TLBT new 1

2.3K 48 40
                                    

King’s POV..

“Good morning” isang matamis na ngiti ang sumalubong sa araw ko ngayon. Si Phillip. Nandito pa din kami sa Cebu. Ngayon palang kasi magsisimula yung convention na aattenand namin.

“Good morning din.” Balik ko ng bati sa kanya. Sa totoo lang hanggang ngayon nagdadalawang isip ako sa ginagawa ko dahil nga alam kong mali ‘to. Pero bakit ganun? Parang sa tuwing may gagawing sweet na bagay si Phillip, hindi mapigilan ng puso ko na tumalon sa tuwa?

Tatayo n asana ako para mag-ayos ng sarili ng bigla akong hilahin ni Phil pabalik sa higaan.

“Mamaya na tayo tumayo. Dito muna tayo. Ngayon na lang ulit kasi nangyari ‘to after so many years. Namiss kasi talaga kita. Please?” siya. Wala naman akong nagawa dahil nakalingkis na yung buong katawan nya sakin. Habang nakayakap si Phil sakin, napakadaming bagay-bagay ang pumapasok sa isip ko. At unang una na dun ay si Jecs. Alam kong mali na talaga ‘to pag nagkataong hindi ko pa napigilan pero ano naman kasing magagawa ko?? Pilit pa ring nagreresist yung puso ko sa sinasabi ng utak ko.

“May problema ba?” tanong sakin ni Phillip. Alam nya din siguro na malalim yung iniisip ko.

“Iniisip ko kasi ‘tong nangyayari satin ngayon. Hindi ba sobrang mali? Ang dami nating masasagasaan kapag tinuloy natin ‘to. Hindi ko rin kasi kayang saktan ng ganun-ganun nalang si Jecs.”

“Oo alam ko din namang mali ‘to. Mali na mukha tayong kabit ng isa’t-isa. Mali na niloloko natin yung mga taong nagmamahal satin pero isa lang ang alam ko. Isang bagay lang ang alam kong tama ngayon. Yun ay ang sundin ang puso ko. Sundin ang nararamdaman ko.” Siya.

Tahimik lang kaming dalawa pagkatapos nyang magsalita. Sa totoo lang, ayun nga lang ang nakikita kong tama sa nangyayari ngayon. Sinusunod ko kung ano ang sinasabi ng puso ko kahit pa alam ng utak ko na mali ‘to.

“Alam mo ba? Lahat ng nangyari pagkatapos nating magkahiwalay ay sobrang hirap para sakin, parang bawat araw hirap na hirap na hirap ako. Bawat araw, lumilipas ng parang wala akong buhay.  Galit ako sayo nun,  dahil alam kong iniwan mo ako. Bumalik ako dito sa Pilipinas para ipamukha sayo yung mga ginawa mong pang-iiwan sakin. Sa ginawa mong pagpapabaya sakin. Galit na galit talaga ako nun sayo pero magmula ng maisip ko na ikaw lang talaga yung isang taong hinihiling ko sa buhay ko. Wala ng kinalugaran yung galit ko, basta ang alam ko lang. Gusto kong maging sakin ka ulit at maibalik yung dati. Ngayon kung sa tingin mo mali talaga tong ginagawa natin. Sige lang. Hindi kita pipilitin, pero alam ko din naman magmula nung hinalikan kita na hindi pa rin nawawala kung anong meron ka para sakin dati.” Siya. Tama naman talaga siya eh. Magmula nung halik na yun, dun ko na-realize na mahal ko pa din siya despite of us being separated for years.

Hindi ako makasagot dahil litong-lito ako. Hindi ko alam kung ano ang mas tama kong gawin. Habang nagmumuni-muni na naman ako ay ginulat na naman ako ni Phillip sa isang halik na ibinigay nya sakin. At dahil dun, nakapagdesisyon ako na sundin ko muna ang puso ko at saka ko na lang iinitindihin ang mangyayari sa pagitan namin ni Jecs.

Habang magkadampi ang mga labi namin ni Phillip. Isa lang ang nasa isip ko.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now