

"May sagot ka na ba dito?" Tanong niya sabay turo sa math problem na nasa notebook ko na nakapatong sa arm chair ko.

"Wala pa, ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Meron na," sagot niya. Napangiti ako. As expected. Matalino siya kaya naman ay walang kahirap-hirap para sa kaniya ang mga ganitong bagay. Sa isang tingin ay kaya niya agad itong sagutan.

"Gusto mo bang kopyahin?" Tanong niya. Tumayo siya at inurong ang kanyang upuan papalapit sa 'kin. Nahihiyang ngumiti lang ako bilang sagot. Muli siyang umupo at ipinakita ang answer niya.

"Turuan nalang kita, gusto mo?" muling sabi niya nang mapansing nahihiya akong kopyahin ang answer niya.

"Sige, salamat," sagot ko at ngumiti. Nakakahiya naman kung agad-agad kong kokopyahin ang sagot niya. Kahit hindi ko gusto ang math subject ay gusto ko parin namang matuto kahit papaano. Ayaw kong iasa sa kaniya ang lahat. Baka mamaya, isipin ng mga kaklase kong inaasa ko ang lahat ng schoolworks ko kay Tristan.

Ngumiti lang siya at sinimulang ituro sa 'kin kung paano isolve ang problem. Nang makuha ko ito ay kaagad na lumawak ang ngiti ko. Umangat ang tingin ko sa kaniya at nang magtama ang tingin namin ay mahina siyang tumawa. Nag thumbs up siya at nginitian ako.

"Salamat," sabi ko at ng patuloy sa pag sasagot. Nang matapos kong sagutan ang lahat ng dapat sagutan ay saka ko lang napansin na kanina pa kame pinapanood ng mga kaklase namin. Kaagad nila kameng pinaulanan ng panunukso.

"Bebe time nanaman, hay." Narinig kong sabi ng isa sa kaklase namin.

"Tinuruan niya lang ako," depensa ko.

"Yeah, tinuruan ka lang niya." Nag tawanan sila at tinukso-tukso parin kame. Eva and Genna grinned at nanguna pa sa panunukso sa'min.

Saka ko lang napansin na sobrang magka dikit ng mga upuan naming dalawa. Nasa may bandang likuran kame ng classroom, malapit sa bintana at ang upuan lang naming dalawa ang magkalapit ng sobra.

Tinignan ko si Tristan at nakita ko ang malaking ngiti niya. Hindi na siya nag abala pang itama ang mga iniisip nila. Mukha pa ngang nag eenjoy siya e.

Anong nakaka enjoy sa mga nangyayari? Hindi niya ba itatama ang mga iniisip nila?

"Hayaan mo sila," narinig kong sabi niya.

Nag-iinit ang pisnging itinuon ko nalang ang atensyon sa notebook ko. Nag kunwaring busy sa ginagawa upang tumigil na sila.

Minutes later, dumating ang isang student from the other section and he was sent by our P.E teacher. Inanunsyo niyang maglalaro raw kame ng volleyball sa gym kaya naman ay kaagad na nag hiyawan ang mga kaklase ko.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now