Summer na!!

4.1K 55 6
                                    

--------------------------------------------------------

King's POV...

Summer vacation na nga pala. Marami kaming plano ngayon ng mga bestriends ko at pati ni Moks. Ang totoo nga nyan pupunta kami sa isang beach resort na pagmamay-ari nila Moks. Naalala ko tuloy nung first time namen na pumunta sa isang resort din nila para naman daw manood ng sunset at paggising ko nasa bahay na ko. Hahahaha. Di ko makakalimutan yun.

Inaya nya kasi kami dun for 1 week. Kasama namin yung mga bestfriends ko at  family namen ni Moks. Sinama na din namen yung boyfriend nina Ella at Jean. Kumbaga isang grand vacation 'to para sa aming lahat. Sigurado akong masaya ang vacation na 'to dahil lahat ng mahal ko sa buhay ay nandito na.

Bukas na din yung alis pala namin kaya nag-eempake na kami para bukas ng umaga aalis kami ng maaga. Excited na kami lahat sa pagpunta sa resort na yun. Habang nag-eempake ako ay nagkakagulo din yung mga kapatid ko, kasi kung ako yung "excited" sila naman yung "super excited". Hahaha ^_^

Tumawag bigla si Moks habang nag-eempake ako.

"Hello Moks" sabi ko.

"Ungs, ready ka na ba? Ako tapos ng mag-empake!!" halata sa boses nya na sobra syang excited.

"Nag-eempake pa lang ako Moks, hindi ka naman namana excited nyan?" sabi ko. Lakas ng tama ng lalaking 'to. At talagang dinaig nya sa pagiging super excited yung mga kapatid ko eh.

"Uy! Ungs share tayo sa iisang kwarto ha?" sabi ni Moks, nakow! Mahirap 'to pero syempre gusto ko kasama ko sya. Hehehe sayang yung 1 week. Malandi here! ^_^

"Opo,share tayo. Mamaya kasi magwala ka pa eh. Pagtyatyagaan ko na ikaw yung kasama ko. No choice eh." pagbibiro ko. Kinikilig talaga ako ngayon.

"Ibang klase ka talaga Ungs, talagang tyagaan lang?" pagtatampo ni Moks.

"Syempre jokelang yun Moks. Ikaw lang naman gusto kong makasama sa kwarto eh. Basta yung pinag-usapan naten ha?" sabi ko. Tungkol yun sa RATED SPG. Hahahaha.

"Talaga ha? Ayokong hindi kita katabi dun. And about dun sa usapan naten, ayos lang sakin wag mo lang ako ise-seduce" sabi nya sabay tawa.

"Tse! Busit ka ako pa nang-aakit ngayon. O sige na nga bye na. Mag-eempake pa ako eh" ako. Busit na lalaki yun. E sya kaya palaging nag-i-initiate eh!

I ended the call. Tapos nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

-----------------------------------------------

KINABUKASAN..

Hinihintay na lang namin sila Ella at Jean pati yung mga boyfriend nila. Nandito na kasi sila Phillip at pamilya nya tsaka si Allain at Janna. Hindi pa naman kami ganun katagal kasi ang usapan ay 7am, 6:45am pa lang naman, 15 minutes pa.

"Baby girl natawagan mo na ba yung mga kaibigan mo?" tanong ni Papa. Kasama kasi namin sya ngayon dahil bakasyon nya din.

"Opo Pa, on the way na daw po sila" sabi ko.

Maya-maya lang dumating na sila Ella at Jean, kasama yung boyfriend nila.

"Pasensya na te, kung medyo late ha." sabi ni Ella.

"Wala yun ano ka ba. Hindi naman kayo masyadong late." sabi ko.

"Tara na mga bata. Baka masyado na tayong tanghaliin nyan. Mahaba pa naman ang byahe" sabi ni Daddy.

Sumakay na kaming lahat sa mga sasakyan. Kasama namin ni Moks sila Ella, Jean, Janna,Rey(BF ni Ella), Owa(BF ni Jean). Tatlong van ang sasakyan. Tig-isa naman ang pamilya namin ni Phillip. Medyo mahaba din yung byahe kaya naman nakakangawit. Ilang beses din kaming nag stop over.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon