chapter2.2

1.5K 23 0
                                    


Salamat sa mga nagbabasa pa din neto :D :D

-----------------------------------------------------------------------------------------------------


King's POV...


Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko pero isa na din 'to sa mga bagay na kailangan kong gawin para makapag-let go na ako kay Phillip.


Nandito ako  ngayon sa tapat ng bahay nila Phillip. Hindi ko alam talaga kung tama 'to pero kailangan ko ng gawin to. Nagdoorbell ako. Hindi ako pumunta dito noong namatay si Phillip. Hindi ko kayang pumunta sa isang lugar na alam kong magpapaalala sakin kung gaano kasakit yung nangyari sakin. Ni hindi ko na din kinausap ang magulang niya, nahihiya ako sa nangyari, paano kung galit sila sakin? Pano kung ako yung sinisisi nila dahil sa nangyari samin ni Phillip. Kinakabahan tuloy talaga ako.


Habang nagmumuni-muni ako at binabalikan lahat ng nangyari ay bigla na lang bumukas yung gate na maliit at lumabas si Manang Yolly na kasambahay nila Phillip.


"Oh hijo, ikaw pala. Ang tagal kitang hindi nakita ha? " sabi ni Manang Yolly. Kilala nya ako dahil nga sa tagal na din namin ni Phillip na ay parang bahay ko na din 'to. Ngumiti lang ako sa sinabi ni Manang tapos nagtanong.


"Nandyan po ba sila Mommy at Daddy, manang?" hindi kagad nagsalita si Manang at nahalata kong parang hindi sya komportable sa tanong ko. Siguro nga galit sila sakin kaya ganto magreact si Manang pero kailangan ko na ding tapusin to para sa sarili ko at ng hindi na din ako maging unfair kay Jecs.


"Wala na sila dito hijo. Ang naiwan na lang dito ay si Gregg na kuya ni Phillip dahil nagmigrate na ang buong pamilya nila sa Amerika matapos yung insidenteng nangyari sa buhay nyo." sabi ni Manang. Magtatanong pa sana ako ng biglang may magsalita mula sa likod ni Manang.


"Manang sino po yan?" sabi nung boses. Parang kaboses ni Phillip pero imposible yun. "Ah si King, yung boyfriend ng kapatid mo Gregg" sigaw naman ni Manang. Waaah! Kinabahan ako bigla! Nakalimutan kong magkatono nga pala ang boses ng dalawang yun. Akala ko talaga si Phillip :(((


"Talaga po manang?! Bakit hindi nyo po sya papasukin dito?" sabi ni Kuya Gregg tapos bigla na lang syang dumungaw sa gate. Waaaaah! Ano ba yan! Lumabas daw ba ng nakaBOXER SHORTS lang!! "Uy, baby girl. Pasok ka!" excited na sabi ni Kuya Gregg tapos hinigit nya pa ako palapit sa katawan nya. Naku naman po! Bat ganto po 'tong kuya ni Phillip na to! Waaaah! At tawagin pa talaga akong BABY GIRL HA!!


Pagpasok namin sa loob ay dumeretso kami sa sala, walang nagbago. Ganun pa din yung ayos. Tapos, umupo kami ni Kuya Gregg sa sofa. Tas biglang dumating si Manang Yolly na may dalang meryenda.


"Hay naku kang bata ka talaga sinabi ko naman sayo na wag kang lumalabas ng kwarto mo na ganyan ang bihis. Ang laswa mong tignan. Hala sige!  Magbihis ka muna dun" pasigaw na sabi ni Manang Yolly kay Kuya Gregg. Wala na syang nagawa kundi bumalik sa kwarto nya habang kumakamot sa batok nya. Haaay! Thank you naman kay Manang. Ang sagwa kasi talagang tignan. Pero infair! Ang ganda din ng katawan niya, sexy sya sa totoo lang pero hindi ko sya bet!


"Yang batang yan talaga! Magmula ng maiwan dito mag-isa sa bahay nila ay kala mo ba walang ibang kasama dito." sabi ni Manang.

Maya-maya pa ay bumalik na si Kuya Gregg dito sa sala. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko kasi sobrang kamukha ni Phillip si Kuya Gregg, mas matangkad lang siguro sya ng konti kay Phillip. Hindi ko na napigilan yung sarili ko dahil sobrang nammimiss ko na si Moks kaya niyakap ko si Kuya Gregg.

"Woaw! Baby girl." nagulat sya sa ginawa ko pero hindi pa din ako gumagalaw sa position namen bukod sa crystal clear liquid na lumabas galing sa mata ko. Takte! Nagawa ko pang maging makata e hindi na nga maganda yung nararamdaman ko.


Habang umiiyak ako at yakap yakap ang katawan ni Kuya Gregg na sobrang tigas dahil sa muscles nya ay naramdaman kong niyakap nya din ako at inaalo ako na kala mo ba bata lang ako. Waaaah! Phillip naman kasi ehhh!! Bakit kagad kang nang-iwan?? Waaaaaaaa!


Nung mahimasmasan na ako ay humiwalay na din ako kay Kuya Gregg. Waaah! Sayang, sya na lang kaya?? whahaha. Kemz! Ay! May Jecs na nga pala ako. :'/


"OK ka na ba baby girl?" sabi ni Kuya.

"Eh, kuya naman. Wag mo na po akong tawagin ng ganyan kasi sobrang nasasaktan pa rin po ako." sabi ko sabay yuko.

"Baby girl, please let me call you that way. Nasanay na din kasi ako na ayun ang tawag ng lahat sayo" sabi ni Kuya. "And besides, you'll always be Phillip's boyfriend kaya hindi na mababago yun. By the way, buti dumalaw ka na din. Ang tagal din naming hinintay na dumalaw ka dito hanggang sa nainip na lang sila Dad and Mom kaya nagmigrate na sila sa America."


"Ahm kasi Kuya..." paputol kong sabi. "Natatakot lang naman po ako dahil sa nangyari eh. Hindi ko din kasi kayo nakitang dumalaw sakin nung nasa ospital pa ako. Natakot po ako kasi baka mamaya galit kayo sakin." inosente mode kong sabi.



"Ha? Bakit ka naman matatakot? Wala ka namang kasalanan ah? Kung alam mo lang kung ganu nag-alala sila Dad sayo." si Kuya Gregg. "Hindi ko din po kasi alam yung gagawin ko Kuya, pero thank you for that, it enlightens my burden. Kuya, kaya nga po pala ako pumunta dito para na rin maka-move on" sabi ko. Yumuko na naman ako kasi nahihiya ako at baka sabihin kaagad kong kinakalimutan si Phillip. Kung alam lang nila!


"Move on?" si Kuya. Waaah! Sana wag syang magalit kung sabihin ko man ang totoo.

"Opo kuya. Sorry po kasi ginagawa ko 'to. Hindi ko po alam kung tama o mali ang gagawin ko pero gusto ko din naman po kasing kahit papano ay mawala na yung bakas ng sakit dahil sa nangyari po samin ni Phil pero promise po hinding-hindi sya mawawala sa puso ko--" putol kong sabi. Hindi ko alam kung may kadugtong pa akong sasabihin pero madami pa siguro hindi ko lang masabi.


"So, you're saying that you have someone else now?" si Kuya. Hindi ko sya matignan kasi nahihiya ako sa kanya, tumango na lang ako bilang sagot at handa na ako kung sakaling sisigaw sya.


"Ow! That's great! Im happy for you baby girl. Can I meet this lucky guy?" si Kuya. Waaah! Bakit hindi sya sumigaw?? Bakit hindi sya nagalit?? Ano ba?! Tumingin ako sa kanya na may super-confused-expression kaya nagsalita sya ulit.


"Masaya ako for you baby girl that you've found that guy who'll replace Phil in your heart" sabi ni Kuya. Ow! Hindi ko ineexpect na ganto ang reaction nya.

"Really?" ako. "Of course, magmula nung mawala si Phil ay inaalala ka namin kung kaya mo ba talagang mag-adjust dahil alam namin kung gano mo siya kamahal pero since sinabi mo ngayon na may mahal ka na, mapapanatag na din kami." sabi ni Kuya Gregg. Nakahinga akong maluwag dun pero muntik na naman akong mawalan ng hangin dahil sa sinabi nya.


"Ako na sana ang magtutuloy ng naiwan ni Phillip bilang boyfriend mo kung hindi mo nakilala 'yang guy nya yan eh" sabi ni Kuya at sobrang namula ako dun kaya tumawa sya ng pagkalakas-lakas. Waaaah! Adik 'tong baliw na kuya ni Phillip! Nakakaloka!! Waaaaah!!


Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta kami sa dining area at itinuloy ang kwentuhan namin. Lahat ng memories ko about kay Phillip ay narefresh dahil sa usapan naming yun kaya medyo ginabi na din ako nung umuwi.


------------------------------------------------------------

King's POV...


"Mr. Saavedra and Mr. Gaza, gusto ko lang pong malaman nyo na once po na mag-ampon kayo ay hindi nyo na po maaaring ibalik samin ang bata." sabi ni Mother Superior na kausap namin ngayon ni Jecs tungkol sa pag-aadopt ng bata.


Nandito nga pala kami ngayon sa isang orphanage para sana mag-ampon ng bata. Ewan ko ba sa parents ni Jecs, sobrang nagmamadaling magkaroon ng apo. Hindi naman sa ayaw ko magkaroon ng baby sa totoo nga nyan excited ako eh. Kaso ang sakin lang naman, sobrang nagmamadali sila kaya wala na din kaming choice ni Jecs. Hindi naman nila alam 'tong ginagawa namin kasi daw ang gusto nila ay yung sarili nilang dugo pero sabi naman ni Jecs wala na silang magagawa kung may dala na talaga kaming baby pagdating namin sa bahay eh. And one thing lang, panong sariling dugo eh bakla nga yung pinili ng anak nila. Ewan talaga sa kanila lalo na sa Mom nya, yung Dad nya kasi umaayon lang sa gusto ni Mommy eh.


"Ahm opo Mother Superior, wala din naman po kaming balak ibalik ang bata once na makuha namin." sabi ni Jecs. Siya yung nakikipag-usap at agree lang ako ng agree sa mga decisions nya.


Sa totoo lang gusto ko na ding matapos at makita yung bata na dadalhin namin. Magiging instant daddy kaming dalawa ni Jecs, sana super cute nung baby boy na kukuhanin namin. ^_^



Pagkatapos mag-usap nila Jecs at Mother Superior ay umalis na din kami. Ang sabi kasi samin ay bumalik na lang kami sa araw na binigay nila. Bali mga 3days yung from now.



Sa bahay...


"Oh, saan na naman kayo galing na dalawa? Kanina pa namin kayo hinihintay dito" si Mommy. Hala! Wala man lang bang bati na mabuti nakauwi na kaming buhay at ganyan talaga?? Henebeyen!!



"May inasikaso lang po kami ni King, Mom." si Jecs, syempre as usual, super ngiti lang din ako.


"May inasikaso o talagang naglakwatsa na naman kayong dalawa?" haruy! Ayaw pang maniwala! "Mother! Tungkol po ito sa request nyo na magkaapo, kasi naman gusto nyo instant baby kaya naghanap kami nun." Pero syempre di ko na naman sinabi yan. Hindi na lang din sya pinansin ni Jecs at umupo na lang sa tabi nya sa sala at ako naman ay dumiretso sa kitchen para kumuha ng maiinom.


Habang nasa kitchen ako ay biglang may nagdoor bell. Hinayaan ko na lang sila yung magbukas tutal nasa sala naman sila.

"Anak, tawag ka nila Mommy nyo. Pumunta ka daw dun ngayon. Mukhang bisita nyo yung babaeng dumating eh" si Manang Celly na kasambahay namin. "Sino pong babae?" tanong ko naman. "Hindi ko din kilala eh. Hindi ko pa siya nakikitang pumunta dito" sabi ni manang. "Oh sige po manang, pupunta na lang po ako dun" sabi ko sabay punta nga sa sala habang dala-dala ko yung milkshake na iniinom ko.


Pagdating ko ay umupo ako sa tabi ni Jecs at nakita ko nga yung isang babaeng kadadating. Hindi din sya familiar sakin. Sino kaya siya??


"Ah hija, ipakilala mo ang sarili mo sa kanila. Kay Jecs at kay King, iyong sinasabi ko sayo" sabi ni Mama.

"Ay ma'am, ang gagwapo naman po pala nila. Hindi ko akalain na mga beki pala sila" sabi nung babae na feeling ko ay kalog, hindi na ako nagtataka kung bakit alam nya kung ano kami ni Jecs dahil alam kong kinuwento na naman kami ng Mommy nya. Hayss.


"Hi, ako nga pala si Bridgette"sabi nya sabay ngiti. Bridgette pala pangalan nya, siguro anak ng kaibigan ni Mommy to. Ngumiti na lang din ako at nakipagkamay sa kanya at ganun din ang ginawa ni Jecs pero nung nakipagkamay sya parang may iba akong naramdaman. Selos?? Ay hindi! Hindi! Erase! Erase! Di naman siguro.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now