TLBT NEW 10.0

165 5 0
                                    

QUARATINE UPDATE 5.0

King's POV...

    Sobrang hindi ko inaasahan 'yong naganap kagabi. Hindi ko alam kung paanong nagkataon 'yong mga ganong moment. We are about to have dinner with Ella, Rayne and Janna,a farewell dinner for Ella and Rayne. Aalis na sila ng bansa for good at titira na sa New Zealand. Hindi namin inexpect na talagang nadoon sila Phillip at mga barkada nya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung anong iisipin ni Jecs kung nasa iisang lugar lang kaming tatlo nila Phil. Noong una sila Phil na ang nagvolunteer na lilipat ng resto pero kinagulat ko na si Jecs na mismo ang nag-aya sa kanila na doon na din kumain at magstay. At sa akin pa talaga sya humanap ng confirmation sa sagot nya na doon na kumain.

   

    Habang kumakain kami ay puno pa rin ng tension pero na-manage pa din naman ng lahat na matapos ang gabi ng walang gaanong gulo. Akala ko nga nung minsang magkasabay na pumunta sa comfort room si Jecs at Phil ay magkakaroon ng gulo pero payapa naman silang bumalik. Balak ko talagang sumunod sa CR pero sinabihan naman nila ako na hindi ako dapat magworry para sa dalawang lalaki na to.

    Medyo napansin ko din na naging tahimik si Jecs noong nasa kotse hanggang sa makauwi na kami. Hindi na lang din ako nagsalita o nagtanong pa dahil alam ko naman ang dahilan. Alam kong hanggang ngayon ay may kakaiba syang nararamdaman everytime na nandyan si Phil. At dahil ang stupid ko naman talaga, nagawa ko pa syang lokohin noon. Gosh! Hindi ko masabi kung pinagsisisihan ko ba na minahal ko ulit si Phil pero ang talagang pinagsisisihan ko ay ang panloloko sa nag-iisang taong naging loyal sa akin ever since.

    Unti-unti na naman akong kinakain ng konsensya ko sa mga nagawa ko sa kanya. Habang buhay na siguro akong mumultuhin nito. Ang tanging magagawa ko na lang sa ngayon ay ang bumawi at ibigay ng buo at kung ano ang deserve ni Jecs. Lagi ko namang sasabihin ito pero talagang may soft spot lagi sa akin si Phillip. Hinding hindi maiiba yon. Pero sa ngayon, si Jecs ang pumupuno sakin. Sya lang ang tanging taong nagtya-tyaga sakin. Sa lahat ng flaws at imperfections ko.

    Nakatulog kami ni Jecs na hindi gaanong pinag-usapan ang nangyari kanina.







Jecs' POV...

    Sino bang hindi makakaramdam ng selos kung ang taong minahal ng taong mahal mo ay malapit lang sa inyo? 'Yong pakiramdam ba na alam mong malaki ang chance na ikaw ang hindi piliin? Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay mayroon pa din. Kung ano na ba ang lugar ko kay King. Napakadesperado ko ba? Alam kong may affair pa din sila recently, aware naman ako don pero hindi ko nagawang i-confront si King tungkol dito. Nagawa kong kausapin si Phillip pero never kong nagawa kay King. Natatakot ako at naduduwag sa magiging sagot nya.

    Natatandaan nyo ba na noong nakaraan na kinausap ko si Phillip at nakikipagkompitensya sa kanya kung sino ba ang pipiliin ni King? Hanggang ngayon ay may mga time na naipaparamdam sa akin ni King na talo talaga ako kay Phillip. Hindi ko alam kung sinasadya nya ba o naiipit lang din sya sa sitwasyon.

    I don't really know what the future holds. Hindi ko alam kung aside sa challenges ko sa relasyon namin ni King ay makakaya ko na ba ang dapat kong harapin ko para sa sarili ko. Alam kong hindi madali ang haharapin ko sa sitwasyon ko pero kahit ano'ng mangyari ay ilalaban ko 'to. Pero bukod sa laban ko na ito ay gusto ko pa ding ma-assure na kung hindi ko man kayanin ay may aagapay at tutulong sa taong pinakamamahal ko.

    Nasabi o nakwento ko na ba ang nangyari kanina sa restroom ng sadya kong sabayan si Phillip?

FLASHBACK...

    Nagpaalam si Phillip na magpupunta sa comfort room. Pakiramdam ko ay ito na ang perfect timing para kausapin sya. Sumunod ako at nagpaalam din na magpupunta lang sa CR. Nakit ko talaga sa mata ni King na natatakot sya pwedeng mangyari pero binigyan ko naman sya ng assurance na walang mangyayari kaya binitawan nya din ako at dumiretso na sa banyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now