chapter 2.4

1.7K 24 0
                                    




------------------------------------------------------------------------------------------------------


Jec's POV...


Woaw! One week na ngayon magmula nung manggaling kami sa ampunan, babalik kami ngayon para makuha yung bata na balak naming ampunin.

"Mahal ko, ready ka na ba?" tanong ko kay King na kanina pa nag-aayos. Hanggang kailan ba sya dyan?

"Hindi pa mahal ko, sandali na lang talaga 'to. Promise!" sigaw nya.

"Ang tagal mo naman kasi eh! Kanina ka pa dyan." hindi ko na kasi matiis, ang tagal nya kasi talaga. Halos magdadalawang oras na sya dyan.

"Eto na po talaga." sigaw nya sabay labas sa kwarto. Haaay! Salamat naman at lumabas na sya.

"Ang tagal mo naman." pang-iinis ko sa kanya.

"Ah ganon! O sige! Bahala ka dyan." sabi nya sabay nagmamadaling lumakad.

"Uy! Joke lang naman yun, hindi ka naman mabiro" sabi ko sa kanya. Sakto namang pagdating namin sa sala ay nandun si Bridgette at nagbabasa ng magazine. Medyo ang awkward nung moment kasi nagkatinginan kaming tatlo.


"Ahm g-good morning" bati ni King sa kanya. "Good morning din" sabi naman ni Bridgette. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako na kahit papano ay hindi katulad sa mga telenovela na kontrabida yung isa sa lovestory namin.


"Ahm, anong gusto mong pasalubong te?" sabi ni King, ow! bakit ang kulos nya yata ngayon? Siguro dahil sa sinabi nya kagabi na mukha nga daw mabait si Bridgette at gusto nyang maging kaibigan 'to.

"Ahm, kahit na ano na lang. Salamat pala King." si Bridgette. "Para saan?" si King.

 " Sa pagtanggap sakin. At sorry na din dahil sa nangyayari. Promise! Wala akong balak na agawin sayo si Jecs." si Bridgette  habang nakayuko.

"Alam ko naman yun, kaya nga gusto kitang maging kaibigan eh." sabi ni King. "Ano ba yan! Ang aga aga ang drama natin te! Hahahaha!" si King. Ang sarap pakinggan ng tawa nya. Mas naiinlove ako sa kanya dahil na din sa ugali nya. Hindi nga ako nagkamali sa kanya.


Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa pero maya-maya lang ay inaya na ako ni King na umalis na at baka daw ma-late ako. Nginitian lang ako ni Bridgette bago kami makaalis.


--------------------------------------------------------------------------------------------------

King's POV...

Sa bahay ampunan...


"Good morning po Mother Superior" sabay naming bati ni Jecs sa madre na magbibigay sa amin ng isang bata na aalagaan namin habambuhay. Ok guys, ganto ba ang salitang kinakabahan?? Sobra! Baka mamaya hindi kami magustuhan nung bata.


"Good Morning din sa inyo. Handa na ba kayo na makita ang magiging anak niyo?" tanong samin ni Jecs.

"Opo, mother." si Jecs na nakikita ang sobrang excitement sa itsura nya. Sa totoo lang mas excited pa ata sya kung sakaling magkakaroon na sila ng baby ni Bridgette.


Umalis muna sandali ulit si Mother Superior para daw sunduin na yung batang ibibigay sa amin para alagaan. Pagkaalis nung madre ay hindi na mapakali si Jecs. Para syang natatae na ewan.


"Hoy, magrelax ka nga! Para kang natatae dyan!" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na para syang ewan na tumingin sa akin kaya natawa ako sa kanya.


Ilang saglit pa ay dumating na si Mother superior na may dalang isang cute na baby na tingin ko naman ay hindi kalalabas lang sa tyan ng nanay nya. Parang mga ialng buwan na din sya, sa totoo lang ang saya ko nung nakita ko yung bata kasi ang cute nya tapos baby boy pa.


"Siya si Dylan, 8months pa lang sya, iniwan sya sa harap--" naputol na sabi ni Mother Superior dahil bigla na lang kinuha ni Jecs yung bata. Hindi ko alam pero ang saya ko din nung makita ko yung eksenang yun, feeling ko kasi mag-ama ko talaga silang dalawa. Feeling ko tuloy talaga na isa akong babae na ina nung bata.


"As i was saying, iniwan sya sa harap ng ampunan nung makita namin sya. Sobrang payat ng batang yan at ang akala nga namin nung makita namin sya ay hindi naa tatagal. Sinadya siguro ng Diyos na maging malakas ang bata para sa inyong dalawa. Nawa'y maging isang tunay na biyaya siya sa inyo ng Panginoon" sabi ni Mother Superior, sa totoo lang hindi ko na din masyadong inintindi ang sinabi nya dahil nilapitan ko na din ang mag-ama ko.


Medyo matagal naming nilaro ang bata, and suprisingly ay hindi ito nangilala sa amin. Ni hindi man lang umiyak nung kuhanin  ni Jecs.

Nung hindi na siguro makatiis si Mother Superior ay tinawag na kami ni Jecs para pumirma sa kung ano-anong documents.


Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin at pagpirma ay dinala na namin si Dylan sa bahay. Haaaaay! Habang tinitignan ko yung bagong mag-ama na naglalaro akala mo talaga nanggaling sa aming dalawa yung bata.


Tinitignan ko lang silang dalawa hanggang sa makarating na kami sa bahay at nadatnan namin ang parents ni Jecs sa sala na naman. Halatang halata sa itsura nila na nagtataka sila sa batang dala namin.


Lumapit naman si Jecs sa parents nya kasama si baby Dylan at humalik sa mga ito.

"Sino yang batang yan hijo?" tanong  ni Dad sa kanya. "Si baby Dylan po Dad, siya po yung inampon namin ni King na anak na po namin ngayon" nakangiting sabi naman ni Jecs. Nakataas lang yung kilay ng Mommy niya, nakakaloka baka mamaya ayaw nya pa din dun sa bata. Hindi na ko papayag kung pati sa bata ayaw nya. Magsasalita na talaga ako pag hindi na maganda yung sasabihin nya.

Magsasalita na sana ako para hindi na makapagsalita si Mommy ng hindi maganda sa bata pero nagulat ako sa sinabi nya.


"Pwede ko bang mahawakan ang una kong apo?" si Mommy. Napanganga na lang ako dun pati na din si Jecs.

"Oh bakit? Wala ba akong karapatan sa apo ko?" sabi nya ulit kaya ibinigay na ni Jecs si baby Dylan kay Mommy. Akala ko iiyak yung bata sa kanya pero tulad samin ni Jecs ay hindi sya umiyak. Nakakatawa nga eh, siguro mabait lang talaga yung bata.

Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay para na rin makapagpahinga at makakakain na kaming lahat hanggang sa mapansin ko si Bridgette na parang naa-out -of-place sa aming lahat kaya nilapitan ko sya.


"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya kahit medyo alam ko na kung bakit sya ganyan. "Wala naman" matipid nyang sagot, hindi ko na lang sya inusisa kasi parang ang brutal ko naman kung gagawin ko pa yun.


        ----------------------------------------------------------------------------------------


Pagkatapos naming kumain ay dinala na ni Jecs yung bata sa kwarto namin, siguro balak nyang makipaglaro pa ng matagal sa bata. Sobrang hyper nga nilang dalawa ay! Parang hindi marunong mapagod.


Ako naman ay naiwan sa kusina kasama si Bridgette, kaming dalawa na yung nagvolunteer na magligpit total umalis yung kasambahay namin para magbakasyon lang daw kahit isang linggo dahil may emergency daw sa kanila.


"May gusto ka bang sabihin?" ako, nararamdaman ko kasi na parang may gusto syang sabihin kanina pa eh.

"Ahmmm. Wala naman" sabi ni Bridgette. "Oh come on Bridgette, spill it. Makikinig ako" sabi ko ulit sa kanya.

"Pwede ba akong magpaalam sayo?" sabi nya sakin. "Magpapaalam na ano?" tanong ko.

"Pwede bang madaliin na namin ni  Jecs na magkaroon ng baby para makaalis din kagad ako dito? Sa totoo lang, ayokong magsinungaling sayo. Hindi ako nakakapangako na hindi ko magugustuhan si Jecs. Ewan ko ba sa sarili ko. Sinabi ko naman na ito sa sarili ko kaya hindi ko din maintindihan kung bakit may posibilidad na mangyari yun" sabi niya. Sa totoo lang nagulat ako pero mas natuwa ako kasi nagsabi sya sakin ng totoo.

Nagkatinginan lang kami ng ilang segundo bago ako nagsalita. "Wala naman sakin kung magustuhan mo siya eh. Hindi naman kita pwedeng kontrolin kasi feelings mo pa din yan at sabi ko naman sayo na malaki ang tiwala ko sayo. And about that thing, ayos lang sakin na gawin nyo na yun, walang kaso sakin yun" sabi ko sa kanya. Ano ba yan, kung magkakataon mauuna pa sya sakin na makasiping kay Jecs. Hindi pa kasi namin pinag-uusapan yon at nakikita ko naman na nirerespeto ako ni Jecs.

Nakita ko namang nagliwanag yung itsura nya kaya natuwa na din ako ng bigla nya akong yakapin. Hahahaha! Tomboy! Chararararat! Nung maghiwalay kami ay may nagsalita ulit ako.


"Dun nga pala sa gagawin nyo ni Jecs, sya din yung tanungin mo kung ready na sya ha? Hindi pa din naman ako ang magdedecide eh." sabi ko sa kanya at tumango na lang sya at nagpasalamat sa akin.


        ------------------------------------------------------------------------------------------------


"Sige bye na. Mamaya na lang ulit ako tatawag mahal ko" si Jecs sa kabilang line. Hindi daw siya makakasabay sakin na maglunch kasi daw madami syang ginagawa pero i doubt it, kasi lately parang ang tamlay nya at parang sobrang lalim ng pinag-iisipan.

Hahayaan ko na lang siguro sya muna ngayon, magsasalita naman yun kapag ready na siya. For the mean time, kailangan ko munang kumain ng lunch sa kung saang lupalop dahil kanina pa ako nagugutom.


Habang papunta ako sa isang resto ay  may nakita akong tatlong tao na familiar sakin. Nakatalikod kasi sila kaya hindi ako makasiguro kung sila nga talaga yun.

Nagmadali ako sa paglalakad para malagpasan ko yung tatlong tao na yun para macheck kung sila nga yun at nung malapit na ako sa kanila ay confirmed na sila ngang tatlo yun. Si Jean, Janna, at si Ella!! Waaaaah! At sa sobrang gulat naming tatlo sa aksidente naming pagkikita ay napasigaw talaga kaming apat na dahilan paara pagtinginan kami ng lahat ng tao dito.


"Mga beki!! Namiss ko talaga kayo!! Waaaah!" Sigaw ko ulit sa kanila, hindi kasi ako makaget-over eh hahahaha!

"Bakla naman kasi! Ikaw 'tong busy ng todo-todo sa bago mong fafa!" sabi ni Ella. Hala! Kala mo sila walang kanya-kanyang lovelife.

"Akala mo naman ako lang 'tong busy sa lovelife. Kayo din naman ah!" sabi ko sa kanila. Nung nagdecide kasi ako na makipag live in na kay Jecs ay wala silang gaanong alam. Nagkanya-kanya muna kasi kami at sa fb na lang minsan nagkakausap or skype kung hindi talaga busy. Pero wait, bakit bigla atang tumahimik si Janna dun sa part na yun?? may nangyari kaya??


"Oy beki! Anyare sayo?? Anong drama yan??!!" sabi ko pero hindi sya sumagot at si  Jean ang nagsalita.

"Ganto kasi yan te, WASAK ang peg nyang si bakla! Tungkol kay Allain" sabi ni Jean. "Huh? Break na sila? Niloko sya?" medyo oa kong tanong.

"Sana nga kung break or niloko na lang sya e te atleast kailangan na nyang mag-move on kaso hindi eh. Nalaman kasi ng parents ni Allain yung sa kanila, e ngayon alam mo naman na hindi lahat ok sa set up ng mga beki. Kaya ayun, pilit silang pinaglayo tas si Allain sapilitang dinala sa malayong lupalop ng mundo. Wala nga kaming makuhang info tungkol kay Allain e. Kaya nga todo lumbay yan." pabirong sabi ni Jean pero makikita mo naman na hindi nya pinagtatawanan yung sitwasyon ni Janna. Haaaaay! Ano  ba yan, hindi na ako updated sa kanila.

Kakausapin ko sana si Janna kaso bigla nyang iniba yung mood nya at nagkunwaring masaya kahit halata namang hindi talaga. Minabuti na naming apat na magsabay-sabay sa pagkain ng lunch kaya medyo napatagal ako sa pagkain, ang dami naming napagkwentuhan at minsan nga si Janna nakikita na lang naming tulala at binibiro na lang namin sya kesa naman palagi nyang maisip si Allain.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagkasundo na lang na magkita minsan at ng makapagbonding pa din.


        ----------------------------------------------------------------------------------------



Pauwi na ako ngayon galing sa trabaho. Nakakapagod yung maghapon ko kasi naman ang daming ginawa. Ang tindi na naman ng traffic, anong oras kaya ako makakauwi?? Alas 12 ng gabi!! Nebeyen! Ganto na ba dito poreber!!

Halos ilang oras akong naipit sa matinding traffic pero nandito na din ako ngayon sa tapat ng bahay at naghihintay na sana ay buksan na ni manang ang gate ng garahe dahil sa totoo lang ay gustong gusto ko ng magpahinga pero nagulat ako ng makita kong si Bridgette ang magbubukas ng gate para sakin. Bakit kaya gising pa din sya??


Pagbaba ko sa kotse ay sinalubong nya ako. "May problema ba at gising ka pa?" tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot sa tanong ko pero nagulat na lang ako ng marinig ko yung boses ni Jecs na sumisigaw.


"Hala! Napapano kaya yun??" ako. Hindi ko na hinintay na sumagot si Bridgette kaya pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko dun sa sala ang sobrang makulit at lasing na si Jecs.


"Nasan sila Mommy,Bridge??" tanong ko na sa kanya.

"Sabi nila aalis lang daw sila sandali kaninang umaga pero katatawag lang nila na magbabakasyon muna daw sila sa probinsya nila kasama si baby Dylan." sabi ni Bridgette.

"What?! Kasama nila si Dylan?" gulat kong sabi. Hindi man lang nila sinabi sakin pero baka naman alam ni Jecs, and speaking of this crazy monkey. Bakit sobrang lasing na lasing sya to the point na ang kulit nya?

"Kanina pa kita hinihintay kasi kanina pa din ganyan yan, ayaw nyang magpahawak sa kahit na sino, ikaw ang hinahanap nya pero sobrang kulit nya kanina pa." sabi ulit ni Bridgette.

"Ahhh, ganun ba? Pasensya na Bridgette kung kinulit ka ng lalaking 'to.  Hindi naman kasi talaga sanay uminom yan dahil ganyan sya kakulit eh. SIge magpahinga ka na, ako ng bahala sa kanya." sabi ko kay Bridgette.

"Oh sige. Good night na!" sabi nya sakin tas mabilis syang umakyat papunta sa kwarto nya.


"Hoy! Lalaki! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo nyan?" sabi ko kay Jecs. As if naman masasagot ako ng makulit na lalaking to ngayon.

"Oy! Shexy! Ikaw pala yan! Namimiss na kita ahhh!" si Jecs. Sarap pukpukin ng bato sa ulo netong lalaking to.

"Ikaw talagang lalaki ka! Humanda ka sakin bukas kapag nahimasmasan ka na" sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko sya papunta sa kwarto namin.


Kung anu-ano yung pinagsasasabi nya habang papunta kami sa kwarto namin kaso hindi ko na lang pinapatulan kasi baka mapikon ako.


Pagdating namin sa kwarto ay dadalhin ko na sana sya sa kama at ihahagis na lang pero ang kulit at hinila nya pa ako papunta sa kama at dinantayan ako ng mabigat nyang hita. Buset talagang lalaki 'to!!


"Oy! Bitawan mo nga ako! Hindi ako makahinga!" sigaw ko sa kanya pero hindi sya umalis sa pwesto nya at narinig ko na lang sya na NAGHIHILIK! Busit na lalaki 'to talaga! Nakakairita na ha! Humanda ka sakin bukas ng umaga.


Pinilit ko pa ding umalis sa position naming dalawa kasi ang awkward talaga pero napagod na lang ako dahil mas mabigat sya sakin hanggang sa makatulog na lang din ako. Haaaaaaay!


Good night na nga lang! -_-

        ------------------------------------------------------------------


Jec's POV...


Aaaaarrggg!! Ang sakit sa ulo. Ano bang nangyari?! Nasan na ba ako? Natatandaan ko na lang nung nakauwi na ako eh pagkatapos nun wala na akong maalala.


Bumangon na ako sa kama at nakita ko ang mahal ko na tulog na tulog pa at hanggang ngayon ay nakalong sleeves pa at hindi pa nagbibihis.


"Hoy! Mahal, bakit ganyan pa ang suot mo?? Bakit hindi ka nagpalit kagabi bago mo man lang ako tabihan?" sabi ko sa kanya habang ginigising sya at ang cute nyang mag-unat.


"Aaaaaaah!" naghihikab pa sya. Tsssk! Eto talagang mahal ko na 'to! Hindi pa siguro sya aware sa itsura nya kaya nagawa nya pang maghikab. Bigla namang nag-iba yung expression ng mukha nya. uh oh! Parang may galit lang???

Masama pa din ang tingin nya sakin pero unti-unti syang lumalapit. Nakakatakot naman yung itsura nya!! Woooh! Tulong po! hahaha

"A-ano ba yang ginagawa mo mahal? Nakakatakot yang itsura mo" medo utal kong sabi. Unti-unti na talaga syang lumalapit sa akin tapos nagulat na lang ako ng yakapin nya ako at...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
KAGATIN!!!


"Waaaaaaaah! Arrraaaay!" napahiyaw talaga ako sa ginawa nya. Huhuhu! Ano bang ginawa ko??!! Hindi na ako nagsalita kasi nakakatampo talaga. Wala naman akong ginagawa sa kanya di ba??!!



-----------------------------------------------------------------------


King's POV...


Malakas pa talaga ang loob ng lalaking 'to na magsalita at magtanong kung bakit hindi pa ako nakakapagpalit eh kasalanan nya nga 'to!! Kaya ayan! Mabuti lang sa kanya yang kagat na yan! Tama kayo ng basa, KINAGAT ko sya! Nakakainis eh! Ang sama ko po ane??? Hihihihi ^_^


Nakita ko naman na hindi na sya umiimik kaya hindi din ako nagsasalita kaya ang tahimik naming dalawa. Hindi ako mag-sosorry sa kanya, sya tong may kasalanan sakin kaya dapat sya ang magsorry!! Hah!!


Nakita ko namang tumingin sya sakin kaya tinignan ko din sya akala ko nga hihingi na sya ng tawad eh kaso mali ako!! Ini-snob nya lang ako tapos dire-diretsong lumabas ng kwarto! Aba! At talaga namang makikipagpataasan pa sya ha! Tignan lang natin!


Pagkalabas na pagkalabas nya ay nilock ko yung pintuan ng kwarto at nagpalit ng damit. Magpatibayan tayo Jecs! Hmmmp!



Alam kong hindi sya papasok ngayon kaya nagpaalam na din ako kay sa boss ko na kaibigan nila Papa at Mama na hindi na rin muna ako papasok. Malakas ako dun eh ^_^.


Pagbaba ko sa dining area ay nakita kong kumakain na sila ni Bridgette at nagkukwentuhan pa na sobrang saya at tumigil lang sila sa pagtawa ng makita nila ako. Ganyan dapat! Hah! Akala ko titigil na sila pero biglang bumanat ng joke si Jecs kaya natawa si Bridgette kahit CORNY nung joke! Grrrr! Ako pa yata yung nainis ay! At kumulo na yung dugo ko sa narinig kong sinabi ni Jecs.


"Bridge, punta tayong mall after natin kumain? NAKAKATAMAD kasi dito at HINDI KO FEEL na magstay lang ngayon dito" sabi niya! Aba't talagang nananadya ba sya! Kakairita ha! Hinihintay ko lang na umayaw si Bridge kasi alam kong hindi sya papayag. Maahiya naman sya sakin kung sakaling sasama sya.


"Oo sige ba. Matagal na din naman akong hindi nakakapasyal lagi na lang akong nandito sa loob ng bahay." nagpanting tenga ko sa sagot nya pero kailangan maging composed.


"Ahm oo nga noh. Sige sama ako dyan." bigla ko na lang naisip para naman hindi sila magkasolo mamaya nyan ano pa gawin nila eh. WAAAAAAAIIIIT! Ano tong nararamdaman kong irita kay Bridge ngayon? Bigla ko lang naramdaman na nainis ako sa kanya at sa epal na lalaking to! Si Bridgette inaya nya tas ako hindi? Lokohan ba 'to??!!



"Sorry, pero si Bridge lang inaya ko" sabing bigla ni Jecs ng hindi tumitingin sa akin. HANUDAW?! Did he just said that im not invited?? Biglang nablangko yung utak ko kaya hindi kagad ako nakasagot pero huli na ng makita kong inaya na ni Jecs si Bridge na mag-ayos para daw makaalis na SILA!! MALAKI ba ang tama nya!! Ako ang BOYFRIEND nya tapos si Bridgette ang inaya nya!! gggrrrrr!!



Naiwan akong hindi makagalaw at hindi alam ang mararamdaman. Ganyan ang gusto nya?! Pwes sige! Panindigan nya yan ha!


------------------------------------------------------------------------------


Maghapon lang akong nagmukmok sa kwarto namin ng mapagdesisyunan kong umuwi muna sa amin dahil nga naiinis ako. Naiinis ako sa ginawang pamamahiya sa akin ni Jecs at MAS naiinis ako sa katotohanang magkasama sila ngayon at nag-eenjoy samantalang ako nandito at mukhang eng-eng maghapon. Nakakainis lang talaga at eto pa ah! Maghapong may parang bumubulong sakin na nagseselos ako! Nagseselos nga ba ako??! Waaaah! Hindi!!


Habang nasa byahe papunta samin ay naisip kong siguro nga nagseselos ako! Napamahal na din sakin si Jecs. Siya lang kasi talaga yung nagtyaga na kahit papano ay makamove on ako kay Phillip at eto ako ngayon, parang etang na nakatulala sa bus!


Pagdating ko sa  bahay ay sinalubong kagad ako ng kapatid kong bunso na walang kupas ang kakulitan. Na-miss ko sila! Promise!!


"Kuyaaaa!!" sigaw niya na narinig naman ni Mama kaya agad-agad syang lumabas para salubungin din ako.

"Baby girl!!" sigaw naman ni Mama. Niyakap ko na din sya ng mahigpit at nakaramdam ako ng ginhawa kahit papano.

"Oh baby girl, padalaw ka? Na-miss ka namin anak" si Mama. Kahit kasi palagi kaming magkausap sa phone napapadalang ang pagpunta ko dito lalo na ngayo't may baby Dylan na sa buhay namin ni Jecs.


"Na-miss ko lang po kayo Ma, tsaka po kasi si baby Dylan wala sa bahay kasama po ng Mommy at Daddy ni Jecs" sabi ko sa kanya tapos tinitigan ako ni Mama.

"May problema ba?" alam kong nararamdaman ni Mama kaya tinanong nya ako, ganyan nya ako kakilala alam nya kung may problema ako o wala.


"Sa loob na lang po natin pag-usapan Ma" sabi ko tapos inaya ko na siyang pumasok sa loob.



-------------------------------------------------------------------------------------


Jec's POV...


Nandito ako ngayon sa isang bar kasama si Bridge. Pagkatapos kasi ng maghapon naming pag-iikot namin sa mall ay naisip kong uminom kahit konti lang para kahit papano hindi ko na masyadong indahin ang away namin ng mahal ko.


"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya yung totoo?" si Bridge. "Tsss. Para saan pa? Hindi nya man lang nga natanong kung bakit ako naglasing kagabi eh tapos kinagat nya pa ako kaninang umaga ng hindi ko alam kung bakit." mahaba kong sabi.


"Tinanong mo ba sa kanya kung bakit nya nagawa yun?" tanung niya. Umiling lang ako dahil totoo naman na hindi ko sya tinanong dahil nga inuna ko na yung tampo ko sa kanya.


"Sinabi mo ba sa kanya kung bakit ka naglasing?" tanong nya ulit at umiling lang ulit ako. "Pero hindi naman kasi siya nagtanong eh" protesta ko. Talaga naman di ba?


"Unang-una sa lahat hindi manghuhula si King para malaman nya lahat ng nararamdaman mo kaya minsan kailangan mo pa ding sabihin sa kanya ang nararamdaman mo para maiwasan nyo yung ganyang tampuhan. At tungkol naman sa pagkagat nya sayo siguro naman may dahilan sya, try mo ding tanungin sya." mahabang payo sakin ni Bridge. Wala akong maisagot dahil tingin ko tama naman sya and besides mahal ko sya kaya kahit sino pa ang mali kailangan ko pa ding syang amuhin.


Nung napag-isip-isip kong tama si Bridge ay inaya ko na din syang umuwi kaagad.


"Bridge salamat sa payo mo ha? Pati na din sa pagsama mo sakin ngayong maghapon." sabi ko habang nasa kotse at nagdadrive pauwi.


"Wala yun, ano ka ba?" siya. Medyo natahimik na yung paligid at walang nagsasalita.

Ilang minuto ding ganun ang set-up namin ng biglang magsalita si Bridge.

"Ahm, Jecs.. Wag mo sanang mamasamain ha? Tatanong ko lang sana kung kailan natin gagawin yung bagay na yun para matapos na kaagad yung pagsstay ko sa bahay nyo." seryoso nyang sabi. Ang awkward ng moment kaya natagalan akong sumagot at dahil hindi ko na din alam ang isasagot ko sa kanya. At mga ilang minuto pa ng kusang magsalita yung bibig ko.


"Bigyan mo pa ako ng konting panahon Bridge. Alam  mo naman ang dahilan ko di ba? Sa oras na alam kong OK na siguro ayun na yung tamang oras" sabi ko at nakita ko na lang na tumango sya at ngumiti ng pilit.



Tahimik na lang sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt sa pag-uusap naming yun ni Bridgette. Haaaaay!!Hirrraaaaap!


--------------------------------------------------------------------------


King's POV....


Pauwi na ako ngayon sa bahay namin ni Jecs kahit disoras na ng gabi dahil sa pinauwi ako ni Mama. Ganto kasi yung nangyari kanina.


*FLASHBACK**

Naikwento ko na ang buong nangyari kay Mama at ayun. Napagalitan lang naman nya ako dahil bakit daw ginawa ko yun kay Jecs. Sana man lang daw inintindi ko at tinanong ko muna kung bakit nya ginawa yun. Haaaay! Akala ko pa naman kakampihan nya ako ngayon. Huhuhu! Hindi pa din ako uuwi.


Passed 10pm na pero nandito pa ako samin ng biglang magtanong si Mama at Papa.

"Bakit nandito ka pa? Anong oras na ah?" sabi ni Mama.

"Dito muna po ako. Ayoko muna pong umuwi Mama" sabi ko sa kanya. Si Papa naman nakikinig lang sa usapan namin.

"Hindi, umuwi ka ngayon din. Ipapahatid ka na lang namin kay Tatay Jacos" sabi ni Mama. "Pero Ma..." protesta ko pero hindi na nya ako pinatapos. "No buts! You'll go home whether you like it or not" sabi ni Mama sabay akyat sa kwarto nila. Tumingin naman ako kay Papa na parang nanghihingi ng suporta pero bigo ako. "You know your Mom. She's more disciplinarian than me sometimes and you can't break what she said." sabi ni Papa sakin kaya ayun. No choice! Uuwi ako ngayon sa bahay.


**END OF FLASHBACK**


"Salamat po. Ingat po kayo sa pag-uwi" sabi ko kay Tatay Jacos ng maihatid na nya ako sa harap ng bahay namin.

"Pumasok ka na hijo bago ako umalis" sabi ni Tatay Jacos na sinunod ko naman.


-------------------------------------------------------------------------


Pagdating ko sa bahay ay wala akong dinatnan kundi yung kasambahay na nagbukas ng pinto para sakin.
 
"Dumating na sila Sir at Bridgette, kani-kanina lang " sabi ni Manang. Hindi ko naman po tinatanong eh manang. -_-

"Oh sige po manang. Salamat po." sabi ko na lang. Nakakabusit, ngayon lang nagsink in  sa utak ko na mukhang nagdate sila. Naiinis na naman tuloy ako.


Dumiretso na lang ako sa kwarto at gusto ko na din namang magpahinga sa sobrang nakakastress na "day-off" ko. Pagdating ko sa kwarto ko ay nakita ko kagad na nakaupo lang si Jecs sa may gilid ng kama at nung mapansin nya sigurong pumasok na ako ay tinanong nya ako.

"Saan ka galing?" sabi niya pero hindi ko makapa kung ano yung nararamdaman nya. Hindi ko masasabing galit sya kasi mukhang hindi naman eh, parang wala lang talaga.

"Wala kang pakialam." mataray kong sabi at humiga na lang ako sa kama tapos tumalikod ako sa kanya. No choice eh, I dont want to be so rude kaya hinayaan ko na lang siyang humiga kung saan nya gusto.


"Sorry pala sa nagawa ko kung ano man yun. Sorry talaga, hindi ko na din kasi alam gagawin ko eh" sabi nya. Nakikinig lang ako pero hindi ako humaharap sa kanya.

"Sobra na kasi akong nape-pressure sa mga nangyayari ngayon satin eh" sabi  nya. Medyo na-curious ako kung saan sya pressured kaya nagsalita na din ako.

"What do you mean?" ako.

"Di ba nga yung kila Mommy and Daddy na gusto nilang magkaroon ako ng anak ko na sarili ko though tanggap naman nila si Dylan?" sabi nya. Tumango na lang ako bilang sagot.


"Tinatanong na kasi ako ni Bridgette kung kailan namin gagawin yun, siguro kasi nagmamadali na sya at gusto na daw nyang matapos 'to." sabi nya. Hanu daw?? Nagmamadali si Bridge?? -____-  Hindi ko alam isasagot ko kaya tumalikod ulit ako sa kanya.


"Kung tayo nga hindi pa natin nagagawa yun tapos sila mauuna na?" sabi ko sa sarili ko. Nakakainis! Nagseselos na talaga ako! Pano pa kaya kung mangyari na sa kanila yun at magfocus na lang sya kay Bridgette kasi nga baby nya pa din naman yun. At ilang beses nilang kailangan gawin  yun para makabuo sila? And by thinking about that FACT, i can't help myself but to be jealous. OK! I'll admit it. I'M JEALOUS! Ilang segundong tumahimik at walang nagsasalita ng bigla kong maramdaman na tumabi sya sakin at yakapin ako ng bigla. Wait! May naramdaman akong kakaiba ngayon na biglaan, hindi ko alam pero parang yung dati kay Phil kapag nagkakadikit kami, parang......


SPARK??!! O_o


Siguro nga.. Siguro nga natutunan na din ng puso ko na mahalin si Jecs. Haaaaaay!



Biglang bumalik ako sa kasalukuyan nung may binulong sakin si Jecs.


"Hindi ko magawa kasi gusto ko sayo ko unang ibibigay ang sarili ko." pagkasabi nya nun  biglang hindi ko na maramdaman yung bilis ng tibok ng puso.


O_____o


Dug dug dug dug dug dug!! Ang bilis talaga! Halaaaa! Ano na bang nangyayari sa puso ko??

"Promise, handa akong maghintay ng panghabambuhay o kahit kailan basta sayo ko lang gustong ibigay ng buong buo ang sarili ko, yung buong ako. Good night King, mahal na mahal kita." sabi nya ulit.  Hindi na ako makapagsalita kaya pilit ko nalang dinama yung moment na yun. Iba yung nararamdaman ko ngayon para kay Jecs, huli ko 'tong naramdaman nung buhay pa si Phil.


Haaaaaaaaay! Anu ba 'to!! Ano'ng dapat kong gawin mga fre??


-----------------------------------------------------------------------


sana nag-enjoy kayo. Godbless.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Where stories live. Discover now