Chapter 20

714 27 3
                                    

Good news


Nakaupo ako sa bench habang pinapanood si Rafael na linisin ang motor niya. Seryoso lang siyang nakatingin ro'n at sobrang focused sa ginagawang paglilinis. Tahimik ko lang siyang pinanood mula sa kinauupuan ko.

Ducati. 'Yun ang nakalagay sa may bandang gulong nito.

His motor looks expensive. Ang ganda talaga nito sa mata. Isang tingin mo palang dito, magugustuhan mo agad 'to dahil hindi lang ito maganda, malinis pa ito.

'Yun ang lagi kong napapansin kay Rafael.

Palaging malinis ang motor niya. Ito ang unang beses kong makita na nilinisan niya ito pero alam kong hindi ito ang unang beses na ginawa niya 'yun.

Mukhang parin itong bago. Walang gasgas o kung ano man. Para nga itong tao kung alagaan niya, e. Isang tingin palang dito, alam mo na agad na alagang-alaga ito ng may-ari. Siguro nga ay okay lang sa kaniyang magasgasan ang taong sakay niyan, 'wag lang 'yung motor niya.

Mahina akong natawa sa naisip.

"Ikaw ba bumili niyan?" Hindi mapigilang tanong ko. Tumigil siya sa paglilinis rito upang tignan ako.

"No," he replied. Natahimik ulit ako. Sabagay, estudyante palang naman siya kaya hindi niya pa kayang bilhan ang sarili niya ng ganyang motor. It looks so expensive rin. I'm sure may iba pa siyang bagay na mas kailangang paggastusan maliban dyan, pero kung hindi siya ang bimili niyan, edi... sino?

"Binigay sa 'yo?" Tanong ko ulit. Bigla siyang nag-iwas ng tingin kaya kumunot ang noo ko. May nasabi ba akong hindi ko dapat sinabi? Biglang lumungkot ang mukha niya pero kaagad rin naman 'tong nawala nang tignan niya ang motor niya.

"Someone gave this to me..." Hinaplos niya 'yung upuan ng motor niya. Tahimik na napatango ako. Whoever gave that to him... that person must be really important dahil alagang-alaga niya ang motor na binigay nito.

Sino kaya ang taong 'yon?

Hindi ko na siya inusisa tungkol ro'n kahit curious ako dahil mukhang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon. Bumalik nalang ako sa loob ng resthouse at naligo nang mainitan.

Apat araw na kameng nananatili rito at umaasang tatawagan na ako ng mga magulang ko. Apat na araw na rin akong walang balita tungkol kila Nana.

Hindi ko naman matanong si Rafael tungkol ro'n dahil ang sabi niya'y hindi niya sila binalikan nung gabing 'yon.


Napabuntong-hininga ako. I really hope they're fine... Especially Nana. Matanda na si Nana kaya kung may maaapektuhan man ng sobra, siya 'yun. Sana nakaligtas silang lahat. Alam kong masasaktan ng sobra ang pamilya nila kapag may nangyaring masama sa kanila.

Pagkatapos kong maligo ay sakto namang bumalik si Rafael sa loob. Tumigil kame sa harap ng isa't isa nang magkalapit kame.

"Done?" I asked. He nodded his head.

"Maliligo muna ako," aniya.


"Okay." Tumango ako at pinanood siyang maglakad patungo sa kwarto namin. Mayroong cr doon kaya doon kame naliligo.

Tumambay ako sa living room at tinignan ang phone ko habang hinihintay siyang maligo. I immediately smiled nang makatanggap ng panibagong mensahe kay Tristan.


Tristan:

pauwi na ako. kumusta kayo?

Kaagad akong nag-reply.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now