TLBT NEW 9.0

127 3 0
                                    

QUARANTINE UPDATE 5.0

King's POV

"Kumusta na?" chat sakin ni Bridgette. Madalang ang balita namin sa kanya. Ang alam lang namin ay nasa ibang bansa sya. Hindi nya din sinabi samin mismo yung dahilan kung saang bansa nagpunta. Pinilit nyang ilihim samin dahil daw gusto nya munang simulan at hanapin ang sarili nya.

"Okay naman kami dito. Ikaw ba? Long time no chat ah?" reply ko sa kanya.

Imbis na magreply ay nag-invite na lang sya na magvideo call kami. Sinagot ko naman at tinawag ko si Jecs mula sa sala.

"Hi! Kumusta ka Jecs?" masayang bati nya kay Jecs at sa akin na din. Masasabi kong malaki ang pinagbago ng itsura niya. Nagbloom sya. Sinabihan ko naman si Jecs na puntahan yung kambal para makita din ni Bridgette.

"Kumusta naman pala yung kambal?"

"Ayos lang yung mga anak natin. Ang bibilis ngang lumaki e."

Dumating si Jecs kasama yung isa sa mga yaya ng kambal. Dala nila yung dalawang bata. Bata palang ay iminumulat na namin sila na kasama si Bridgette sa buhay nila. Alam kong hindi pa naman nila ganoong naiintindihan dahil nga sobrang bata pa sila pero okay na din yun para hindi sila maguluhan.

"Mama" biglang sabi ng isa sa mga kambal pagkakita kay Bridgette. Unang beses magsalita ng bata at sobrang gulat na gulat kami. Sobrang nagkagulo kaming tatlo nila Bridgette at Jecs. At sobrang tuwang tuwa kami ng biglang nagsalita din si Gil isa sa mga kambal. Ginaya nya yung kambal nya na tinawag si Bridgette ng "Mama". Habang tuwang tuwa si Jecs sa kambal at tinuturuan na tawagin sya ng "daddy" ay nakita ko naman si Bridge na nagpapahid ng luha.

"Oh ano? Hindi ka pa din ba uuwi dito? Hinahanap ka na ng mga anak natin nila Jecs." Sabi ko sa kanya.

"Gusto ko talagang makasama yung dalawang bata pero King, hindi ko pa siguro kaya sa ngayon na umuwi. Alam mo naman na unti-unti ko pa lang bini-build up yung sarili ko para kung sakaling humarap ako sa parents ko e makakabawi na ako sa kanila." Mahabang paliwanag niya.. Naiintindihan ko naman sya sa part na yon.

"Basta King ha? Kapag bumalik ako sana bukas pa rin yung pinto nyo para sakin." emosyonal na sabi ni Bridge.

"Oo naman! Never magiging sarado ang pamilya namin sayo."

Nagkwentuhan pa kami ni Bridgette sa mga bagay-bagay at pagkatapos ay nagpaalam na din sya na kailangan nya ng maghanda para pumasok sa trabaho. Bumalik naman ako sa pakikipagkulitan sa mag-aama ko. Kitang-kita kay Jecs ang tuwa ng matutunan ng kambal na tawagin syang "daddy" ng mga ito. Isa siguro talaga ito sa mga masasayang moments bilang isang magulang.

Napagod kami kakalaro kasama yung tatlong bata kaya dinala na namin sila sa mga yaya nila para patulugin na din at ng makaopagpahinga na kami.

"Mahal, malulungkot ka ba kapag matagal akong mawawala?" biglang tanong sakin ni Jecs habang nandito kami sa kama at nagpapahinga. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng lalaki na to eh. Sino bang hindi malulungkot kung talagang aalis sya at magtatagal? Well, yeah! Kaya naman naming sumunod o bumisita sa kanya in case pero iba pa din yung araw-araw kaming magkasama.

"Ano'ng drama na naman ba yan?" pagkukunwari ko na lang. Sa totoo lang, hindi ko na din naman makita yung sarili ko na hindi ko sya nakakasama ng araw-araw pero ayun nga, kung kailangan nya talagang umalis, bakit ko sya pipigilan?

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung malulungkot ka kapag matagal tayong hindi nagkita. Pero mukhang hindi ka naman malulungkot kaya siguro tatanggapin ko na lang." pagmamaktol nya pa ng kunwari.

Inamo ko naman sya unti nilandi-landi ng kaunti para hindi na mag-inarte.

"Hindi ka naman mabiro mahal. Sino bang hindi malulungkot kapag umalis yung taong bumuo sayo? Yung taong nagtyatyaga sa lahat ng imperfections mo? Sino sa tingin mo?" pero totoo yan. Hindi ko kayang pati sya mawawala sakin. Kinailangan ko na ngang iwan at layuan yung isa, patia ba naman sya?

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon