first day namen bilang KAMI....

4.5K 45 5
                                    


Enjoy po.

---------------------------------------------------

Phillip's POV..

Nandun na kami sa point ni King na hindi na namin alam yung nangyayari sa amin ng biglang pumasok sila Dad. WRONG TIMING!! GGGRRRR! Kakainis. Ito namang si King biglang namutla sa pagpasok nila Daddy e para namang first time namen gawin yun. Hihihihi ^_^


Bati na kami ni King kaso hindi ko pa naeexplain sa kanya. Kasi hanggang ngayon shocked pa rin sya. Ang cute nyang mashock. ^_^ 


"Uy! Gumalaw ka naman dyan. Mukha ka ng istatwa dyan." sabi ko kay King na nakatulala pa din.

"Tse!!! Magpaliwanag ka nga!  Naguguluhan na ako!" si King. Sabi nya di na nya ako aawayin? :(((

"Akala ko ba hindi mo na ako aawayin?" nakasimangot kong sabi.

"Hindi kita inaaway. Gusto ko lang pong maliwanagan."  Sabi ni King.

"Ah kala ko inaaway mo na naman ako eh. " sabi ko. Natutuwa talaga ako ngayon.

Maya-maya dumating na si Mama na isa pa sa mga kasabwat ko. "Oh! Mabuti naman at tapos na ang drama mo bago ako makarating baby boy" si Mama. Nakita ko naman si King na nakanganga lang(literal). Hindi siguro sya makapaniwala sa mga pangayayari.


"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo baby, kain muna tayo. Nagugutom na ako eh. Subuan mo ako ha?" paglalambing ko kay King.


"Tse! Baby ka dyan! Matanda na ako noh! Mokong na 'to" si King. "Wala man lang kasweet-sweet yung tawag mo sa akin. Grabe ka naman." hmp! nakakainis talaga 'to. Hindi man lang ako nilambing kahit kailan.


Kumain muna kami bago umalis ng ospital. Kasi nga tapos na ang drama namen dito.  At madami pa akong ipapaliwanag sa bagong girlfriend ko. hehehe ^_^


Pagkatapos namin kumain ay nauna na kami ni King sa bahay. Kasi sila Daddy yung nagpasalamat sa kakilala nya dun para payagan yung plano ko tapos si Mama pumasok na sa office nya. Ang hirap kayang planuhin ng naisip ni Allain pero worth naman yung resulta, KAMI NA TALAGA NI KING!! ^_^ 


Pagdating namin sa bahay ay kami lang ang tao bukod kay Manang Yolly. Umakyat muna kami sa kwarto ko. Oh! wag kayong mag-isip ng masama dyan. Hindi pa namin ngayon gagawin yon pero malay naman naten di ba? ^_^


"Aano ba kasi tayo dito? Uuwi na lang ako total hindi naman pala totoo yang aksidente mong mokong ka." si King sabay irap sa akin. Ganito ba talaga sya maglambing?? T.T


"Ito naman walang kalambing-lambing sa katawan eh. Gusto ko lang naman sulitin yung unang araw natin bilang TAYO eh. Saka ayaw mu yatang malaman yung plano ko kanina kung pano kita napasagot eh." sinabayan ko ng pamatay kong ngiti pero inirapan nya lang ako kaya nagsalita ulit ako.


"Gusto mo turuan kitang maglambing?" pilyo kong sabi.


"Tigilan mo ako ha!Phillip Villagracia!" inis na sabi nya, pero nakita kong sobrang namumula sya. ^_^ ang kyuuuut ^_^


"Ok ok hindi na po." ako.


"Ikwento mo na lang 'tong kalokohan mong mokong ka." utos nya. Hmmm. Iisipin ko na lang na ganito sya maglambing.  O.o

Habang magkatabi kami sa couch dito sa kwarto ko ay nagkwento na ko.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon