After we had it..

4K 46 0
                                    

Enjoy kayo sa short UD ko hehehe :D

---------------------------------------------------

Phillip's POV..

Nakatingin lang ako kay King ngayon. Sa katawan namin na magkadikit magdamag. Hindi ko makakalimutan yung nangyari sa amin kagabi. Wala akong pinagsisisihan. Ang totoo nga nyan masaya ako dahil sya lang yung nakapagpaligaya sa akin ng ganun eh. Wala akong lust na naramdaman. Pure LOVE lang siguro talaga yun. Sobrang mahal na mahal ko si King. Hindi ko siguro alam gawin ko kung mawala sya sakin. Kung paulit-ulit na ko ay wala na akong magagawa.

Habang tinitignan ko si King ay nasabi ko sa sarili ko na handa na akong pakasalan sya buong buhay ko. I really want him to be mine forever whatever it takes.

Habang nag-iisip ako ng mga pinaplano ko ay napansin kong gumalaw si King at dumilat na din yung mga mata nya. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti sya sa akin.

"Good Morning beautiful" sabi ko. Gustong-gusto ko kasing tinatrato sya na parang babae talaga. Pero parang yung ineexpect ko na hindi bya gusto na ginagawa ko syang babae o tintrato man lang.

"Beautiful ka dyan. Sipain ko yang ano mo eh" woaw! He's a bit pervert ha. Gusto nya pa kaya ng second round? Well, hindi ko sya uurungan. Hahaha ^_^

"Woow! Gusto mo ba ng second round babe?" sabi ko sabay ngiting nakakaloko. Nagulat na lang nong bigla syang kumilos at kinagat nya 'yong braso ko. Hanep talaga 'tong si King, ginawa na nya sa akin dati yun eh :'( Ang sakit kaya. Ano ba kasing mali sa sinabi ko. Nung tinanggal na nya yung pagkakagat nya sa akin kagad ko syang tinanong.

"Ano ba kasing problema mo Babe, tinanong lang naman kita ah" sabi ko habang himas-himas yung braso kong kinagat nya.

"Ah, gusto mo pa talaga ng isang kagat noh? Ang bastos mo talaga" sabi nya.

"Kunwari ka pa e Babe, kagabi nga nakukurot mo pa yung likod ko eh" pang-iinis ko sa kanya. Totoo naman kasi, kinukurot nya ako pero alam ko namang hindi yun dahil sa nagugustuhan nya kundi dahil alam kong nasaktan ko sya. I saw some blood stain on my bed sheet after we had sex.

"Moks, may saltik ka talaga sa ulo noh? Alam mo ba yung hirap ng position ko kagabi? Hindi sya madali at hanggang nagyon iniinda ko pa din sya" sabi nya sa akin. Naawa tuloy ako bigla sa mahal ko. Babawi na lang ulit ako sa kanya.

"Tara maligo muna tayo papaliguan kita,tapos baba na tayo para makakain" sabi ko. Hahaha. Ito yung sinasabi kong pambawi sa kanya pero alam kong hindi sya papayag. Ang arte kaya nito sigurado akong di papayag yan baka batuhin pa nga ako ng lampshade nyan eh.

"Ano pa ba hinihintay mo dyan? Ang hirap tumayo noh, buhatin mo ako papunta sa banyo."sabi nya?! What?! Pumayag sya?

"Tutunganga ka na lang ba dyan o maliligo na tayo?" sabi nya ulit. Hala! Buti pumayag sya. Ito kaya yung second round na hinihintay ko? Hehehe. Sana......

Binuhat ko na sya papunta sa banyo. Pagdating namin sa loob ng banyo binawalan nya akong i-lock yung pinto. Asus! Hindi nya ba alam yung salitang "ingat". Mamaya nyan may makakita pa  sa amin dito, kahit na ba sabihin mo pang walang ibang tao e kung pumasok si Mommy o kaya si Daddy? Iba klase din 'tong Babe ko eh.

"Hoy! Ano yang nginingisi-ngisi mong yan? Ano na naman yang iniisip mo? Mukhang hindi ko gusto yang takbo ng utak mo ha Moks!" sunod-sunod na sabi nya. Hala! Parang babae naman 'to ang bungangera, pero ang cute nya kapag ganun ^_^

"Wala naman ah Babe" sabi ko sabay bulong sa sarili ko ng "Ayaw mo pa kasi ng second round eh" pero narinig nya yata kaya nagtanong sya.  "Hoy Moks! Ano yung sabi mo?" sabi nya. Umiling na lang ako para hindi na nya ungkatin yung binulong ko. Under pa yata ako dito ah. Nakakahiya pag ganun pero kung sa mahal ko naman ayos lang.   ^_^

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now