hindi ko kayang mawala sya...

4.5K 42 1
                                    

pasensya na po sa mga nakabasa nung isa kong UD. Kung naguguluhan po kayo. Pasensya na po talaga :(((

--------------------------------------------------------------------

King's POV..

Maghapon lang akong umiiyak magmula nung umuwi ako kanina. Mabuti na lang at wala pa si Mama. Hindi ko kasi kayang makita ako ni Mama na ganito.At hindi din ako gaanong napansin nila Ate Jeng kasi nagmadali akong pumasok sa kwarto.

Habang patuloy ako sa pagmumukmok ay biglang tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay nakita ko kung sino yung tumatawag.

Phillip calling..

Kagad kong pinatay yung cellphone ko. Ayoko ng makipag-usap sa kanya at ayoko ng pakinggan yung mga sasabihin nya.

Hanggang gabi ay wala akong ginawa kundi ang umiyak.

Maya-maya pa ay dumating na si Mama. At kinatok nya ako dito sa kwarto para sabihing kakain na. Pero hindi ako sumaagot dahil nga medyo napaos yata ako kakaiyak. Kasalanan ito ng Phillip na yun!!

Makalipas ang isang oras ay umakyat ulit si Mama para katukin ako.

"Baby girl, bakit hindi ka pa kumakain? May problema ba?" si Mama. Pilit kong inayos ang boses ko at nagsalita.

"Ma, hindi po ako nagugutom. Busog po ako" ako.

"Naku!baby girl, kilala na kita. Alam kong may problema ka. Halika at pag-usapan naten yan" si Mama. Kasi naman eh! Kita ng nag-eemote yung tao dito eh. Pero anong magagawa ko?? Kukulitin lang ako nito ni Mama at kung hindi ko sya pagbubuksan ay ipapakuha nya ang spare key para makapasok. Kaya no choice!


Pagbukas ko ng pinto ay biglang nagulat si Mama sa itsura ko.

"Hala! Baby Girl! Anong nangyari sayo? Bakit namumugto yang mga mata mo?" si Mama.

"Wala po to Ma. Wag nyo na lang pong pansinin" ako.

"Hmmm. Hulaan ko sino ang dahilan ng pag-iyak mo ng ganyan na mukhang maghapon at magdamag. Si Baby boy ano? Akala ko ba ayos na kayo kagabi baby girl?" si Mama.

"Ayun din po ang akala ko e Ma. Akala ko po totoong mahal ako ni Phillip pero hindi naman po talaga. And please po Ma, wag nyo na po syang tawaging baby boy magmula ngayon. DAhil po simula sa araw na 'to ay tapos na kami." ako.

"Naku kang bata ka. Halika nga dito at ikuwento mo ng buo kay Mama ng maintindihan ko." si Mama. Umupo kami sa gilid ng kama ko at nag-usap. Sinenyasan ako ni Mama na magkuwento na daw ako.

"Ayon nga po, kanina po kasing lunch break namen  ay sabay kaming kumain ni Phillip at nung kaibigan nyang si Allain at yung kaibigan ko din pong si Janna. Nung una po sila yung umorder ng pagkain at kami naman  po ni Janna ang naghanap ng table. Nung nasa table na po kami ay may video na biglang nagplay sa screen ng TV. Yung nasa video po ay si Phillip tsaka yung mga kabarkada nya. Nung napanood ko na po yung video ay nalaman kong PINAGTRIPAN AT PINAGPUSTAHAN lang po nila ako,Ma. Siubukan pong magpaliwanag ni Phillip sa akin pero hindi ko na po sya pinakinggan" naiiyak kong kwento.

Niyakap naman ako ni Mama at ikinuwento ko na sa kanya pati yung pagkakasampal ko kay Phillip sa harap ng maraming tao.

"Anak,siguro mas magandang pinakinggan mo muna sya sa sasabihin nya malay mo naman may maganda syang dahilan." si Mama.

"Hindi na po kailangan Ma. Dahil tulad nga po ng sinabi ko ay tapos na kami. At wala po akong nakikitang magandang dahilan sa ginawang yun ng mga lalaking yun!!" sabi ko na medyo naiinis.

"Basta anak. Kahit na ano pang desisyon mo ay nasa likod mo lang kami at sana maging masaya ka sa desisyon mo at hindi mo pagsisihan yan." si Mama. Buo na ang loob ko. Hinding-hindi na ako magpapauto kay Phillip.

Pagkatapos namen mag-usap ni Mama ay inaya na nya akong kumain at sumunod naman ako. Kailangan kong magkaroon ng lakas. At tama na ang pag-iyak sa walang kwentang taong iyon.

------------------------------------------------------------------------

Phillip's POV..

Saan galing yung video na yun? Yun yung oras na umamin ako sa mga kabarkada ko na gusto ko si King. At ayun din yung nag-away kami ni Nano. Pero bakit may video? Kailangan kong malaman kung saan galing yun! Mananagot sya sakin!!! Handa na akong sabihin yung kay King eh.

Hindi ko mapapatawad yung gumawa nun!! Malaman ko lang talaga kung sino sya!!

"Pre, ayos ka lang ba?" si Allain. Nandito pa din kasi ako sa bar. Pagkatapos kasi ng klase namen ay pumunta ako kaagad dito. Alam kong hindi ko makakausap si King ngayon. Kitang-kita ko sa kanya yung galit at sakitsa napanood nya. Kailangan kong uminom para kumalma. At kanina pa pabalik-balik sa utak ko iyong itsura ni King nung napanood nya iyong lintik na video na yun!

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon