TLBT New 2

333 8 2
                                    


guys, medyo hold lang po sa story kahit soooooobrang tagal na nung huling update ko! susubukan ko talaga na mas madalas at tapusin na ito ng tuluyan! Love you all mga sis! push naten na to!

-----------------------------------------------

Salamat din po pala sa mga nangungulit sakin na i-update ko na to. Hihihi. Alam nyo nap o kung sino kayo. Salamat sa paghihintay.

King's POV....

Nandito ako ngayon sa Tagaytay. Nagbabakasyon ng biglaan. Alam nyo yung pakiramdam na abducted ka? Yung walang kaalam alam yung mga kasama mo sa bahay sa isang bakasyon na ang nagbalak lang naman ay walang iba kundi yung ex boyfriend mo na ngayon ay kabit mo?

Hindi ko na talaga alam ipapalusot ko sa kanila. Naalala nyo ba nung nakaraang sinabi ni Phillip na nasa labas sya ng village? Nako mga te!! Muntik na akong mabuking nun. As in nagtanong na sakin si Jecs kung bakit daw gising pa ako ng ganung oras.

Ganito kasi nangyari nun..

Flashback...

Pagdating na pagdating ko sa harap ng village ay nandun nga si Phillip. Nakatayo sya sa labas ng kotse nya. Ang lakas talaga ng loob nya. Paano kung mapagtripan sya dito? Edi nganganga na lang sya nun?

"Bakit ba kasi nandito ka pa ng ganitong oras? Di ba pwedeng bukas na lang?"

"Eh nami-miss na talaga kasi kita." Siya, sabay halik sakin. Bakit hindi ko magawang pagsawaan 'tong halik na 'to? Kahit pa dati ganto na eh. Ang hirap tanggihan ng labi nya.

Pagkatapos ng mainit na eksena naming dalawa ay bigla na lang kaming tumahimik na dalawa. Ewan ko ba. May gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko maitanong tanong.

"May itatanong sana ako..." pambasag nya sa katahimikan naming dalawa. Tinignan ko lang sya na parang handang makinig.

"Ganto na lang ba tayo? Mananatili na lang ba tayong kabit?" O _______________________________ o

Windang ako dun! Ayun din itatanong ko eh. Ayun na ayun! Naunahan nya lang ako. Pero hindi ko din alam yung isasagot ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan 'to.

"Iwanan mo na sya. Ako naman yung mahal mo di ba?" sabi nya ulit.

"Hindi ko alam Phil. Mahal kita, oo! Pero hindi ko kayang saktan na lang talaga ng ganun-ganun si Jecs. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Binuo nya ako nung mga panahong inakala kong wala ka na."

"Pero nandito naman na ako di ba? Ako na lang ulit Ungs. Handa akong sabihin kila Cheska na nagkabalikan na tayo. Alam nya naman na ikaw ang mahal ko at hindi ko sya kayang mahalin."

Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya kaya tumahimik na lang muna ako.

Bigla nyang ini-start yung kotse nya na ipinagtaka ko.

"hey! Where are we going? " ako.

"Gusto ko lang malinawan ka. Pupunta tayo sa isang lugar na alam kong magbibigay linaw sayo." Siya.

Gusto ko sana siyang pigilan pero kilala ko si Phillip. Kapag may bagay syang gusto nyang gawin, gagawin nya kahit sino pa yung humarang. Kaya hindi na lang ako nagsayang ng lakas. Kinakabahan nga lang ako sa lugar na gusto nyang puntahan namin.

"Bilisan mo na. Kailangan bago magising si Jecs nandun na ako sa bahay." Walang tingin kong sabi sa kanya. OK! I am a certified slut and a home wrecker. Tumatakas sa asawa kapag tulog na? Check. Nagsisinungaling sa asawa? Check na check! Hanep na yan! Ano pang mga kulang mga tsong at ses? Ano pa?

"Nandito na tayo." Sabi nya sakin. Nawindang naman ako. Dahil bumaba kami sa tapat ng isang 5-star hotel mga ate! Aha! Eto yata yung tinatanong kong kulang kanina eh. Nagche-check-in sa isang hotel kasama ang kabit. Cheeeeeeck!

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon