naguguluhan si Phillip...

5.4K 62 1
                                    

psensya na po. eto pa po yung kadugtong nung huling UD ko. antok na antok na kasi ako kagabi eh. hahaha.

enjoy sa na.

------------------------------------------------------

 nakauwi na ako ng bahay. at dumetso kagad sa kwarto ko at hindi na ako kumain kasi wala akong gana. Kanina ko pa iniisip yung mga nangyayari. Hindi ba trip lang naman lahat?  pustahan lang ng tropa 'to. siguro naman hindi ako maiin love kay King. Pero nalilito talaga ako at hindi ko maintindihan nararamdaman ko.

siguro naman kaya lang ganito dahil nga sya yung trip ko ngayon. mawawala din ito. Sumuko na lang kaya ako sa pustahan? Hindi! hindi! masisira yung Bad boy at cassanova image ko sa school at sa tropa. Siguro madalang ko na lang lalapitan si King para di magkaroon ng problema.

pero pano mangyayari yon?  e sinabi ko na nga na magdi dinner ako sa kanila bukas, ibig sabihin magkikita kami bukas. siguro last muna yung bukas tapos sa phone na lang ako magpaparamdam sa kanya. Sigurado namang mananalo ako sa pustahan dahil crush ako nun eh. hahaha.

tinigil ko muna ang pag iisip at naligo muna ako. amoy pawis na eh.

pagkatapos kong maligo ay nahiga na ako.  pinilit kong matulog na para mawala yung mga iniisip ko.

---------------------------------------------------------------------

nakaupo  ako sa  isa  mga bench dito  kasama yung tatlong mokong. Nagtatawanan

 kami. Pinag-uusapan namen yung pustahan. Natalo ako! kainis! di ko napasagot si King sa loob ng 2 weeks! pinagtatawanan ako ng tatlong mokong na 'to. pinagbabatukan ko nga.

"pre, di umubra karisma mo kay King. matatag sya! hahahahahaha" sabi ni Allain ng malakas yung hagalpak! binatukan ko nga.

"sa bakla ka lang pala di papalarin eh pre. whahahahaha" si Nano na halos sumakit 'yong tyan katatawa. tinignan ko nalang siya ng masama.

"akala namin mananalo ka na sa pustahan natin, nakahanda na sana yung pambayad ko. hahaha" tatawa-tawa ding sabi ni Nico.

Bigla na lang huminto si Nico sa pagtawa . at may tinitignan sya.

sh*t!!! si King. mukhang narinig nya 'yong pinag-uusapan namen. ano gagawin ko??!!

di ako makapagsalita sa hiya na nararamdaman ko at sa awa na din sa maluha-luhang itsura ni King.

nagsalita sya na basag 'yong boses nya.

"masaya ka na ba??!!!!! oh! hindi siguro! kasi nga natalo ka sa PUSTAHAN NYO!!!!!"  galit at naluluha nyang sabi. magpapaliwanag na sana ako ng tumakbo syang papalayo habang umiiyak. nakatingin sa akin 'yong mga tao na nakakita sa itsura ni King at halatang naaawa sila sa kanya dahil sa sama ng tingin nila sa akin.

hahabulin ko na sana sya kaso bigla akong.....

NAGISING!!! SH*T BUTI NA LANG PANAGINIP LANG 'YON! di ko alam gagawin ko pag nagkataon. pano kung mangyari nga yong ganun. haist!!

pagtingin ko sa relo sa dito sa kwarto ko ay 5am palang.

bumaba muna ako sa kusina. nagutom kasi ako bigla. nakita ko si manang Yolly na nagluluto na ng almusal.

"manang, ano po  'yang niluluto mo?? tanong ko.

"java rice, itlog, bacon, hotdog saka yong paborito ng papa mong tapa.bakit nagugutom ka na ba?" sabi ni manang.

"medyo po manang. pwede na po ba?" tanong ko.

"o siya. hintayin mo at ipagsasandok kita." si manang.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now