TLBT New 3.0

393 10 5
                                    


Hi/hello! Sana po pagpasensyahan na yung update ko, I really am trying my best para matapos 'tong kwentong 'to. Kahit po di man kayo magandahan at least po hindi kayo puzzled(kung talagang bet nyong basahin 'to! Hahaha)

Salamat pa din po sa mga nagbabasa. God bless us!

I am really trying my best po. LOVE LOTS!!

Allain's POV..

(A/N: break muna po tayo ng konti sa love triangle nila Phil, King at Jecs. Medyo matagal na ding walang eksena ang JALLAIN dito eh hahaha!)

Nandito na ako sa airport at kadadating ko lang from abroad. Na-miss ko talaga ang Pilipinas. Grabe! Hahaha.

"Pre, nasaan ka na? Nandito kami sa waiting area." Text sakin ni Nano. Yung mga kolokoy kasi yung sumundo sakin dahil wala na din naman yung family ko dito sa Pilipinas besides sila na din ang second family ko.

Hindi na ako nagreply sa kanila at hinanap ko na lang silang tatlo.

Habang hinahanap ko yung tatlong kong kaibigan ay iba't ibang memories and bumabalik sakin. Yung buong buhay ko dito sa Pinas bago pa man ako dalhin ng parents ko sa ibang bansa. At isa na dun ay ang taong naging dahilan para maging iba ang pananaw ko sa buhay at sa salitang LOVE. Ang baduy mga pre pero ayun ang totoo. Wala akong alam na dapat gawin para sa aming dalawa sa ngayon pero merong part ng pagkatao ko na siguradong dadating yung araw na magkakaharap ulit kami.

"Oy pre! Bakit tulala ka dyan?!" si Nico habang nakangiti sakin. Hindi ko pala napansin na nasa harap ko na sila.

"Broooo!" si Phil sabay bigay ng bro hug sakin. Which I gave in return. Nakipag bro hug din sakin si Nano.

Habang nasa byahe kami pauwi sa condo ko, puro kumustahan at reminiscing lang sa mga memories naming nung high school at college days namin. Lahat ng kalokohan naming yata napagkwentuhan. Hahaha! Hanggang sa napunta ang kwentuhan sa pamilya at love life.

"Pre, kumusta kayo ni Cheska at Second?" bigla kong tanong kay Phillip pero hindi sya sumagot. May alam din naman ako sa mga nangyayari sa kanya dito pero recently bago ako umuwi medyo wala na.

"Pare, hindi na si Cheska ang dapat kinukumusta mo. Pero si Second, ayos naman siya na kasama si Ches sa U.S." Si Nano.

"Eh sino pala? May iba na ba?"ako, sabay baling ng tingin kay Phillip.

"Kami na ulit ni King, pre" si Phillip. Nagulat ako sa sinabi nya dahil ang pagkakaalam ko ay may live-in partner din si King at nakikita ko yun sa mga post nya sa mga social media account nya.

"You must be kidding pre. Alam ko may ka live in sya ah? Unless pumayag kang maging kabit nya? Hahahaha!" natatawa kong sabi.

"Yes. Pumayag ako pre" seryoso nyang sabi. Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko na lang pinahalata.

"Oh ikaw pre? Kumusta ka na ba? May communication ba kayo ni Janna?" si Phil. Takte! Di pa ako ready sa question na yan eh. Pero since nandyan na, siguro ok na ding harapin ko na.

"Pre, matagal na kaming walang communication. Binlock nya ako sa lahat ng pwedeng connection na magkaroon kami." Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka move on. Nakakainis lang na wala akong magawa noon pero sinigurado ko na ngayon ako na ang magdedecide para sa sarili ko. Kaya din naman ako umuwi ng Pilipinas ay dahil na din sa kanya pero wala pa akong idea kung nasaan sya o kung ano na ang balita sa kanya. Hindi rin kasi ako sinasagot ni King everytime na mapupunta kay Janna na yung usap namin kaya naman nirespeto ko na lang dahil siguro ayun din naman gusto nya eh.

"Wala ka man lang bang balita sa kanya pre?" si Nico. Weird pero ok sa buong tropa ang ganitong set up. Hindi naman talaga kasi kami matatawag na "gay" dahil alam naman namin sarili naming na straight kami. Na-in love lang siguro talaga kami sa akala ng mga tao na "maling" tao.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now