chapter 2.6

1.5K 35 18
                                    

Ayan ah. I Really work hard for this :D :D :D

----------------------------------------------------------

King's POV...

Nandito kami ngayon ni Bridgette sa ospital. Sinamahan ko kasi sya para sa check-up nya. BUNTIS na po kasi siya and excited kaming dalawa ni Jecs sa baby niya na magiging baby namin.

 Minsan naiisip ko din na parang ang sama ng ugali namin kasi ginamit lang namin si Bridge para sumaya kami while on the other side, siya pala sobrang nahihirapan na sa sitwasyon namin. Kaya pala nagmamadali sya na magawa na nya yung napag-usapan nila ni Mommy at Daddy(parents ni Jecs). Naalala ko tuloy nung araw na magpaalam sakin si Jecs tungkol dun sa kailangan nilang gawin ni Bridgette.

flashback..

"King, maysasabihin sana ako" sabi sakin ni Jecs habang nandito kami sa kwarto at nagpapahinga.

"Ano yun?" sabi nya. Para namang nag-aalangan siya sa sasabihin  nya pero binigyan ko lang sya ng tingin na magpatuloy lang sya and im willing to listen.

"Di ba alam mo naman yung gustong mangyari nila Mommy't Daddy? Yung about sa pagkakaroon ko ng baby kay Bridgette?" sabi nya sabay yuko. Ayun pala yung bumabagabag sa kanya.

"OK lang naman sakin yun. Alam ko naman na ginagawa mo lang yun para na din sa kanila. Naiintindihan ko yun and besides, i know that it's only me that you really love." sabi ko sa kanya para gumaang yung pakiramdam nya para kasing ang bigat nun para sa kanya.

"Ayos lang sa'yo na gawin namin yung mga bagay na tulad ng ginawa natin?"sabi nya ulit.

"Oo naman. Katawan lang naman nyo yung magkakadikit di ba? Hindi naman yan?" sabi ko saby turo sa kaliwang dibdib nya.

Ngumiti naman sya tapos bigla akong hinalikan. "Oo naman. Para lang talaga 'to sayo. Salamat sa pag-intindi mahal ko" siya.

end of flashback

Ayun nga yung nangyari nung nagpaalam sya sakin about that thing. Tiwala naman ako na hindi nya ako ipagpapalit nuh. ^O^ sa part na yun mas maganda at mas mahaba lang talaga yung buhok ko kay Bridge. Hahahaha  ^O^

Habang naghihintay kami ay nagsalita si Bridgette out of the blue.

"Malapit na noh?" sabi nya. Hindi ko naman naintindihan kaya nagsalita ulit siya.

"Malapit na akong manganak at umalis sa bahay. Ang hirap din pala noh? Kasi sa totoo lang King? Hindi lang naman ako kay Jecs napamahal. Sa inyong lahat din,kasi wala naman kayong pinakitang hindi maganda sakin." sabi niya na mababakas yung lungkot. Nalungkot din tuloy ako sa itsura nya kaya hinawakan ko yung kamay nya at nagsalita.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-stay  samin? Pwede naman eh, wala namang kaso yun. Tsaka ayaw mo ba nun, madaming mag-aalaga kay baby mo??" sabi ko sa kanya.

"Syempre gusto ko yun, pero naisip ko lang. Kung hahatian ko pa kayo sa pagiging magulang sa kanya ay baka magkaroon lang ng problema tsaka ayun naman talaga ang usapan nung una pa lang. Na kinuha at inalagaan nyo lang ako para sa baby na dadalhin ko. Isa pa, panatag na din ako kasi alam kong magiging maganda ang pagpapalaki nyo sa baby ko tulad ng pagpapalaki nyo kay baby Dylan." siya.

"Wala namang magiging problema dahil tanggap  ko naman yun. Ikaw ang ina ng bata kaya maagiging masaya din ako para sa inyo." sabi ko.

"Ayos na sakin talaga King. Maraming salamat sa kabutihan mo pero syempre sabi ko nga. Baka magkaroon ng problema sa pagitan natin dahil hindi ako tiwala sa sarili ko. Alam mo namang may nararamdaman na din ako para kay Jecs kaya mahirap na. At isa pa ulit, ok na din sakin dahil magagamit ko yung perang ibibigay nyo para pumunta sa ibang bansa." litanya niya. Naaalala ko tuloy nung sabihin nya samin yung about sa feelings nya kay Jecs.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now