creepy eyes on us....

5.1K 67 2
                                    

habang humaharurot yung kotse sa daan hindi ko magawang magsalita. natatakot na ko, hindi lang sa bilis ng kotse pati na din sa mukha ni Phillip.

at nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita sa wakas.

"uy! Phillip. pwede mu bang bagalan??" ako.

"ayoko!" may galit na sabi nya ng hindi tumitingin sa akin.

"kung yung kinakagalit mo ay yung paghihintay mo. sorry na. hindi ko sinasadya" sabi ko habang nakayuko. at pagsisinungaling na din ng bagalan na nya.

bumagal naman yung takbo ng kotse. haaay salamat. pero nagsalita sya bigla.

"may  kasalanan ka sakin, SO, kailngan bumawi ka" sabi nya habang nakatingin sa daan.

"pano ba ako makakabawi??" tanong ko.

"basta. malalaman mo mamaya sa school."sya.

nakarating na nga kami sa school. pagbabang pagbaba naemn ay nagtitinginan kagad yung mga tao sa amin. may mga nakatingin ng masama na kala mo lalamunin ako. "sikat kaya 'tong mokong na 'to dito??" tanong ko sa sarili ko. di kasi ako mahilig sa gatherings dito sa school kaya naman hindi ko alam ang trending.

kaya pala nakatingin yung mga tao ay dahil na din sa HAWAK PALA NI PHILLIP YUNG KAMAY KO!!! WAAAAAAAH!!  kaya naman pala kulang nalang kainin ako ng buhay ng mga tao! well, masasabi kong gwapo talaga tong si Phillip pero di ko akalain na ganun makatingin yung iba sa amin, ganun ba sya kasikat??

"uy! Phillip sandali nga lang!" mahinahon kong sabi. natatakot kasi ako pag nakikita ko syaang galit eh. di ko alam kung bakit.

"oh? bakit na naman?" tanong nya

"kasi kanina pa tayo pinagtitinginan. pwede bang bitawan mu na yung mga kamay ko?? at isa pa nga pala. sikat ka ba dito at ganyan nila ako titigan?? na parang may inagaw ako sakanila??" tanong ko.

"di ba may kasalanan ka sakin?pwes! ito yung pambawi mu sakin. and about those who staring to us, just don't mind them" sabi nya" at tungkol dun sa tanong mo kung sikat ba ako dito, oo yata. ang alam ko kasi sikat ako e. sa gwapo ko ba namang ito" sani nya sabay kindat.

"yabang lang ha??!!" sabi ko.

"totoo naman di ba??" sabay pose ng pang pogi. "at saka bakit di mo ako kilala?? e sikat nga ako di ba??" tanong nya.

"hindi kasi ako mahilig sa tsismis at SABI-SABI. kaya di kita kilala at wala akong panahon na mag-usisa dito sa school pagkatapos kasi ng klase ko diretcho uwi na ako." sabi ko. diniin ko yung salitang sabi-sabi parang kahit papano mainsulto sya,pero parang walang talab.

"o sige! ihahatid na kita sa room mo. saan ba klase mo ngayon?" tanong nya habang hawak ang kamay ko at naglalakad papunta sa building ng Engineering Department.

at ayun na nga. nasa tapat na kami ng room ko ng sabihin nyang.

"mamayang lunchbreak susunduin kita dito. hintayin mo ako. sabay tayong magla-lunch" sabi nya sabay alis. di man lang talaga tinatanung nun kung pumapayag ba ako o hindi eh.

nagsimula na ang unang klase namen at hanggang sa matapos yung klase namen bago magtanghalian ay nakatunganga lang ako. di ako masyadong nakikipag usap ngayon kahit sa isa sa mga close kong kaklase. si Janna-- JUAN JULIO DEMETRIO JR. ang tunay nyang pangalan. opo! tama kayo, bakla sya. sya lang kasi ang nakakakwentuhan at kapalagayan ko ng loob dito. kaya pag dito sa school, sya ang katandem ko. nalate nga lang sya kaninang umaga kaya tingin ko di nya pa alam yung kanina.

--------------------------------------

tumunog na yung bell para sa hudyat na tapos na ang klase namen ngayong umaga. at

LUNCH BREAK na...

biglang lumapit sakin si Janna.

"teh! tara na kain na tayo. Mcdo? jollibee? KFC  o greenwich??" tanung nya ng mga pwede naming kainan.

" teh! wait lang may hinihintay pa ako eh. dun daw ako sasabay sakanya. sabay ka na lang din sa amin ha?" ako. at pumayag naman si Janna.

maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga tawanan ng mgaa babae na tila kinikiliti sa kung saang parte ng katawan nila. ng lumabas si Janna para tignan yun. Aba! nagtitili at bumalik sa pwesto nya kanina.

" teh! bakit?? anong meron??" tanong ko.

" ay teh! ikaw kasi napaka wala mung curiousity sa paligid mo. nandyan kasi yung isa sa mga grupo ng mga lalaking kilala dito sa school. isa sila sa mga HOT dito sa campus naten. at papunta yata sila ngayon banda dito sa atin" mahaba nyang sabi.

"asus! ganun lang pala. sino ba yung mga yun?"sabi ko. nagtanong na din ako ng hindi ko na din maisip na ang tagal nila Phillip. pupunta pa kaya yun??

bago pa man makasagot si Janna ay biglang may apat na lalaki na nasa pintuan namen at dire-diretso sa pagpasok at biglang nagtilian yung mga kaklase ko at pati na din si Janna.

"teh! mukhang papunta sila dito sa atin.sila yung grupo na sinasabi ko sayo! sila yung mga HOT na lalaki dito sa campus naten" sabi ni Janna. medyu nakayuko kasi ako kaya di ko kagad nakita. at ng medyu itaas ko na yung ulo ko para makita kung sino sila.. ay nagulat nalang ako ng makita ko si---

PHILLIP at yung mga katropa nyang sila Nico,Allain at Nano.!!! WWHHAAAAAT?? DONT TELL ME SILA YUNG SINASABI NI JANNA NA HOOOOOOT DITO SA CAMPUS AT SILA YUNG KANINA PA TINITILIAN NG MGA BABAE  SA LABAS??!!!

at nang makalapit na sila sa amin ay inaya na kagad kami ni Phillip na lumabas na. sumama na din si Janna kahit hindi nya maintindihan yung mga nangyayari.

------------------------------------------------------------------------------

eto na po yung kasunod.

ENJOY

comment po kayo ha :D

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now