Chapter 4

999 35 9
                                    

I never saw it coming.

Natapos ang buong maghapon ko na puro tungkol kay Rafael ang naririnig. Simula nang pumasok ako kaninang umaga hanggang sa mag uwian at hindi siya nawala sa isip ng lahat.

Lahat yata ay nahulog kaagad sa looks niya at hindi ko naman sila masisisi. Sa unang araw niya palang ay ganon na kaagad ang epekto niya sa mga studyante sa school, halos lahat ay gusto siyang maging kaclose at meron pang nag unahan kanina papunta sa cafeteria para makita siya.

Nang makitang pumipila siya para bumili ng lunch niya ay kaagad na nag bigay ng daan ang mga babaeng na una at siya na ang pina unang umorder.

Halatang tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari because he's smiling the whole time. Wala akong ibang nagawa kundi ang paki-alaman ang sariling pagkain ko kahit na naiirita na ako sa mga nangyayari sa buong paligid ko.

Hindi na rin ako magugulat kung may mga kaibigan na siya ngayon. He looks approachable naman kaya hindi siya mahihirapang makahanap ng kaibigan.

Isa pa, kahit mag sungit siya I'm sure people would still want to talk to him.

Hinubad ko ang towel na nakabalot sa buong katawan ko at nag bihis sa loob ng walk-in closet ko. Kinuha ko ang damit pantulog kong naka handa na at sinuot 'yon.

Kakatapos ko lang maligo at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nang matapos akong mag-ayos sa harap ng salamin ay kinuha ko ang assignment ko mula sa loob ng bag ko at sinimulan itong gawin.

Maaga pa naman kaya gagawin ko na kaagad ito bago ako mag hapunan dahil gusto kong mag pahinga ng maaga ngayon.

Sinimulan ko na itong gawin matapos ilabas ang lahat ng mga gamit na kailangan ko. I was taking my time, answering my assignments silently nang biglang makarinig ako ng ingay mula sa hindi kalayuan. Someone was playing a guitar. Kumunot ang noo ko.

Lumabas ako ng kwarto at sinundan kung saan nanggagaling ang tunog. It was from Dave's room. Habang papalapit ako sa kwarto ni Dave ay lalo itong lumilinaw sa pandinig ko.

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba nang tumigil na ako sa harap ng kwarto niya. Someone is playing a guitar inside his room. Akmang bubuksan ko na ito pero kaagad kong pinigilan ang sarili.

Who could it be?

A lot of questions came into my mind.

Tumigil ang taong nasa loob sa pag g-guitara at mayamaya pa ay narinig ko ang papalapit nitong yabag.

Napalunok ako, bracing myself if ever multo o halimaw man ang sumalubong sa 'kin.

Muntik nang tumigil ang pag tibok ang puso ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dave. Kumunot ang noo ko nang iluwa nito ang isang pamilyar na mukha. Nagulat siya nang makita ako pero kaagad rin itong napalitan ng isang ngiti.

"Surprise." He smiled.

"What the...." Kaagad ko siyang hinila palabas ng kwarto ni Dave at tinignan ng masama.

"Paano ka nakapasok rito? Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto na 'yon? Magnanakaw ka ba?!" Asik ko sa kaniya. Tumawa siya at napahawak pa sa tiyan niya.

"Woah, chill, ma'am. Hindi ako magnanakaw." depensa niya.

"Then what the heck are you doing there you trespasser?! Akala mo ba palalampasin ko'to? Isusumbong kita sa parents ko!" Singhal ko.

Lalo akong nakaramdam ng inis nang makitang kalmado parin siya kahit pa nahuli siyang pumapasok sa bahay ng ibang tao.

"Anong nangyayari rito, Elviña?" Dumating si Nana Flora at pumagitna sa'min.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now