Jec's POV....

4.6K 47 0
                                    

medyo maiiksi na po mga UD ko. pasensya na

----------------------------------------

Jec's POV....

 Ang sarap ng dinner na yun. Pero hindi yung dinner yung mas nagpapangiti ng ganito sa akin. Kundi yung inis na tingin sa akin nung Phillip. Akala nya ba papatalo ako sa mga ganung tinginan? hindi noh!! Alam kong nililigawan nya si King dahil ayun ang bali-balita sa school. At gagawin ko ang lahat para lang maagaw sa kanya si King. Oo, tama kayo may gusto ako kay King, nung unang pagkikita pa lang namin. Komportable ako sa kanya at gusto kong nakikita ko syang nakangiti. Sana nga dati ko pa sya nakilala bago sya makilala ng Phillip na yun eh. edi sana ako yung unang nanliligaw at posibleng mahalin ni King.

sya nga pala hindi ko pa pala napapakilala sarili ko. Ako si Jericho Gaza, 4th year college na ako, mag-isa lang ako sa bahay kasi ang parents ko parehong nasa abroad para magtrabaho. Bisexual ako, kaso hindi halata.hindi rin alam ng parents ko. Mas nagkakaroon ako ng relasyon sa babae kaysa sa kapwa ko lalaki. minsan naaattract din naman ako kaso madalang nga lang. si King palang ang pangalawang lalaki na nagustuhan ko. At wag nyu ng itanong kung sino ang una. 

naglalakad na din ako pauwi ng bahay galing kila King ng biglang tumawag si Mama.

"hello po Ma.."

"oh! anak? kamusta ka na dyan?" si Mama.

"ayos naman po, kayo po ni Papa?"

"ayos naman kami, uuwi kami dyan sa Pasko anak"masayang sabi ni Mama. nasasabik na din ako sa kanila, halos 3years na din mula nung huling pasko na magkakasama kami.

"ah ganu po ba Ma? sige po, pasalubong ko ha?, namimiss ko na din po kayo"

"o sige anak, tatawag na lang ulit kami ng Papa mo. kailngan na namin pumasok sa trabaho. mag-iingat ka palagi dyan anak, mahal na maha ka namin" si Mama.

"kayo din po mag-iingat din po kayo dyan." sabay patay ng cellphone ni Mama.

nandito na din ako sa bahay ko. as usual maliligo lang ako at matutulog na kaagad. maaga pa ang pasok ko bukas sa school kaya dapat maagang natutulog.

pero sigurado na ako sa plano kong iparamdam kay King na gusto ko siya at alisin yung Phillip na yun sa landas ko.hindi ko sya sasaktan o ano pa man, pero gagawin ko ang lahat para di na sya makaharang sa dadaanan ko para mapasaakin si King.

at ayun nga natulog na ako pagkatapos kong maligo. GOODNIGHT XD

--------------------------------------------

Phillip's POV..

Nandito pa ako kila King ngayon. Gusto kong makausap si King bago man lang ako umuwi. Nakakainis talaga. akala ko pa naman magiging masaya ang gabi ko dahil dito ulit ako sa kanila kakain at makikita ko ang pinakamamahal ko.

habang nagtatawanan at nagkukulitan kami dito sa sala ay hindi ko maiwasang mainis tuwing maiisip ko yung eksena kanina sa garden bago kami kumain. Sabihin ba naman ng ulol na yun na malapit na syang maging BOYFRIEND  ng future wife ko!!!! nakakainis talaga.

"oh! baby boy! bigla ka yatang tumahimik?!" si Mama.

"ahm wala po 'to Ma..."

"naku! kunwari pa. sige na nga mag-usap na muna kayo ni Baby girl, at kayung mga chikiting ko.. let's go to your room na. time to sleep" sabi ni mama.

maya-maya nga ay kami na lang ni King dito sa sala, umakyat na si Mama at ang mga kapatid ko(sa future), napaka awkward ng moment kasi ayaw pa magsalita ni King. tsaka nagkukunwari akong galit para magsorry sya sa akin.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now