through the rain...

3.2K 38 9
                                    

 Pasensya na po kung ngayon lang nakapag UD. Sana po basahin nyo pa din 'to   :D  salamat in advance   ^_^

--------------------------------------------------------------------------

 

King's POV..

 

Ilang araw na lang bago yung flight namen papuntang US para dun na tumira hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral ko. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari lahat 'to? Bakit? Wala na din kasi akong magagawa. Ilang beses kong sinubukan na pakiusapan si Papa pero hindi pa rin sya pumayag at hindi ko kaya yung hinihingi nyang kapalit.

 

 

FLASH BACK..

 

"Baby girl gusto kang makausap ni Papa." sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. Hindi na din kasi ako pumapasok eh. Ayaw na akong paalisin ng bahay ni Mama. Hindi naman ako suwail na anak pero bakit hindi nila ako mapagbigyan? Hindi man lang nila ako mapagbigyan pero kailangan ko pa din subukan since kakausapin naman pala ako ni Papa ngayon.

 

 

Paglabas ko ng kwarto ko binigay kagad ni Mama sakin yung cellphone para makausap ko si Papa. Kinakabahan ako pero gusto kong ipaglaban si Moks.   :((

 

"Hello po Pa" sabi ko.

"Oh. Nakapagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo at sa lahat ng dapat mong pagpaalaman dyan?" sabi ni Papa. Grabe naman! Hindi ba nila ako maintindihan?


"Hindi pa po. May gusto po pala akong sabihin Papa" sabi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Pero parang huminto yung mundo ko sa sinabi ni Papa.

 

"Kung tungkol yan sa pagpapaiwan mo at kay Phillip, my answer is NO!! Mamili ka kung titiisin mo na magkakahiwalay kayo ng ilang years o gagawin ko ang lahat para lang maghiwalay kayo ng habambuhay? And another thing, kung talagang mahal nyo ang isa't-isa kailangan magtiwala kayo at siguradong kahit ilang taon pa kayo magkahiwalay e kayo pa din hanggang sa huli. Wag mo akong pilitin na gumawa ng bagay na hindi mo magugustuhan King. Kilala mo ako kapag sinabi ko na wala ng dapat kumontra" sabi ni Papa. Naiiyak na talaga ako pero kailangan ko pa din lumaban kahit papano.

 

"Pero Pa--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang magsalita si Papa.

 

"No BUTS King. Take it or leave it pero sasama ka papunta dito." sabi ni Papa. Wala na talaga akong magagawa, kilala ko si Papa kaya nyang gawin yung sinasabi nya kanina na forever na nya kaming paghihiwalayin ni Moks.

 

"Ibigay mo na yung phone sa Mama mo" sabi ni Papa. Hindi pa din kasi ako nagsasalita dahil shocked pa rin ako. Wala na talaga! Kailangan kong sumunod kay Papa.    :(((

 

Kinuha na lang sakin ni Mama yung cellphone kasi nakatulala at lutang na yung isip ko. Nung nagsink-in na sakin lahat dun ko na lang nagawang pumasok sa kwarto at mag-iiyak.

 

END OF FLASH BACK...

 

Ang hirap talaga ng hinihingi sakin ni Papa. Hindi ko talaga kayang layuan si Moks. Pero anong gagawin ko e wala nga akong choice.  At ngayon naman kailangan ko munang magpaalam sa mga kaklase, kaibigan at lalo na sa mga bestfriends ko.  Magpapaalam na muna ako kay Mama.

 

 

Pupuntahan ko na si Mama sa kwarto nya ng makasalubong ko sya.

 

"Ma, magpapaalam lang po ako sa mga bestfriends ko di ba po paalis na din naman po tayo?" sabi ko kay Mama. Mukha ayaw pang maniwala ay! Mukha ba akong tatakas? Kakaloka!

 

"Make sure na babalik ka kagad baka tumawag ang Papa mo for sure ikaw hahanapin nun" sabi na nga ba eh. Akala ba nila magtatanan kami ni Moks? Gawin nga kaya namen? Ay! Wag na lang siguro kabaliwan lang yun.

 

 

Pagkatapos kong magpaalam kay Mama naligo na ako tapos nagpunta akong school para hanapin sila Ella at Jean. Sana nga din magkabati na kami ni Janna eh. Pero medyo malulam yung langit kaya kumuha na din ako ng payong.

 

 

Pagdating ko sa school nakita ko kagad si Allain pero nagulat ako dahil ang dami nyang dalang book. Ano 'to? Nagsisipag na talaga sya? ?Hala! Kakaloka!    Lalapitan ko na sana sya kaso biglang dumating si Janna at kasama nya pa din si KIMBERLY!! Parang nainis tuloy ako. Haaaay.Hindi ko na din muna sila nilapitan at tinignan ko na lang ano gagawin ni Janna and guess what??!! Pinadala nya pa kay Allain lahat ng dala nya though halata naman na hirap na hirap na yung tao. Nakakaimbyerna!! Naku lang talaga. Mamaya ko na lang kakausapin si Allain. Itetext ko na lang sya muna.

 

 

Pinuntahan ko na lang muna si Ella at Jean sa room nila para makausap ko sila. Tinext ko naman sila sabi nila wala daw silang klase ngayon. Papunta na sana ako sa classroom nila ng makasalubong ko si Moks kasama yung mga katean nya sa basketball team ng school. Nung tumapat sya sakin tinawag ko sya.

 

"Moks!" sigaw ko. Wala akong pakialam kahit maraming makarinig sakin. Tumingin naman sya pero kitang kita naparang gulat sya.Pero mas nagulat ako nung niyakap nya ako. Hala! Ang higpit naman hindi ako makahinga! Kakaloka 'tong lalaking 'to.

 

"Moks, nasasakal na ako. Pwede bang awat na?" sabi ko ng pabiro. Hirap naman magpanggap na masaya ka kasi kailangan mo. Pano ba naman ramdam ko na malungkot si Moks  :(((

 

Bumitaw na si Phillip sakin tapos humarap sya sakin. Hindi naman sya nagsasalita kaya ako na yung bumasag sa katahimikan naming dalawa.

 

"Moks, anong problema?" ano ba yan ang bigat ng dibdib ko kapag nakikita ko sya at naiisip ko na iiwan ko sya dito.

 

"Wala naman Ungs, tara sama ka sakin" si Moks.


"Moks, kailangan ko pang kausapin sila Ella at Jean. Alam mo naman kung bakit di ba?" sabi ko.

"Hindi ba pwedeng mamaya na lang yun Ungs? Ako muna please?" sabi niya. Naku! Makulit din 'tong lalaking 'to eh.

"Moks, after ko na lang silang kausapin,OK?" ako. Nakita kong medyo nadisappoit siya pero tumango pa rin sya sa sinabi ko.

"Pwede kiss na lang bago ako bumalik sa practice?" sabi nya. Mahilig din 'tong lalaking 'to kahit madaming tao e. Kaya mamimiss ko sya ng sobra. Huhuhu  :((


Wala na akong nagawa kaya binigay ko na din yung request nya pero sa cheeks lang kaya hindi naman sobra sa PDA. Pagkatapos nung scenario na yun umalis na si Moks tapos nagpaalam sya na magpapractice daw sila. Takte! Umiiyak na naman ako!  Kasi naman 'tong Phillip na 'to eh! Nakakainis! Pinaiyak na naman nya ako. Erase muna!

 

Naglakad na ulit ako papunta sa room nila Ella at Jean. Pagdating ko dun niyakap kagad ako nung dalawa. Asus! Alam na ba nila?? Wews!

"Namiss ka namen te!" sabay na sabi ng mga bruha! Asus! Nandito pa lang ako namimiss na nila ako what more kung nasa ibang bansa pa. Ang OA nila ah!

 

"Mga baks ang OA nyo kamo" sabi ko.


"E pano naman baks, ang tagal mong hindi pumasok tapos hindi ka pa sumasagot sa mga text message at tawag namen" sabi ni Jean. Totoo yun hindi ko kasi sinasagot mga call and text message nila dahil nagmumukmok lang ako sa kwarto ko nun at sobrang stress na ako. Kakaloka! At  tingin ko hindi pa pala nila alam yung paglipat namen sa ibang bansa.

 

"Bakit ka nga pala hindi pumapasok baks? May problema ba? Tapos recently napapansin namen na palaging malungkot at tahimik lang yung bowa(boyfriend) mo." si Ella naman. Ganun talaga kaaffected si Moks? Huhuhu. Parang ayoko na talaga yatang umalis  :'(( .Pero kailangan na malaman nila baks na aalis na ako.

 

"Ganito kasi yan mga bakla, di ba si Papa nasa ibang bansa sya? E ngayon hindi na ganung makakauwi si Papa dito sa pilipinas kaya nakapagdecide na sila that we're going to migrate in US. Nandito ako para naman makapagpaalam man lang ako sa inyo. Baka matagalan kasi bago ulit ako makabalik dito eh" sabi ko. Kitang-kita naman na nagulat silang dalawa akala pa nga nila nagbibiro lang ako pero narealize nila na serious ako.

 

"Pano na si Phillip nyan te? Edi magkakahiwalay kayo?" sabi ni Ella. Pagkasabing pagkasabi ni Ella nun biglang tumulo yung luha sa pisngi ko. Takte! Drama na naman ba?Pero pano na nga ba kasi? Haaays!

 

"Hindi ko alam te. Hindi ko din alam kung eto na ba yung ending ng story namen or what pero kasi wala naman akong magawa. " sabi ko sabay iyak. Nagtinginan tuloy samin yung mga kaklase nila kaya parang awkward kaya pinilit ko na din na maging OK. Marami pa kaming napag-usapan nila Jean at Ella tungkol sa pag-alis namin at nag-usap-usap kami na bago ako umalis magba-bonging muna kaming tatlo para naman daw kahit sa last minute na nandito ako masaya pa din.

Pagkatapos namin mag-usap nila Jean pumunta kagad kami sa cafeteria para makapagmeryenda. Nagkwentuhan muna kami at nag-usap ng kung anu-ano at tungkol na din sa pag-alis ko. Sabi pa nga ng mga bruha na babantayan daw nila si Moks kapag umalis ako. Yari daw si Moks sa kanila pag niloko nya ako pero tiwala naman ako sa boyfriend ko na hindiu nya ako magagawang lokohin.

Pagkatapos namin kumain sa cafeteria nagpaalam na ako sa kanila na pupuntahan ko si Moks. Nagpromise kasi ako na pupuntahan ko sya after ko magpaalam kila Jean.

-----------------------------------------------------------------

Janna's Short POV..

Haaaaay! Sarap talaga ng may servant ka. Mauutusan mo kahit na ano gusto mong ipagawa sa kanya. Well, kasalanan naman nya yan kaya dapat lang na gawin nya. Tama si Kim, ako ang nadehado kaya dapat talagang yung Allain asungot na yun yung manghingi ng sorry. At wala na din akong pakialam kahit magalit pa sakin si King. At may plano ako mamayang gabi para kay Allain. Si Kimberly yung nagsugget nun at mukhang effective yun para mapahirapan ko si Allain. Sabi nya kasi mas maganda daw kung medyo papahirapan ko si Allain though naghahati yung utako ko kasi parang sa isang part ng pagkatao ko sinasabi nun na wag ko daw gawin yun kay Allain pero sa twing maaalala ko yung mga kalokohan nya? Naku! Kumukulo yung dugo ko.

By the way, nakita ko nga pala si King kanina dito sa campus. Hindi kasi siya pumapasok eh pero hindi naman namin alam kung bakit. Sabagay mas maganda na din yun kesa naman nakikita ko nga sya kaso hindi kami nagkakausap. Affected din kasi ako sa tuwing di nya ako pinapansin pero tama naman si Kim kasi siya din naman may kasalanan ata bakit ako yung kailangan magsorry?Naku! Hayaan ko na nga lang sya.

May isa pa pala kaming klase bago kami idismissed buti na lang kasama ko ngayon yung servant ko para dalhin sa room yung mabibigat na books na kaninang umaga ko pa hiniram sa library namen. Kakaloka!

"Hoy, mamaya magkita tayo sa park ha, mga bandang 8pm. Sharp! Ayokong male-late ka" sabi ko sa asungot na Allain na 'to. Tumango lang sya. Sabi ko kasi sa kanya nung nakaraan na wala syang karapatan magtanong sakin lalo na sa mga iuutos ko sa kanya.Ang rude ko noh? But that what he deserve.

Pagkatapos ng klase nagpahatid na ako kay Allain sa sakayan ng tricycle ayoko kasing hinahatid nya ako kaya hindi ako pumapayag everytime na mag-iinisist sya na ihahatid nya ko. niremind ko  na din sya sa usapan namen mamaya. Sasabihin ko na nga din yung totoo. Kaya ko lang sya pinapapunta dun ay para paghintayin sa wala. Pagmumukhain ko syang engot dun. Binilinan ko din sya na wag ng magdala ng kotse. Napaka mean ko talaga! Hahaha. But i really dont care!

------------------------------------------------------------

King's POV again..

Nandito kami ngayon ni Moks sa mall nagpaalam kasi ako kay Mama na lalabas lang kami ni Moks, nung una nga ayaw pang pumayag pero di nya ba narealize na meron bang naglayas o nagtanan na tumawag para magpaalam?? Kakaloka talaga mother ko ay.

Haaay! By the way, nandito nga kami sa mall ni Moks. Kung ano-ano na naman trip nitong lalaking 'to pero syempre nag-eenjoy ako kasi kasama ko sya eh at masaya ako dahil sya pa din kasama ko. Habang naglalakad-lakad kami at hawak ni Moks yung kamay ko ay bigla akong nakaramdam ng salitang "pagod" kaya nag-aya na akong umuwi.

Nung nasa byahe kami medyo umambon. Naramdaman ko kasi biglang may pumatak na tubig sa mukha ko dahil ako yung nasa may malapit sa bintana dito sa bus. Nakakahiya naman kasi sa boyfriend ko e. Ako yung pagod tapos sya 'tong tulog sa balikat ko, kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga high school students ata yun pero wala akong pakialam sa kanila.

Nung malapit na kami sa bababaan namin ginising ko na si Moks. Ang cute nya kasi mukha syang baby na kakagising lang kaya hindi ko napigilan na halikan sya kahit smock lang sa lips. Nagulat yung mga babaeng kanina pa nakatingin samin, nakarinig pa nga ako ng side comment na ang landi ko daw. Well! Inggit lang sila. Bwhahahahaha.


Pagbaba namen pinagtitinginan na kami nung mga malapit samin pero syempre dahil maloko din yung mokong kong boyfriend, inakbayan ba naman ako sabay kiss sa pisngi ko. Kakaloka! Pero havey kasi windang lahat ng nasa bus. Sa hot ba naman ng boyfriend ko na 'to hindi pa sila matutulala at mapapanganga. Whahaha  ^_^ sumasaya yung araw ko dahil sa mokong na 'to eh.


Tahimik yung mga nasa bus pagbaba namen. Natawa na lang kami ni Moks dahil sa reaction nila.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle ay nag-aya pa si Moks na kumain muna daw kami mga food court sa malapit sa park tapos dun na daw kami kumain. Buti na lang tumigil yung ambon kung hindi di ako papayag na kumain pa kami.


Habang kumakain kami ni Moks ay biglang bumuhos yung malakas na ulan. Nakakaloka! Buti na lang ready ako at may dala akong payong, mabasa pa 'tong boyfriend ko eh kagagaling nya pa lang naman sa practice kanina, baka mapasma 'to. Pagkatapos namin kumain ay nag-aya na kagad si Moks kahit na sinabihan ko na magpatila muna kami.Ang kulit talaga nito! Gusto na daw nya kasing magpahinga samin. Yehey! Dun sya matutulog samin  ^_^


Para kaming engot sa daan na dalawa kasi inaalis nya yung payong namin kaya nababasa kami. Ang kulit talaga nito.  ^_^ basa na tuloy ako.Pero nung naglalakad na kami  malapit sa park, may nakita akong lalaki na sobrang basang-basa sa ulan, pano ba naman nasa gitna ng park tapos ayaw pang umalis kahit super buhos na yung ulan. May tama yata sa utak yun eh. Sinabi ko nga kay Moks.


"Moks, tignan  mo yung lalaki oh, ayaw pang sumilong parang baliw."

"Ungs, parang familiar sya. Para si Allain" sabi niya.

"Weee? Si Allain? Hindi nga Moks?" ako.

"Oo nga Ungs. Ayaw pa maniwala kilala ko yun kahit nakatalikod" si Moks.

Nilapitan namen ni Moks yung lalaki na sinasabi niya na si Allain daw and guess what. Si ALLAIN nga!! Hala! Bakit sya nandito sa gitna ng ulan? Tsk tsk.


"Allain ano ginagawa mo dyan?" tanong ni Moks nung nasa harap na kami ni Allain. Hindi sumasagot si Allain kasi nakayakap sya sa tuhod nya at halatang giniginaw na dahil nangingig sya. Tumitig lang sya samin tapos biglang nagsalita.


"Hinihintay k-ko k-kasi si Ja-Janna e-eh. May usapan kasi kami ngayon" sabi ni Allain. Hindi na ako nakapagpigil kaya medyo napasigaw ako.

"Ano? Hinihintay mo sya sa gitna ng ulan? Baliw ka ba Allain!!"

"E pano kung hindi nya ako makita pag umalis ako dito?" sabi nya na parang batang napagalitan.

"Anong oras ba usapan nyo kasi?!" iritang tanung ko. Feeling ko kasi may mali eh.

"8pm" tipid na sagot ni Allain. Lechugas! Tama ako! Isang oras na syang naghihintay dito. Ano 'to?? Late ng ganun katagal? Kilala ko si Janna ayaw nya din ng palaging late kaya sigurado akong may mali dito.


Sinabihan ko na lang si Moks na akayin namin si Allain sa isang shed para magpatuyo at sumilong dahil baka magkasakit pa sya pag di sya umalis dun. Nung una nga ayaw nya pang umalis dun kaso pinilit ko talaga sya at hindi ako papayag na iwan namen sya dun.


Pagdating sa isang shed ay sinabihan ko si Allain na magpatuyo at ng hindi na sya ginawin dahil nangangatog na sya at buti na lang may dalang extra shirt si Moks kaya pinagpalit ko si Allain. Nung matuyo na sya napansin ko na nanginginig pa din sya. Hindi ko muna pinansin nung una kasi akala ko dahil sa basa din kasi ng konti yung pants nya pero nung hinipo ko yung noo nya. SHOCKS!! Ang taas ng lagnat nya! As in!


"Hala! Ang taas ng lagnat mo Allain kaya pala kanina ka pa parang nilalamig dyan" napasigaw na naman ako. Hilig ko din magsisigaw eh nuh? Mukha na akong engot.

Tumingin lang sakin si Allain na parang blangko tapos magsasalita sana sya kaso biglang sya para babagsak sakin kay sinalo ko sya, hindi naman ganun kalaki katawan ko kaya muntik na din akong bumagsak mabuti na lang nandun si Moks at tinulungan nya kagad ako kay Allain. Halos magkapareho kasi sila ng built ng katawan kaya hindi ko keri na ako lang mag-isa.

Nung hinimatay si Allain dahil siguro sa sobrang init na nya, dinala na namen sya sa bahay. Hindi naman namen sya pwedeng iuwi sa kanila dahil sigurado akong papagalitan sya ng yaya nya.

Habang nasa tricycle kami panay yung salita ni allain kahit tulog sya. Naku! Kakaloka! Nagdedeliryo na ata 'to eh.

"Baka magalit si Janna kapag umalis ako dito. Hihintayin ko sya kahit anong mangyari" si Allain habang tulog. Lakas din ng tama sa utak nito eh. Pinagmukha na nga syang engot dun sya pa din yung nasa isip nya. haiiiist!

Pagdating sa bahay kagad namin pinasok si Allain sa guest room. Nagtataka nga si Mama kung ano daw nangyari kay Allain pero naexplain ko na kaya OK na sa kanya. Kumuha na din ako ng pampalit sa kanya para hindi sya lamigin. Gamot at pagkain na din para makainom na sya at umayos yung pakiramdam nya. Binigay ko kay Moks yung damit na ipapasuot ko kay Allain dahil hindi ko kayang ako yung magpalit sa kanya. Isa pa baka ano pa isipin ni Moks ko.

Maya-maya lumabas na si Moks galing sa guest room. Tinanong ko sya.

"Moks, napalitan mo na ba sya?"

"Oo, tsaka nga pala Ungs lagi nyang tinatawag yung pangalan  ni Janna. Bakit kaya?" si Moks. Oo nga pala. Hindi paalam ni Moks yung nangyayari sa kanila ni Allain at Janna. Ikukwento ko na lang siguro mamaya kasi sa tingin ko sa ngayon may kailangan akong tawagan eh.


"Moks, kwento ko sayo mamaya, may tatawagan lang ako" sabi ko kay Moks. Pagkasabi ko nun pumunta muna ako sa kwarto ko para tawagan yung taong yun.


---------------------------------------------------------------------


Janna's POV...

Ang lakas pa din ng ulan ngayon. Tingin ko naman hindi na pumunta yung asungot na yun sa park at kung sakaling pumunta sya umuwi na din siguro yun kasi umulan bigla. E pano kung nabasa sya? Pano kung nandun pa din sya? Siguro naman hindi sya ganun kashunga para magstay dun kahit umuulan.

"Makatulog na nga lang" sabi ko sa sarili ko. Hihiga na sana ako ng biglang magring yung phone ko. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko nakita ko yung name ni KING!! Hala! Bakit kaya? Magsosorry na kaya sya? Well, much better kung ganun. Sinagot ko yung call nya.

"Hello" sabi ko.

"Janna ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?" Ha? Anong pinagsasasabi nitong muret na 'to? Mambintang talaga kagad? Kakaloka! Nananahimik ako dito samin ay.

"Ano ba yung sinasabi mo King? Nananahimik ako dito samin ha." sabi ko.

"Talagang bang hindi mo  alam ginawa mo? OK. Let me remind you about your being rude to Allain. Sobrang taas lang naman ng lagnat nya ngayon dahil hinintay ka nya sa gitna ng ulan kanina dun sa park. And ang reason nya lang naman ay baka daw magalit ka kapag umalis sya dun at hindi mo sya makita."

"WHAAAAAAAT!!?? ARE YOU SERIOUS?" sigaw ko sa phone. Oh my! Shunga nga si Allain,bakit nya pa kasi ginawa yun. Nakokonsensya naman talaga ako sa mga ginagawa ko ngayon. Huhuhu  :((. Kasalanan ko 'to ngayon.

"Oo, kaya pumunta ka na dito dahil hinahanap ka nya kanina pa, pangalan mo lang yung tinatawag nya mula pa kanina" sabi ni King. Medyo mahinahon na yung boses ni bakla ngayon. Hindi na din ako sumagot sa kanya, nagbihis na kagad ako para makapunta na sa kung nasaan sila pero wait!! Nasan ba sila? Waaaaaah! Ang shunga ko! Hindi ko man lang tinanong kung nasaan sila! Shit! Itetext ko na lang si King para malaman ko. Haaaay! Bukod sa kaengotan ko, iniisip ko din yung lagay ni Allain. Sobrang kumakabog yung dibdib ko, ewan ko ba, dahil ba 'to sa konsensya? Siguro nga pero hindi yun ang mahalaga sa ngayon.


Paglabas ko ng bahay tinext ko na din si King, nagreply naman sya. Nandun pala sila sa bahay nila, hindi na pala ako nakapagpaalam kila Mama, sigurado ako sermon abot ko nito pero mas mahalaga talaga sakin ngayon na makita ko si Allain. Kasi naman yung lalaking yun hindi nag-iisip eh. Wews.


Malapit na ako kila King, hindi naman kalayuan yung bahay nila samin. Mga 10minutes na byahe lang ng tricycle hanggang sa loob ng subdivision na tinitirhan nila. Pagdating namin sa tapat ng bahay nila King kagad kong binigay yung bayad ko tapos hindi ko na inintindi yung sukli. Kakaloka! Hanggang sa ganitong sitwasyon ang kuripot ko pa din.


Nagdoorbell ako ng ilang beses. Ang tagal naman kasing buksan eh. Ilang beses pa ako nagdoorbell ng buksan na yung gate at ang bumulaga kagad sakin ay ang nakataas na kilay ni King. Pano nga namang hindi. Ginaya ko kasi si Allain. Basang-basa ako dahil hindi na ako nag-abalang maghanap ng payong kaya eto. Basang-basa din ako.

"Anong ginagawa mo Baks??" tanong sakin ni King habang pinapayungan ako at habang naglalakad kami papasok sa loob ng mansion nila.

"Wala na akong time maghanap ng payong e baks kaya eto nangyari" sabi ko. "Nasan na nga pala sya?" sabi ko ulit.

"Mamaya mo na sya intindihin nagpapahinga pa naman sya eh. Magpalit ka muna mamaya nyan pareho pa kayo magkasakit e." sabi ni King. Ang bait nya pa din sakin  ^_^   bestfriend ko pa din sya.Naku! Ewan ko ba kung ano sumapi sakin at nagkagalit pa kami ni King.


Habang nagpapalit ako bigla akong tinanong ni King.

"Bakit mo ba yun ginagawa kay Allain te?" Hindi kagad ako nakasagot. Bakit nga ba kasi? Ano ba yung dahilan ko?

"Hindi ko pa alam yung saktong dahilan te. Bukod dun sa galit ko sa ginawa nya sakin sa resort wala na akong maalalang dahilan." sabi ko.


"Tingin mo bakit nya ginagawa lahat yan para sayo te? Yung tipong kahit magmukha na syang tanga masunod lang ang gusto mo at mapatawad mo sya sa mga nagaa nyang kasalanan sayo" si King. Bakit nga kaya?? Bakit?

Hindi pa ako nakakapag-isip ng sagot ng biglang magsalita ulit si King. "Wala ako sa posisyon na sabihin sayo to te pero tingin ko makakatulong 'to para malaman mo din sasarili mo lahat ng sagot sa mga tanong na yun. MAHAL KA NI ALLAIN TE!"


Anu daw? Anong sinasabi ni King na mahal ako ni Allain. Nakatulala pa din ako kay King sa sinabi nya kaya nagsalita ulit sya.

"Kung ayaw mong maniwala tanungin mo sya at sigurado akong ganun din sasabihin nya. Matagal na nyang sinabi sakin yan at matagal na kitang gustong pektusan sa ulo dahil sa ginagawa mo sa taong nagmamahal sayo" sabi nya. Hala! Ano ba yan Gulong-gulo na ko.


"Te, wag ka ngang magbiro ng ganyan" sabi ko na lang. Hindi ko alan pero nung sinabi yun ni King nakaramdam ako ng kakaibang saya at hindi ko alam kung bakit.

Hindi na nagsalita si King pero hinila nya ako papunta sa isang kwarto. Pagdating namin dun nakita ko si Phillip na kausap si ALLAIN na mukhang nanghihina pa. Biglang tumahimik yung buong kwarto tapos naging medyo awkward yung moment pero nawala naman nung biglang ayain na ni King si Phillip para daw makapag-usap kami ni Allain.

Hala! Mas naging awkward yung moment kasi kaming dalawa na lang ni Allain dito sa kwarto at mas nailang ako nung magsalita na si Allain.

"Buti dumating ka pa rin kahit papano" sabi nya.  Nagsalita na ako with all my might.

"Bakit ba kasi naghintay ka pa din dun kahit umuulan na. Hindi ka ba nag-iisip?" sabi ko. Nagawa ko pa talaga syang awayin noh? Galing ko talaga. Kakaloka!

"Sabi mo kasi wag akong aalis dun until you came" sabi nya. Naku! May tama na talaga 'tong lalaking 'to.

"Ngayon ko lang narealize. Bakit mo ba kasi ginagawa lahat ng 'to?" tanong ko sa kanya. Sana hindi yung sinabi ni King yung sabihin nyang dahilan pero nagulat ako sa ginawa nya. HINALIKAN NYA AKO SA LABI!! WAAAAAAH! ANONG NANGYAYARI??

Gusto ko sanang kumawala pero parang magnet yung labi namin at take note nag-eenjoy ako. Bakit ba ginugulo ng lalaking 'to ang isip ko.

Maya-maya lang bumitaw na din sa kiss si Allain, ako naman mukhang tanga na nakatulala sa kawalan dahil sa nangyari.


"That's the reason Janna" sabi ni Allain. "I LOVE YOU JANNA. Kaya ko nagagawa lahat yun at tinitiis ko dahil mahal na kita. Hindi ko alam kung pano pero ayun yung nararamdaman ko." sabi niya ulit. Hala! Nakakaloka! Ang bilis ng heartbeat ko. Sobra!!  Ano isasagot ko? Waaaaaah!


"Allain, baka nagkakamali ka lang tsaka impossible naman yatang mainlove ka sakin. Feeling ko nga--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na naman nya akong hinalikan. Grabe na talaga 'to! Ramdam ko yung init ng katawan nya.



Marami pa din akong hindi maintindihan pero bakit parang nasagot lahat ng tanong ko dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam, pero mali ba 'tong nangyayari? Haaaaaay. Hindi ko na alam.


-------------------------------------------------------------------------------------


Hanggang dito muna po. Hehehehe. Pasensya na kung ngayun na lang nakapagUD, mapapadalas na po ulit yung UD ko. Salamat po sana po nag-enjoy kayo. Godbless po.

Free po magcomment ^_^

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now