chapter2.3

1.3K 21 0
                                    

-------------------------------------------------------------------------

King's POV...

Sa totoo lang kanina pa strange yung nararamdaman ko pero hindi ko naman ineentertain. Ewan ko ba, iba talaga eh. ano kaya nila mommy to?? Hmmmm..

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ko kahit kausap ko sila hanggang sa magsalita si mommy.

"Siya yung kinuha naming baby maker. Don't worry, nainterview na namin sya at napacheck-up kaya alam namin na safe kayo sa kanya at hindi sya masamang tao. Pinabackground check ko na din sya para mas makasigurado. Mahirap na." sabi ni mommy. Hindi pa nagsisink-in lahat sakin dahil kagagaling ko lang sa pag-iisip.  Pero wait! Did i just heard it right?? BABY MAKER!!!!!!

Hindi ako makapagreact at parang lagi na lang akong napipipi pero nabingi naman ako sa sigaw ni Jecs.

"WHAAAAT??!!! Anong kalokohan 'to Ma?!!" holo! Parang super galit naman 'tong boyfriend ko. "Hindi ako papayag na magkaroon ng connection to that woman." dagdag pa ni Jecs.

"I'm sorry miss but you don'thave to do this. If you really need cash, i'll just give you what you need but you have to leave now."  sabi ni Jecs dun sa babae. Hindi naman ako makapagreact kasi si Jecs yung gumagawa na ng paraan.

"NO! Bridgette will stay here! At gusto ko ng magkaroon ng apo! Kaya hindi ako makakapayag na basta mo na lang syang paalisin. Aalis sya kapag nabigyan nyo na kami ng apo!" si Mom, na sobrang desperada ng magkaroon ng apo.

"Pero may inampon na kami sa ampunan and a week from now ay madadala na namin sya dito. Kaya hindi na natin kailangan ng baby maker!" si Jecs. uh-oh! Eto na po yun! Super gulo na yata 'to, pero hindi pa naman ako kailangan makialam di ba???

"Hindi! Ayoko sa ampon! Gusto ko galing pa din sa sarili nateng dugo. Hinayaan ko na nga kayo ni King na magsama, kaya hayaan mo din ako gawin ang isang bagay na matagal ko ng gusto!" sabi naman ni Mom. Tahimik lang si Daddy at inaalalayan si Mommy.

Nakita ko namang nagtitimpi si Jecs at nakakuyom yung kamao nya kaya hinawakan ko sya sa kamay tapos tumingin sya sakin na parang sinasabing ayaw nya dahil sakin pero tumango lang ako bilang pagpapakita na ayos lang sa akin ang gusto ng parents nya. Pagkatapos nyang tumingin sakin ay tumingin sya sa parents nya tas bigla nya akong hinila palabas ng bahay.

"Oy! Saan ba tayo pupunta?" sabi ko kay Jecs habang hila-hila nya ako. "Lalayo tayo dito! Bakit ba kasi parang wala lang sayo ang lahat? Hindi mo ba talaga ako mahal?? Ganun lang ba kadali sayo na hayaan na lang na makita ako na kasama ng iba dahil hindi mo talaga ako mahal o minahal man lang?" sabi nya sakin. Woah! Namisinterpret ako ng boyfriend ko.

"Ha? Sino may sabi nyan sayo? Unang una sa lahat, mahal kita at hindi totoo na wala akong pakialam na makita kang kasamang iba kung sakali, ang sakit kaya nun! Pero tama naman talaga si Mommy eh. Kailangan mo pa din magkaroon ng anak na nanggaling sayo, hindi ko kayang ibigay yun sayo kaya hindi ako tumutol kanina. And about naman dun sa batang kukuhanin naten, pwede naman natin syang ituring na anak din eh." mahabang kong paliwanag sa kanya.

"Pero ayoko sa kanya. Ayokong tumingin sa iba. Ikaw lang ang taong minahal ko" sabi ni Jecs. Naku! Lalaking 'to! Pinapakilig ako ng todo! Waaah! Sa totoo lang ngayon ko pa lang naramdaman to sa kanya! Siguro nga sya na yung pumalit sa pwesto ni Phil sa puso ko! Ang corny ko! Hihihihi ^^

"Wag mo ng gawin yun para sa sarili mo or kahit para sakin. Gawin mo yun para sa parents mo, nakita ko sa kanila kung gano sila kasabik na magkaroon ng apo, kaya hindi din talaga ako nakipagtalo pa kanina. Ikaw lang naman 'tong makulit eh." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na parang nahiya sya sa ginawa nya kanina. Medyo tumahimik sya pero bigla na lang nya akong niyakap kaya nagulat naman daw ako pero gumanti na din ako ng yakap sa kanya.

"Tara na! Bumalik na ulit tayo dun para naman hindi magtampo sayo sila Mommy." sabi ko sa kanya at bumalik na nga kami sa bahay.

----------------------------------------------------------------------

comment naman po kayo.

Godbless!

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon