ang awkward,grabe!!!

4.6K 45 0
                                    

Enjoy :D

----------------------------------

King's POV...

anu ba 'tong araw na 'to. ang daming kailangan gawin. pauwi palang ako. anung oras na. sigurado ako kanina pa naghihintay yung mokong dun.magagalit sakin si mama nyan kasi pinaghintay ko nanaman yun. kampi pa naman si mama palagi dun. ihh nakakinis kasi yung prof namen ih! napakamakakalimutin.

sabihin ba naman na ni remind nya kaming ngayon yung pasahan ng project e next week pa yun. kainis talaga. ginabi tuloy ako.

naglalakad ako papunta sa terminal nung biglang may nagtakip ng mata ko mula sa likod.

"sino ka ba?! pwede ba pakialis na 'to?? masakit kasi sa ulo!!" naiinis na ako.

"ka-high blood mo na naman. parang kanina lang ayos na tayo ah" bwisit na yan! si Jecs lang pala.

"bwisit ka! ikaw lang pala yan! kailangan pang mang ganun. kita ng inis ako at nagmamdali eh!" sabi ko na naiinis na sa mga nangyayari.

"uh-oh! sorry naman! bakit ka ba kasi nagmamadali?" tanong nya habang naglalakad kami papuntang terminal.

"e anong oras na po kaya oh!" sabay pakita ko kunwari sa kanya ng relo ko. mabilis din kaming nakarating sa terminal at sumakay na kaagad kami sa bus.

habang nasa bus kami ay kumakain na din kami habang medyo nagkakakwentuhan. bumili kasi 'to habang di pa umaalis yung bus. buong byahe ay kuwentuhan at tawanan lang kami.kwela din pala ang loko.

nung makababa na kami ay magpapaalam na sana ako para mauna na.sabi nya kasi dito na lang din daw sya bababa sa binabaan ko.

"uy! mauuna na ako ha? nagmamadali kasi ako talaga eh"

"ahm pwede bang magrequest?" si Jecs.

"ano yun? bilisan mo"

"ipromise mo muna na papayag ka kahit ano pa 'to. tsaka di ba sabi mo gusto mu din bumawi sa pagkakabalik ko sa panyo mo" naku! nakakainis 'tong lalaking 'to. ngayon pa maniningil kung kailan nagmamadali ako.

"oo na po. sige na, anu ba yun?"

"sama ako sa'yo sa inyo. at kung pwede dun na din ako magdinner kasi wala akong kasama sa bahay eh. nakakalungkot na palaging solo ako kumain"

HANU DAW???!!! SASAMA PA SYA SA AKIN??!! E NANDUN SI PHILLIP! ANONG GAGAWIN KO LALO NA'T NANGAKO PA AKO!!!!

natulala na lang ako ng mga sandaling yun. di ko alam ang isasagot ko!

"oh! bakit di ka makasagot? wag mung sasabihing di ka marunong tumupad sa usapan??" si Jecs.

no choice na. nasabi ko na eh. hindi naman ako yung tipo ng taong di marunong magsalita ng hindi tinutupad.

"o sige na nga tara na! bilisan mo na!"

"oy!napipiltan ka lang yata eh"kulit talaga ng ungas na 'to

"hindi nga! bilisan na kasi. kung ayaw mu pa iiwan na kita dyan" at sumakay na kami ng tricycle pauwi. bahala na si batman kung ano reaction nila sa kasama ko. tsk tsk tsk.

pagbaba namin ng tricycle ay nagdasal muna ako.

LORD SANA PO MAGING MAAYOS ANG LAHAT! dasal ko.

at ayun na nga, pumasok kami sa loob. pagdating ko ay hinanap ko kagad si Mama.

"ma..." sigaw ko. pinapasok ko muna si Jecs at hinanap ko na ng tuluyan si mama. At ng makita ko sya ay kinausap ko sya.

"Ma nandyan na po ba si Phillip?"tanong ko. alam naman nyang pupunta yun kasi tinext ko sya kanina nung nasa school pa ako.

"oo baby girl nandun sa garden nagluluto ng barbecue. bakit ba ganyan kaworried yang itsura mo baby girl?"

"kasi po Ma.. may bisita pa akong isa. Dito din daw sana sya magdidinner."

"oh? ayos lang naman sa akin baby girl kaya wag ka na mag-alala"

"hindi po iyon eh Ma, lalaki sya at ang inaalala ko po ay si Phillip"

"bakit naman anak? sino nga ba kasi yan?"

"basta po Ma.." at inaya ko na si Mama sa sala para ipakilala si Jecs.

nagmano muna si Jecs pagkakita nya kay Mama.

"Good evening po. Ako nga po pala si Jecs kaibigan po ni King" si Jecs.

"magandang gabi din iho, dito ka daw magdidinner sabi ng anak ko?" si mama.

"kung ayos lang po sana sa inyo Tita."

"oh! sure. walang problema. welcome lahat dito ang kaibigan ng mga anak ko"si Mama.

"thank you po kung ganun Tita"

"o siya pupunta muna ako dun sa garden ha? at iche-check ko lang yung niluluto doon. oh. baby girl asikasuhin mo na yang bisita mo ha"

at ayun na nga. pumunta na si Mama sa Garden para icheck ang ginagawa nila Phillip at ng mga kapatid ko. at ako naman ay kausap lang dito si Jecs at hinihintay namin maluto yung mga pagkain habang nanunuod ng TV.

maya-maya ay pumasok na si Mama at sinabing pwede na kming pumunta dun sa garden, dun daw kasi sila nag set-up ng table.

pumunta na kami sa garden, hindi ko maipaliwanag nanaman yung nararamdaman ko. halos umalis yung puso ko sa kinalalagyan nito sa sobrang kaba.

at nung malapit na kami sa table...

biglang nagtanong yung kapatid kong maliit.

"kuya,sino sya? boyfriend mo? akala ko ba si kuya Phillip yung boyfriend mo" tinakpan ni mama yung bibig nya.

"baby, hindi nya boyriend si kuya Jecs, friends lang sila" si mama. Napaka awkward ng moment. Walang nagsasalita sa aming tatlo nila Phillip at Jecs ng bumira yung kasama ko ngayon.

"malapit na nya akong maging boyfriend bunso" 

WAAAAAH!! NALOKA AKO SA SINABI NYA!!!! TOTOO BA YUNG NARINIG KO?!! SANA PANAGINIP LANG.

bigla nanamang nagsalita si Jecs.

"JOOOOOKE!!!" sabi nya sabay ngiti at tingin sa akin at kay PHILLIP!!!! sh*t wag nyang gagawin sana ulit yun!!!

at tinignan ko na lang si Phillip at susubukan kong ngumiti pero...

AYUN!!!! nakatingin lang naman si Phillip ng SOBRANG BAGSIK. AS IN NAGLILIYAB YUNG MGA MATA NYA. nakakatakot siya! ito yata yung nararamdaman ko kanina kahit wala naman akong ginawang masama eh.

Pilit kong kinalma ang sarili ko kahit papaano. para naman makakain na ako ng matino pero wala pa din. nararamdaman ko ang tensyon sa hangin.nakikita kong panay ang masamang tingin ni Phillip kay Jecs. kasi si Phillip yung nasa tapat ko at katabi ko si Jecs. Ganun din naman si Jecs panay ang titig kay Phillip.Hindi ko maintindihan pero mas takot ako sa galit at tingin ni Phillip ng ganun. 

hanggang sa matapos kami ay panay ang tinginan nila ng masama, mabuti na nga lang at nagsasalita si mama kaya medyu nababawasan ang tensyon. siguro kasi nga ay alam nya ang sitwasyon ngayon.

pagkatapos kumain ay nagvolunteer si Phillip at ang kapatid ko na maghugas ng pinagkainan. medyo close na kasi sila.Si Jecs naman ay nagpahinga lang at  nagpaalam na din kay Mama. Hinatid ko sya hanggang sa sakayan ng tricycle dito sa subdivision medyo late na din kasi nun.

"uy! salamat sa dinner mo, ang galing ng pambawi mo sa akin."si Jecs

"wala yung no. bumawi lang din ako sayo. salamat din pala sa pagbisita" sabi ko na lang. hindi ko masabi na bwisit sya at bakit nya ginawa yung kanina.

"sa uulitin ha?" napatingin ako sa sinabing yun ni Jecs. so? may balak syang bumalik. tumango na lang ako. kesa naman umayaw ako, ang walang modo ko naman nun.

pero sisiguraduhin ko talagang di na mauulit yung kanina.

at ayun na nga, umalis na  yung sinakyan nya at ako naman ay umuwi na din sa amin.

--------------------------------------------------

hanggang dito muna po.

antok much na ko ih! hihihi, sana nag enjoy kayo :D

Godbless...

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora