walking down the road part 2

5.3K 75 4
                                    

napaka awkward ng pakiramdam ko habang naglalakad. sino ba namang hindi di ba?? kasama mo ang CRUSH mo ngayon na naglalakad habang pauwi ka. sabihin nyo?? sinu ngayun hindi maiilang??

 binasag na ni Phillip yung katahimikan.

"ahm mahirap bang magprojector dun sa simbahan??" tanong nya.

"hindi naman. sanayan lang naman" ako.

medyo madami kaming napagkwentuhan. medyu komportable na din ako sakanya.nalaman ko na sa iisang university pala kami nag-aaral. ayun nga lang magkaiba kami ng course. medyu madaldal naman sya. at di ko na nagawang itanong sa kanya yung ginawa nya kanina. baka sabihin pa nito masyado akong assumera!

nakadating na kami sa harap ng gate namen. medyu malayo talaga nilakad namen. sabi ko kasi sumakay na kami kaso tumanggi sya. gusto nya daw maglakad para mas makapagkwentuhan kame. prolema nito?? ay! baka nakikipagkaibigan lang wag maghangad!

" pasok na ko ha?? salamat sa kwentohan at sa paghatid. ingat ka sa pag-uwi" ako. papasok na sana ako ng gate ng bigla syang magsalita.

"di mu man lang ba ako papapasukin?? nagutom din naman kasi ako sa paglalakad. kung hihintayin ko pa bago umuwi. baka kainin na ako ng mga bulate ko sa tyan." sabi nya ng may halong biro. sabagay tama sya. napaka walang utang na loob ko naman kung di ko man lang sya aalukin kumain o pumasok man lang sa bahay.

"ay ou nga noh. pasensya na ha?? sige tara na pasok ka." ako

"ang laki din pala ng bahay nyo. ilang storey yan?" tanung nya mula sa likod ko.

"5 floors. kasi gusto ni papa't mama na malaki eh. ang hirap kayang maglinis dyan.kung itatanung mo kung bakit kami yung naglilinis ay dahil isang buwan na kasi kaming walang katulong. umalis yung dalawa. at sabay pa." mahaba kong sabi.

"e bakit hindi pa kasi kayo mag hire ulit??" tanong nya.

"meron ng nakuha si mama. kaso baka bukas pa yung dating. tara pasok sa loob" ako. tumango nalang sya at naghubad ng sapatos.

pagpasok ko nakita ko yung tingin ni mama na parang nanunukso. pero hindi ko nalang pinansin at humalik sa kanya. 

" buti po ma, maaga kayong nakauwi??" tama kayo dyan. kahit linggo nagtatrabaho si mama sa company namen. hindi naman ganun kalaking company pero meron namang branch sa US. si papa naman nagmamanage dun. pauwi-uwi nalang si papa every month.

"syempre naman anak. sunday ngayon remember?? kailangan kong magluto for dinner  naten. tsaka bukas pa kasi dadating yung tatlong katulong na kinuha ko. dinagdagan ko na ng isa para naman di mapagod masyado sa trabaho dito sa mansyon naten. hahaha" mahabang sabi ni mama. yung totoo?? may ugaling bakla din yung mama ko??

"ay ma. oo nga po pala. may kasama po ako. si Phillip po" sabi ko. biglang ngiti ni mama sakin. yung nakakaloko.

"boyfriend mo anak?? ikaw ha?!!" si mama na parang baliw kung kiligin.

sasagot na sana ako ng isang malaking HINDI ng sumagot tong mokong na kasama ko.

"malapit na po" si Phillip.

"WHHHHHAAAAAAAATTTTT???" gulat kong sabi sa kanya. Lokong mokong na to! anu trip nito?? may saltik ba sya sa ulo???

nagsalita na ulit sya pero hindi ako yung kinausap nya. si Mama.

"ahm kung ayos lang po sa inyo. pwede ko po bang ligawan si King tita?" si Phillip. wala! windang na talaga ako dito! nakatunganga nalang ako sa kanila habang nag uusap sila.

"ay! okay na okay pa kay kokey anak! wag na tita itawag mu sakin MAMA na lang din" si Mama. ano problema nitong dalawang to?? ANAK pa talaga itawag sa mokong na to. wala nakatulala nalang talag ako sakanila(literal).

"salamat po Mama." si Phillip.

nawala na lang pagkatulala ko ng bigla akong tapikin ni mama sa balikat(sadista lang??). "baby girl maghanda ka na maluluto na yung niluluto ko."si mama. hanu daw??!!! BABY GIRL??!! tawag nya sakin?? wala na akong nagawa kundi kumuha ng mga gagamitin at pinaupo na nya si Phillip sa table.

hindi pa din masyadong magfunction yung utak ko kaya hanggang sa pagkain lutang ako.ang hirap mag sink in sa utak ko ng mga pangyayari na toh! masyado akong nashock.

maganang kumain yung mokong at nakikipagkwentuhan pa din kay mama.

at  natapos na kami sa pagkain at si mama na daw magliligpit. dun nalang muna daw kami sa sala. at pumunta na nga kami.

nung nasa sala na kaim tinanong ko si Phillip. "hoy! anu ba pinagsasasabi mo kay mama! may tama ka ba??!!" sabi ko na medyu inis.

"edi kung ano yung narinig mo dun, ayun na yun. liligawan kita. " si Phillip na nakangiti pa hanggang tenga. ako naman si t*nga. halos matunaw sa ngiting yun. hindi na ko nakapagsalita. pagkatapos nun dumating si mama at nagkwentuhan ulit sila na akala mo ba matagal ng magkakilala. tinanung ni mama kung ano trabaho ng parents ni Phillip at sinabi naman nitong may company din pala sila sa Manila. at kung anu-ano pa pinag-usapan nila.

"o! Phillip anak. gabi na din halos alas dyes na din. hindi ka pa ba hinahanap nyan sa inyo?? tanong ni Mama.

"ahm baka nga po hinahanap na din ako. mauuna na muna po ako ngayon Mama.salamat po sa dinner at sa pagtanggap sakin. sa uulitin po." sabi ni Phillip at nagpaalam na nga sya at pinahatid sakin ni Mama sa sakayan ng tricycle. at may balak pa syang bumalik talaga ha??

bago umalis  yung tricycle hiningi ni Phillip yung number ko. at binigay ko naman sakanya. at KUMINDAT nanaman ang mokong! at nakaalis na nga sya.

"haaaaay! halos matunaw ako dun ah!" sabi ko sa sarili ko. at umuwi na nga ako samin.

________________________________________________________________

comment po kayo :) hehehe salamat sa mga nagbabasa po :)

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now