chapter 2.1

1.5K 27 0
                                    

Gusto ko muna pong magpasalamat sa mga taong nagababasa nito at sa mga taong nagpopost pa talaga sa message board ko para iremind lang po kung ilang araw na kong hindi nag-uUD hahaha. Salamat po. :D

-------------------------------------------------------------------------------------

Nagkaroon man ng maraming problema at trahedya sa buhay ni King magmula ng magkakilala sila ni Phillip ay hindi doon nagtapos ang lahat. Ginawa nya lahat ng makakaya nya para maka-move on sa nangyari sakanila. Hindi naging madali ang proseso sa paghilom ng sugat na iniwan sa kanya ng pagkamatay ni Phillip..

Pero dahil sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya lalong-lalo na ang lalaking sinusubukang paghilumin ng lubusan ang puso ni King mula sa sakit na hatid ng pagkawala ni Phillip.

Tuluyan na nga kayang mabaling ang atensyon ni King kay Jecs o patuloy pa din syang malulunod sa nasirang pag-ibig??

Mapunan kaya ni Jecs ang lahat ng lugar na iniwang sira ng pagkamatay ni Phillip sa puso ni King??

King's POV...

"Baby girl, sure ka na ba dyan sa decision mo na yan?" tanong ni Mama sakin.

"Opo naman Ma, kailangan na din po kasi, tsaka napag-usapan na po namin ni Jecs na dun na po titira sa bahay na pinagawa nya." sabi ko habang nag-eempake ng mga gamit ko na dadalhin sa  paglipat ng bahay.

"Mamimiss kita baby girl ko" sabi ni Mama. Madarama talaga 'to eh.

"Mama, malapit lang din naman po dito yung lilipatan namin ni Jecs kaya pwede din naman po akong pumunta dito paminsan-minsan. Tsaka po Ma, sana po wag nyo na akong tawaging baby girl cause it reminds me of Phillip. Sa totoo lang po ay unti-unti ko ng nasusubukan na ibaling sa iba ang atensyon ko kaya sana po kung pwede wag nyo na pong ipaalala. Magiging unfair po ako siguro kay Jecs kung hindi ko man lang po maibalik yung pagmamahal na pinapakita nya sakin."

Hindi na lang nagsalita si Mama at tinignan na lang ako ng may magkahalong saya at lungkot sa mga mata nya. Pagkatapos kong mag empake ay pumunta na kaagad ako sa bahay namin ni Jecs. Nasa trabaho sya ngayon kaya hindi nya ako masusundo para ihatid sa bahay.

7pm...

Naghahanda ako ng dinner namin ni Jecs ng biglang may magdoor bell. Siguro siya na yan, pero bakit nagdoor bell sya? Di nya ba dala yung kotse nya?

Papunta na ako sa gate para pagbuksan kung sino ang dumating pero hindi naman pala si Jecs. Isang babae at isang lalaki na mga kaedad ni Mama at Papa. Nginitian ko lang sila sabay nagtanong.

"Good evening po, sino po ang kailangan nila?" mukhang mataray yung babae kaya kinabahan akong bigla.

"Nandyan ba si Jecs?" sabi nung babae. Woaw! Tama yung first impression ko sa kanya. Mataray nga sya! Nakakaloka! Pero kilala nya yung boyfriend ko. Ano nya kaya 'to??

Nakita ko namang parang binawalan sya nung kasama nya sa pagtataray kaya medyo nawala yung kaba ko.

"Ano nya po ba kayo?" tanong ko ulit. Mahirap na baka modus lang nila 'to at nakawan lang nila kami.

"Ako ang Daddy ni Jecs. Im Davis Gaza, and this is my wife Veronica Gaza." nakangiting sabi nung Daddy "daw" ni Jecs. Na-shock ako sa sinabi nung lalaki, hindi ko naman kasi alam na dadating sila dahil hindi din sinabi ni Jecs sakin. Pero sa totoo lang magkamukha nga sila. Bakas sa itsura nya na gwapo sya kahit mukhang may edad na.

"You must be King Saavedra, right?" sabi nung Mommy naman ni Jecs.  Naku! Saksakan yata ng katarayan 'tong Mommy nya. Tumango na lang ako bilang sagot dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now