Chapter 12

802 25 0
                                    

Date

"Seryoso ka na ba talaga dyan sa pag-aaral mo nang mabuti, Eva? Ano'ng nangyari sa 'yo? Ano'ng na kain mo?"

Biglang nagbago si Eva. Hindi naman siya nagbago in a bad way, pero hindi namin mapigilang magtaka kung bakit gano'n ang inaasal niya nitong mga nag daang araw.

Naging masipag siya sa pag-aaral. Kung dati, nagagalit siya sa tuwing may activities at kung ano pa man, ngayon, walang reklamo siyang gumagawa at nag p-participate pa sa mga recitations sa klase.

Oo, wala namang masama ro'n, pero hello? Bakit biglaan? Hindi gano'n si Eva kaya hindi namin mapigilang magtaka kung bakit gano'n ang inaasal niya.

"Nahanap ko na ang tamang landas," seryosong sabi niya lang habang nag sasagot sa armchair niya.

Napailing kame ni Genna. Hinayaan namin siya. Mas mabuti na ring gano'n siya kaysa tatamad-tamad siya, 'di ba? Mas mag-alala kame sa kaniya kung gano'n ang mangyayari. Nagulat lang talaga kame dahil biglaan siyang sumipag.

Ganadong-ganado siyang gumawa ng kahit anong ipinapagawa sa 'min. Kulang nalang, sagutan niya pati yung activities namin ni Genna. Gano'n kasipag si Eva these past few days. Ano kayang nakain niya?

Tumawag na sa 'kin ang mga magulang ko noong nakaraang araw.

Mabilis lang rin dahil busy raw sila. Okay na 'yon sa 'kin as long as alam kong safe sila. Makakahinga na ako ng maluwag ngayon.

Kailan sila uuwi? Hindi sinabi. Kinamusta lang ako at ang bodyguard ko saglit, tapos namatay na agad ang tawag. Sobra raw silang busy kaya hindi sila nakatawag kaagad, tatawag raw sila ulit kapag ayos na ang lahat.

It somehow made me relieved. Hearing their voices made me feel calm. I really thought that something bad had happened to them. I was glad they're safe.

"Uuwi na ako, girls. Babawi ako next time." Ngumiti si Eva, mukhang nagmamadali. Hindi pa man kame nakakasagot sa kaniya ay nag lakad na siya palayo sa 'min.

"Tignan mo 'to. Sino kaya 'yung nag ayang mag bachoy?" Pahabol ko habang pinapanood siyang mag lakad palayo. Itinaas lang ni Eva ang kamay niya. Narinig pa namin ang mahina niyang tawa.

"Hayaan mo siya," kalmadong sabi ni Genna sa tabi ko.

Umuwi rin kame kaagad ni Genna pagkatapos naming kumain sa labas. Kasama naman namin sila Tristan kaya maingay parin naman kahit papaano, pero hindi gano'n kaingay dahil wala sa paligid si Eva. Ngayon, napatunayan naming si Eva ang pinaka maingay sa grupo.

"Ano 'yan?" Kumunot ang noo ko nang makita kong may hawak na box ng cake si Rafael sa labas ng kwarto ko.

May birthday ba ngayon?

Birthday niya ba?

Birthday ko ba?

"Pwedeng pumasok?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at tahimik na gumilid upang makapasok siya sa loob ng kwarto ko. Sinundan ko siya ng tingin nang mag lakad siya patungo sa mesang malapit sa bintana ko at inilapag ang box ng cake ro'n.

"Happy birthday..." Tumigil ako sa tabi niya nang makalapit, binabasa ang nakasulat sa cake na laman ng box na nakabukas na.

"Elviña Isabella." Kumunot ang noo ko.

"Birthday ko?" Umangat ang tingin ko sa kaniya. Pangalan ko yung nasa cake kaya hindi ko mapigilan ang magtaka. I heard him chuckled before looking at me.

"Birthday mo?" Tanong niya pabalik. Nag-isip ako. Hindi ko naman birthday ngayon, ah? Matagal-tagal pa ang birthday ko. Tsaka, hindi ko naman makakalimutan ang sarili kong birthday 'no. Hindi naman ako gano'n ka-tanga.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now