Moments lang namin 'to??

3.5K 42 3
                                    

Eto na po yung UD ko. Pasensya na po sa pagkadelay. ENJOY kayo :D

-----------------------------------------------------------------

Allain's POV...

Nakakatawa si Janna nung nagising sya nagtatakbo talaga sya palabas. Makita nya ba naman na wala na akong damit bukod sa boxer ko at nakita nya din yung sarili nya na ganun din. Akala nya may nangyari talaga sa amin,pero ang hindi nya alam na sinet-up ko lang yun. Ayon yung paraan ko ng pagpapasalamat sa kanya para sa nagawa nya sa akin magdamag. Inalagaan nya talaga ako, ang gago ko lang talaga kung bakit ko sya inaway dati dahil lang sa pagtawag nya ng maagang maaga sa akin na kinainis ko, mabait naman pala sya. Hindi lang mabait, sobrang bait nya pala talaga  ^_^

Naaalala ko yung nangyari kaninang madaling araw kaya nagising ako.

FLASH BACK...

KKKRRRRIIIIINNNNGGG!!!!

"Ano ba yun? Ang ingay-ingay naman" sabi ko nung marinig kong may cellphone na nag-aalarm yata o may tumatawag. Ang baduy naman ng tunog ng cellphone na yun.

Hinanap ko yung cellphone nung medyo nakapag adjust na ako mula paggising ko pero nagulat ako ng makita ko si Janna na sobrang sarap yata ng tulog kaya hindi naririnig yung alarm sa phone nya. Bakit kaya sya nag-alarm?

Hindi ko na din muna sya ginising kaya hinanap ko muna yung cellphone nyang kanina pa nagriring. Pagtingin ko sa cellphone nya may reminder na nakalagay. Binasa ko yung nakalagay.

"3:00 am. Iinom ng gamot si MAYABANG"

Hanep na yan! Mayabang ba talaga ako? Pero astig din sya ah. Talagang nagset pa sya ng alarm para lang mapainom ako ng gamot, pero sa tingin ko hindi ko na din kailangan uminom kasi maaayos na yung pakiramdam ko. Salamat dito kay Janna at nakapagpahinga at umayos ang pakiramdam ko.

Pano ko kaya ako makakaganti sa kabaitan ng baklang 'to?? Kiss ko na lang sya pag gising namin mamaya? Ay! wag ganun masyadong komplikado at sigurado akong hindi sya papayag. E kung dalhan ko sya ng breakfast dito? Wag na yun masyadong baduy!

Ano kayang dapat kong gawin?? Habang nag-iisip ako may pumasok na kalokohan sa utak ko. Sigurado akong magwawala 'to mamayang umaga pag nakita nya yung gagawin ko.

Sinimulan ko na yung plano kong KUNWARING MAY NANGYARI SA AMIN.

Nakakailang yung gagawin ko pero masaya 'to. Sigurado ako dun! Hahaha.

Sinimulan ko ng alisin yung mga damit nya, syempre wala naman akong balak na lahat ng suot nya, ititira ko naman yung boxer nya. Kailanga dahan-dahan baka kasi bigla syang magising bugbugin pa ako nito eh.

Nung maalis ko na lahat ng damit nya, ako naman yung nagtanggal ng damit ko, iniwan ko muna din yung boxer ko syempre baka mamaya himatayin 'to kapag nakita ng buo yung katawan kong "YUMMY" hahahaha.

Pagkatapos kong gawin yung mga kalokohan ko, tumabi na ulit ako sa kanya. Pero naisip ko lang na hindi kapani-paniwala kung magkatabi lang kami. Maganda siguro kung magkadikit kami. Kaya lumapit ako sa kanya tapos nilagay ko yung ulo nya sa braso ko pero ang hindi ko maintindihan e kung bakit parang may kuryenteng dumaloy sa akin nung magkadikit yung balat namin. Hinayaan ko na lang yung naramdaman ko siguro naiilang lang ako.

Maya-maya lang inantok na din ako kaya medyo pumikit ako at nakatulog na.

END OF FLASH BACK

Sobrang natawa ako nung nakita ko yung itsura ni Janna kanina. Nakakatuwa syang magulat. Ang galing ko talaga sa plano ko na yun. Walang mintis! Hahahaha ^_^

Sigurado akong gulong-gulo yun ngayon. Hahayaan ko muna syang maguluhan bago ko ulit sya asarin at pasakitin ang ulo nya mamaya. Maliligo muna ako para mamaya lalabas na din ako para kapag kakain na kami ng almusal.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now