this is the moment!!.....

5.3K 59 2
                                    

enjoy po sa pagbabasa :D

-------------------------------

Phillip's POV

Sinundan ko si King sa kwarto nya. Alam ko kasing pupunta na sya dun para iwasan ako. Alam ko naman ang dahilan nya at hindi ko sya masisisi dun. Bakit nga ba kasi nagawa ko yung kanina.

Noong una nagtititigan lang kami kasi hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam yung gagawin ko. Hindi ko alam saan ako magsisimula. walang bumibitaw sa amin sa tinginan ng biglang sumara yung pintuan ng kwarto nya.

Pumunta kaagad si King sa pinto para buksan yun pero mukhang naka lock sa labas.

Sumigaw si King

"BUKSAN NYO 'TO!!" halatang upset sya.

kaso biglang nagsalita mula sa labas si Mama.


"baby girl! mag-usap na kayo ng Boyfriend mo! at gawin nyo na ang dapat gawin! whahahahaha" sabi ni Mama habang tumatawa at sinabayan pa ni Kim nung kapatid ni King na sumunod sa kanya.

Gusto ko sanang tumawa kaso tumingin na ulit si King sa akin. Yung tingin na nambibintang.

"Pinlano mo ito noh??!!!"  tanong ni King sa akin. Dun ko na hindi kinaya at  natawa na ako.

"Ano'ng nakakatawa??ha!!" si King na halatang napipikon na. kaya ginawa ko ang lahat para hindi na matawa. Di ko rin alam bakit ako natatawa. Pero mas natutuwa ako kaysa natatawa. Ngayon ko lang kasi nakitang magalit si King ng ganito.  Ang cute nya!!

"ah. wala natutuwa lang ako sayo kasi ang cute mong magalit at magdabog" sabi ko habang nakangiti pa din ng abot tenga.

"nakakatuwa pala sayong makita yung ibang NAHIHIRAPAN ano??" sabi ni King na parang may laman yung sinasabi nya.

"Hindi naman. My point is that you really look so cute when you're showing that kind of reaction."
 sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"ows?? hindi? sa tingin mo talaga hindi?? mukha ngang  enjoy ka sa pagtatawa sa paghihirap ng iba eh!!" inis pa din sya. pero alam ko na yung ibig sabihin nya. This is it! kailangan ko ng magsalita para makahingi na din ng tawad.

"ahm King dun sa inasal ko kanina sa cafeteria--" bigla nya akong pinutol.

"PLEASE! STOP! ayoko ng pag-usapan yon. alam ko na yung ibig sabihin nun." sabi ni King na ramdam kong may kinikimkim syang inis. hindi sya nakatingin sa akin.

"pero--" naputol ulit ako.

"Look! naiintindihan ko na yung ibig sabihin nun, pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagpunta mu pa dito. Hindi ko alam kung nananadya ka ba o ano. Nung una pa lang na sabihin mong liligawan mo ako ay duda na ako. At binigyan mong linaw ang lahat dahil sa nakita ko kanina. Ngayon! sabihin mo kung bakit ganun!" sabi ni King na medyo basag ang boses.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now