Despedida.....

3K 44 16
                                    

-----------------------------------------------------------

Phillip's POV...

Ano ba yan! Hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Mixed emotion talaga, pano ba naman masaya ako sa nangyari samin kagabi ni Ungs pero malungkot dahil bukas aalis na sya papuntang US for three or more years. Alam ko naman na kaya ko syang dalawin dun kapag gusto ko pero iba pa din yung pakiramdam na lagi ko syang kasama dito. Malulungkot ako sa tuwing maalala ko sya :((((  

Siguro gagawa na lang ako ng paraan para maging sobrang memorable yung last day nya dito sa Pilipinas. Sisimulan ko yun sa surprise ko sa kanya na matagal ko na ding pinlano at pumayag naman yung mga kaibigan namen na tulungan ulit ako.

Haaaay! Ang hirap pa din kasi habang tinitignan ko yung mukha nya ngayon habang natutulog parng unti-unti kong ginugusto na wag na syang umalis. Kung kaya ko lang sanang pakiusapan si Papa para payagan sya na magsama na lang kami sa iisang bahay, total patapos na din naman yung pinapagawa naming bahay para sa aming dalawa eh.

Habang tinititigan ko yung itsura ni King, bigla syang nagising tapos ngumiti sya sakin. Haay! Mamimiss ko yung mga ganyan nyang ngiti sakin. Madalang ko na lang makikita yun  :((

"Uy, bakit ganyan ka makatingin?" si Ungs.

"Wala lang, masama ba? Tsaka kinakabisado ko lang itsura mong mabuti kasi bukas aalis ka na, madalang ko na lang yan makikita. Lahat ng bagay sayo kung bakit mo ako napikot" sabi ko na may halong biro.

"Ah, pikot pala ah!" sabi ni Ungs sabay kiliti sakin. Hindi naman kasing lakas ng kiliti nya yung kiliti ko pero alam nya kasi kung saan yung weakness ko kaya dun nya ako kiniliti. Wag nyo ng itanong kung saan kasi baka sabihin nyo ang pangit pakinggan kung saan ako may kiliti.

"Ungs tama na! Sige ka baka saan pa yan mapunta. Gusto mo yata ng second round eh" sabi ko sa kanya. Hahaha. Talaga naman kasi eh. Kapag hindi pa sya tumigil sigurado akong masusundan yung kagabi kasi unti-unti na naman tumatayo yung alaga ko. Hahahaha  ^_^  .Ang OA nuh? Kinikilit nya lang ako pero baka may mangyari na kagad samin? E pano ba naman kasi yung sinasabi kong kiliti ko ay sa leeg at hinahalikan yun ni Ungs mula pa kanina. Oh! ayan sinabi ko na kung san yung kiliti ko. Ewan ko ba, alam din naman yun ng iba kong kaibigan pero si Ungs lang talaga nakakagawa ng ganito sakin, wala ng iba.

Akala ko titigil na si King kasi tinakot ko sya na baka may mangyari pero tumuloy pa din sya. Sh*t nababaliw na naman ako sa ginagawa nya. Gustong-gusto ko yung ginagawa nya sakin na parang ayoko ng matapos yung oras na 'to pero kailangan ko na din magpigil kasi umaga na at baka mamaya kumatok bigla si Mama.

"Ungs, please stop." sabi ko. Huminto naman sya kaya lang mukhang disappointed sya.

"Bakit?" tanong nya na parang sinira ko yung mood nya. Lagot na! Magagalit sya sakin nito for sure. Alam ko naman na gusto nya lang din akong pasayahin kaso nga inaalala ko lang na baka kumatok at pasukin na lang kami ni Mama bigla dito.

"E Ungs, baka biglang pumasok kasi si Mama dito eh" sabi ko na lang. Hindi na sya nagsalita pero mabilis syang tumayo tapos pumunta sa banyo. Hala! Galit nga sya. Tsk tsk.   Kailangan kong gawin yung plano ko talaga ng makabawi sa kanya. Ayoko namang aalis sya ng magkagalit kami. Hindi ko kakayanin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

King's POV....

Nakakainis! Hindi man lang nya ako mapagbigyan sa gusto ko. Hindi naman ako mahilig sa ganun pero gusto ko lang naman gawin yun para man lang kahit papano bago ako umalis napasaya ko sya.  :(((   Aalis na ako bukas pero ngayon nya pa naisip na mag-inarte. Ilang beses na namin nagawa yun. Naku! Bahala na talaga sya sa buhay nya! Nakakairita lang ay!

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now