tutorial...

4.2K 49 2
                                    




-----------------------------------------------


King's POV...


Grabe talaga 'tong lalaking 'to oh! Ang tindi talaga makayakap. Akala mo wala ng bukas. Halos hindi na ako makahinga. Pero masaya ako kasi kasama ko ngayon yung mahal ko. Wala na siguro akong mahihiling pa kundi ang palagiang pagsasama namin ni Phillip. Hindi ko na siguro kakayanin kung mawawala pa sya sakin.


Ang cute talaga ng lalaking 'to kahit kelan ko tignan yung mukha nya. Hindi ako nagsasawa. Naaalala ko tuloy na noon pinapangarap ko lang sya tapos ngayon kami na talaga. ^_^   Dati kinikilig ako makita ko lang sya. Pero ngayon matinding kilig dahil alam kong mahal nya ako.


"Good morning" Biglang bati ni Phillip sa akin. Hala! Kanina pa kaya sya gising? Sana naman hindi.


"Kanina ka pa ba gising?" ilang kong tanong.


"Kagigising ko lang naman. Bakit ba?" si Phillip.


"Wala naman" sabi ko na lang.


"Kamusta ang mahimbing na tulog ng girlfriend ko?" tanong ni Phillip. Bwisit na 'to. Anong girlfriend sinasabi nito?!! Lalaki pa din ako nuh. Hindi ako babae! Gggrrr.



"Anong girlfriend ka ba dyan? Lalaki ako noh! Wag mo ko matawag-tawag na GIRLFRIEND! Pwede?!" sabi ko sa kanya. Itong mokong na 'to! Masaya ako na parang babae ang turing nya sa akin pero hindi maaalis ang katotohanan na bakla ako.



"E ano palang tatawag ko sayo?" tanong nya.


"I prefer you address me as your partner. Kasi pag partner sa lahat ng bagay, pero pag girlfriend or boyfriend pang romantic lang siguro yun. And i want to be your life-time partner" sinabi ko na din yung nasa isip ko. Gusto ko sabihin sa kanya na handa akong mahalin sya habang buhay.



"Kinilig naman ako dun sa sinabi mo. Ganun din naman ako eh. Gusto ko habang buhay kitang kasama at wala ng makakapaghiwalay sa atin. Kahit na may mga problema susulosyunan natin ng magkasama at walang bibitaw. " kadrama nitong mokong na'to.



"Ang aga-aga napakadrama mo noh? tumayo ka na nga dyan para maihatid mo na ako mister at may pasok pa po tayo" sabi ko kay Phillip. Bakit kasi hindi ako hinatid sa bahay kahapon eh. Nakakainis na hindi man lang nya naisip na may pasok bukas. Kainis talaga!



"Hindi ba pwedeng mag breakfast muna tayo?" si Phillip.


"Ano ka ba, masyado na akong late sa klase ko noh. Napaka B.I mo talaga." sabi ko kay Phillip. Nakita ko naman syang sumimangot.



"O sige na nga. Basta magkita tayo mamaya sa school ha?" si Phillip.

Tumayo na kami sa kama at nag-ayos. Nagpalit sya ng damit bago kami bumaba. Ako naman hindi na nagpalit kahit sobrang laki nung pinahiram nya sa akin. Ang laki naman kasi ng katawan ng busit na 'to eh. Pagkatapos ni Phillip na magbihis ay bumaba na kami. Pagdating namin sa baba ay nandun yung mga kapatid nya. Hindi ko pa sila kilala.


"Good morning Phillip, kamusta kayo?" sabi nung babaeng maganda. Grabe! Nakakainsecure naman 'tong babaeng 'to. Ang ganda-ganda nya tapos sobra yung pagiging fashionista.



"Good morning din Ate. Sya nga pala si King pala ate yung kinukwento ko sayo. Sya yung PARTNER ko" pagpapakilala ni Phillip sa akin at talagang idiin nya pa yung salitang partner ha.



"Nice to meet you King, by the way I'm Shonelle. You can call me ate if you want." sabi ni Ate Shonelle. Ow! Edi ako na feeling close kaagad. Mukha namang mababait sila eh.



"Nice to meet you din po Ate Shonelle." sabi ko sa kanya.


Nakilala ko din si Kuya Greggory or Kuya Greg for short, Grabe ang tangkad nya at ang gwapo din. Walang sinabi 'tong pangit na mokong na 'to. Hihihihi ^_^ Pero syempre si Phillip yung mahal ko. Nakilala ko din yung kapatid nyang isa na babae si Scarlette. Lahat sila mababait kaya naman mabilis ko silang nakasundo at nakakatuwa kasi ayos lang sa kanila yung set-up namin ni Phillip. Napaka-open minded ng pamilya nila ^_^



Nung nakilala ko na yung mga kapatid ni Phillip ay  pumunta na kami sa kotse nya para ihatid na nya ako. Wala kasi sila Mommy at Daddy nasa business trip na daw kaya naman pala sila-sila lang din yung nandun.



Habang nasa kotse kami panay na naman yung titig ng mokong na 'to sa akin. Ano ba problema nito? Mamaya maaksidente pa kami eh. Utang na loob gusto ko pang grumaduate at gusto ko pang mabuhay ng matagal.



"Pwede ba sa daan ka tumingin at wag sakin. Mabangga pa tayo, patay ka sa akin pag nangyari yun." sabi ko.


"Bakit? Masama bang tignan yung mahal ko?" busit na lalaki 'to. Bakit ba ang corny nya, per infairness kinikilig ako dun at nararamdaman kong umiinit ang mga pisngi ko. Bigla syang nagsalita ulit.



"King, mahilig ka sa jigsaw puzzle?" Ha? anong sense nun? May saltik talaga yata sa ulo 'to eh.


"Hindi noh, ano ko bata?" naku! ang aga-aga lakas ng tama nitong kasama ko.


"Kasi ang aga-aga binuo mo na yung araw ko." si Phillip! Waaaaah!! Pick-up pala yun. Ang corny talaga nitong lalaking 'to ay! Pero sa pangalawang pagkakataon e hindi ko alam kung bakit pero napapakilig nya ako sa mga ganun. Pero kailangan wag halatain.



"Ang corny mo talaga noh? Tumigil ka nga sa kagaganyan mo" kunwari walang epekto sa akin yun.


"Asus! Corny daw pero halata namang kinikilig ka kasi namumula ka oh!" sabi nya. Patay na! Halatain kasi pag namumula yung mukha ko eh. Kainis! Hindi ko na lang sya pinansin habang nasa byahe kaso naman panay pa rin yung titig nya sa akin.


Pagdating namin sa tapat ng gate e bababa na sana ako kaso nagsalita muna yung mokong.


"Oooops! May nakakalimutan kang gawin." sabi ni Phillip sabay nguso! Grabe talaga 'tong lalaking 'to makanguso lang akala mo ilong ng elepante sa haba.



"Tigilan mo nga ako! Haba-haba ka pa ng nguso dyan" sabi ko sabay labas kagad ng kotse nya.


"Ang daya mu talaga!! Pagkatapos kitang ihatid dito tapos kiss lang hindi mo pa maibigay" sabi ni Phillip. Dinilaan ko lang sya sabay pasok sa loob pero bago ko isara yung gate sinigawan ko muna sya.


"Maglaway ka!!" sigaw ko sabay tawa. Ang kapal ko nuh? hehehe. Ops! yung buhok ko po natatapakan na dyan. Paki ingatan lang po. Hihihihi ^_^


Hindi ko na narinig yung sinabi nya kasi nagtatakbo na ako sa loob. Narinig ko na lang yung kotse nya na paalis kaya naman pumasok na ko ng tuluyan sa bahay at dumeretso sa dinning area. Pagdating ko dun ay nakita ko kaagad sila Mama at mga kapatid ko na nag-aalmusal kaya sumabay na din ako.



"Baby girl, uuwi daw next month ang Papa mo. Gusto nya daw makilala ng personal yung byfriend mo para daw makilatis nyang mabuti." sabi ni Mama. Ang OA talaga ng mga tao ngayon.



"Daaaah! He's so exaggerated Ma. Ang OA naman po ni Papa." sabi ko.


"Syempre para sa nag-iisa nyang prinsesa yun kuya." bira ni King. Upakan ko kaya 'to?? Nakikisali pa eh.


"Naku! Tigilan mo ko ha Kim baka gusto mong hindi ka na makadiskarte kay Mica?" pananakot ko sa kanya. Tumahimik naman sya. Kaso si Mama naman yung nagsalita.



"Naku! Ikaw ang OA e baby girl, totoo naman yung sinabi ng kapatid mo eh. Para naman talaga sa nag-iisa naming prinsesa yun eh" si Mama. Hindi na lang ako sumagot dahil hahaba lang lalo yung usap. Minsan hindi rin maganda na over sa pagiging supportive pamilya mo eh. Mga nagiging baliw! Kaloka! -_-



Pagkatapos kong kumain ay umakyat na kagad ako sa kwarto. And as usual, im doing beauty rituals bago pumasok sa school. Pagkatapos ko ay pumasok na kaagad ako sa school.




Pagdating ko sa school ay kagad lang din akong pumasok sa room namin. Mamayang uwian pa kami magkikita ni Phillip. Tinext ko sya na magkita na lang kami sa school quadrangle para sabay na kaming umuwi. Sinabihan ko syang wag na syang magdala ng kotse ng maturuan ko syang magcommute. Ang arte nya naman kasi. Ang gastos pa. Paano na lang kung magsama na kami sa iisang bahay edi magastos lang sa gasolina palagi kung hindi sya matututong magcommute. Hahaha. Ako na looking forward. Hihihihihi ^_^ Hanlandi ko.


After class.....


"Uy! nasan ka na ba? Kanina pa ako dito sa Quadrangle.Alam mo ba yun?" Sabi ko kay Phillip sa phone. Kanina pa kasi ako dito eh! Paghintayin daw ba talaga ako??


"Wait lang naman po. Kasi po may tinatapos lang ako sandali. Malapit na 'to, sandali na lang talaga, after 10 minutes nandyan na ko" sabi ni Phillip, pagkatapos nun inend ko na yung call. Naisip ko tuloy, nag-aaral na si Phillip ngayon? Wow ha! bongga sya dun.



After 10 minutes nga nandito na sya. Halatang tumakbo papunta dito kasi hihingal-hingal pa ang ungas.


"Tagal lang ha?" sabi ko." Sorry na, kasi ang daming kailangan tapusin kanina eh. Badtrip nga e sabay-sabay." pagdadahilan ni Phillip.



"Oh sige na nga tara na." aya ko sa kanya at naglakad na kami palabas ng campus. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante kasi magkahawak kami ng kamay pero wala kaming pakialam sa kanila. Ang mahalaga e masaya kami. Habang naglalakad kami papunta sa terminal ay ang daming arte nitong bakulaw na 'to. Ang init daw at ang usok sa daan. Pero sinabihan ko syang wag mag-inarte kundi makakatikim sya ng super powers ko. Hahaha. Nahahawa na ko sa kabaliwan ng lalaking 'to.



Habang naglalakad kami ay nakikita ko lang na nakangiti si Phillip. Halata sa kanya yung saya kasi halos umabot yung ngiti nya sa tenga nya. Kaya naman naisip kong sabihin yung sinabi nila Mama kaninang umaga.


"Uy! mokong, uuwi daw si Papa next week, kasi daw gusto ka na din daw nyang mameet at makilatis. Lagot ka dun, masungit pa naman yun." pananakot ko sa kanya. Haha, nawala yung ngiti nya kanina. Nakakatawa sya halatang kinakabahan.



"Masungit ba si Papa? Hindi naman siguro sya ganun kabrutal noh?" tanong nya na halatang kabado kaya mas lalo ko syang pinakaba.


"Medyo istrikto kasi si Papa, naaalala ko nga nung bata kami pinalo nya kaming magkakapatid kasi sobrnag kulit namin. Iba din kasi magalit si Papa." pananakot ko sa kanya. Pero sa totoo lang laging kalmado si Papa at never pa kaming napalo nun. Sinabi ko lang talaga yun para kabahan sya at ayun nga nararamdaman kong nanlamig bigla yung kamay nya.



"Kinabahan ka yata? Ang laki mo kayang tao. Pero sabagay baka hindi ka umubra kay Papa."  pananakot ko ulit. Nakakatawa yung itsura nya mukhang kabado talaga. kakatawa! ^_^



"Hindi no, bakit naman ako kakabahan? Ako pa." pagdedeny ni Phillip.


"Oh sige, sabi mu eh. Goodluck na lang sa pagmi meet nyu ni Papa." sabi ko sakanya. Hindi na sya kumibo pero alam kong kinakabahan yung mokong. Hahaha. Laking tao takot kay Papa. Hahaha. Ano kaya mangyayari nyan pag nagkita sila? Ano kayang itsura nya? Excited tuloy ako. ^_^


Pagdating namin sa terminal ay sumakay kagad kami ng bus at umuwi. Halatang hindi talaga sya marunong magcommute. ^_^



Happy trip sa amin ^_^



----------------------------------------------


Enjoy  po :D :D :D :D


Godbless po :D :D


Comment po kayo sa mga suggestions and reactions nyu kung ok lang po :D

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon