newchapz

2.8K 40 9
                                    

King's POV...

    Sobrang saya ko sa surprise na ginawa para sakin kagabi ni Moks, akala ko nga aalis ako na hindi maganda yung mga nangyari. Masaya din ako kasi kasama pala sa paggawa ng surprise despedida party na yun, yung mga kaibigan ko. Akala ko din kasina hindi ko sila makakasama sa last day ko dito eh. Pero nawala lahat ng negative na energy ko dun at eto na nga ako ngayon , papunta na sa airport. Hindi na ako nagpahatid kila Moks. Hello naman! Kapag nakita ko yun  bago ako umakyat sa eroplano sa eroplano baka hindi ko pa kayaning umalis.

By the way, nandito na kami sa airport pero bago yan kailangan ko munang magbanyo dahil naiihi na ako. Nagpaalam muna ako kay Mama.

"Ma, punta lang po ako sa restroom " sabi ko. Pumayag naman si Mama at pumunta na nga ako sa rest room. Pagdating ko dun, medyo maraming gumagamit ng urinal kaya naghanap ako ng vacant na cubicle. Ayoko kasing umiihi sa urinal kapag maraming tao. Nakakahiya kaya!! Nung makakita na ako, pero nagulat ako ng may isang lalaking pumasok din sa cubicle na yun at ng tignan ko kung sino nagulat ako dahil si Moks yung lalaki!!.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko kasing ihatid yung pinakamamahal ko e" sabi ni Moks, Tapos bigla nya akong tinulak papasok sa loob ng cubicle. Buset na lalaki 'to! Ano na naman yung binabalak nito. Pero kung to gusto nya! Hahaha! (malandi mode lang po ^_^ )

"Hoy ano ba ginagawa mo? Mamaya may makakita satin" pag-iinarte ko pero bet ko naman talaga eh. ^_^

"Hindi naman tayu mag-mamagic e.  Konti lang gagawin naten. Masyado naman tayu kung hanggang dito ba naman my lady" si Moks sabay ngiting nakakaloko. Naku talaga 'tong lalaking 'to. Pero ang sweet nya talaga.

Medyo matagal na din yung kiss na nangyari samin ni Moks sa loob ng cubicle ng biglang magring yung phone ko. Nakita ko kagad sa screen yung pangalan ni Mama. Naku! Kanina pa ako hinahanap nun for sure may pagkapraning pa naman yun kaya sinenyasan ko muna si Moks na sasagutin ko muna yung tawag tapos tumango na lang sya.

"Nasana ka na?" bungad ni Mama. Sa tono pa lang ng boses nya halata ng naiinis na siya kaya kailangan ng bumalik dun.

"Pabalik na po dyan Ma, marami lang pong tao kanina kaya po medyo natagalan ako." pagsisinungaling ko. Hanu ba yan! Puno na yata ng kasinungalingan yung bibig ko eh. Hindi na nagsalita si Mama dahil pinatay na nya yung call kaya kailangan ko na talagang bumalik dun para hindi na nya ako hanapin at baka mapoot pa yun  sakin pag nagkataon.

"Hoy! Mokong kasalanan mo 'to kaya natagalan ako. Hinihintay  na ako ni Mama kanina pa at mukhang naiinis na sya. Pero bago yun mauna ka ng lumabas ng hindi tayo mahalata ng mga tao dyan sa labas at iihi pa din po ako" sabi ko  kay Moks. Nakangiti lang sya mula pa kanina. Problema ng lalaking 'to??

"Pwede namang sabay na tayung lumabas ah? Wala naman akong pakialam sa kanila eh. And another thing, para namang hindi ko pa nakita 'yang si jun-jun mo para mag-inarte ka" sabi ni Moks sabay ngiting aso. Ang perv talaga ng lalaking 'to. Naku! Pero wala naman sakin yun kasi mahal ko sya at ayoko lang talaga na pagtinginan kami mamaya paglabas namin.

"Tumigil ka na nga! Basta lumabas ka na lang. Ang pervet mu talagang mokong ka! Labas na! Shuuuu!" sabi ko sa kanya. Wala na lang syang nagawa kundi sumunod sakin kasi naman pinagtutulakan ko na din sya.

Paglabas ni Moks ng cubicle ay umihi na muna ako tapos lumabas na din. Hinihintay nya ako sa labas ng rest room kaya sabay na kaming naglakad papunta kila Mama.

"Ikaw kamu ang sama mo sa asawa mo! Para naman akong aso na pinapalayas mo kanina" sabi ni Moks na nagkukunwaring nagtatampo sya pero halata namang drama nya lang kaya lang kailangan na lambingin ko sya dahil kung hindi magtatampo talaga sakin 'to.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon