TLBT NEW 8.0

78 3 0
                                    

QUARANTINE UPDATE 4.0

King's POV

Magmula noong huling beses na nagkita kami ni Philip, ginawa ko na lahat ng makakaya ko para mawala na ang bawat connection na meron kami.Nagpaalam ako sa kanya sa ginawa ko na yun. At nagtataka man ay hinayaan na din akong magresign ni Jecs at humanap ng ibang company na papasukan or kumuha na lang ng mga projects para kahit papano at may ginagawa ako. Alam kong ramdam ni Jecs na may kung anong nangyayari sakin ngayon. Kilala ako ni Jecs na feeling ko mas kilala nya pa ako kaysa kilala ko ang sariling ko. Hindi na sya masyadong nagtatanong unlike nung kagagaling namin ni Phil sa beach para tapusin na kung anong meron kami.

Okay na din naman sakin. Hindi natatapos ang isang araw na hindi ko naiisip si Phil pero sa tuwing nakikita ko si Jecs at yung mga bata medyo nawawala din naman yung pagkamiss ko kay Phillip. Never ko na ding naramdaman na parang magta try pa si Phil na ituloy o magkaroon pa ng kung anong man sa pagitan namin.

Lahat naging okay. Maging smooth naman lahat. Mad nagkaroon ako ng oras sa mga bata.

Pero minsan may napapansin akong kakaiba kay Jecs. Ilang beses ko na syang tinanong tungkol sa nakita kong reseta sa bag nya nung nakaraan pero sabi nya naman e wala lang daw yun. Hindi ako kumbinsido kaya paminsan-minsan ay hinuhuli ko sya pero hanggang sa nagsawa na lang ako kakatanong. Aside from that weird prescription, wala naman na akong ibang napapansin sa kanya kaya tingin ko normal naman lahat.

Sa bago kong pinapasukang firm at medyo okay naman. Hindi gaanong busy dahil may project na ang lahat aside from me dahil nga bago pa lang. May mga upcoming projects naman kaso kailangan ko pang asikasuhin and tignan kung kukunin ko ba. LOL. Choosy po?

oh siya! Chika na lang soon guys.

---------------

Phillip's POV..

Pagkatapos naming maghiwalay ni King at magpaalam sya sakin ay wala na akong ibang ginawa kundi pumasok sa trabaho, umuwi ng bahay, uminom mag isa o kung minsan kasama si Kuya Greg. Ganon lang nagsisimula at nagtatapos yung bawat araw ko. Pero may isang bagay na hindi mawala-wala sa isip ko. Isang tao na nagbigay ng pag-asa sakin kahit papaano. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya pero hindi ko na lang muna din inalam. Araw araw binabasa ko yung message nya sakin. Iniisip kung paanong mangyayari yon pero alam kong dadating yung oras na maeenlighten ako.

"He'll be back to you soon."

Hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin nya dyan pero alam ko na may kung anong parating sa pagitan naming tatlo. That's for sure.

"Hey buddy, tinawagan ako kanina ni Cheska. Nangangamusta sila ni Second. Kailan ka ba bibisita sa US?" si Kuya Greg.

Nakita ko na sya na dumating kanina pero nagpalit siguro ng damit bago ako puntahan dito sa pool area.

"Wala pa naman akong araw na naiisip kailan ako pupunta sa kanila. Baka pag natapos na itong kasalukuyang project ko." ako.

"Oh I see. Ang bilis lumaki ni Second brad. Kamukhang kamukha mo. Ang lakas talaga ng dugo natin. Hahahaha" si Kuya.

"Syempre naman! Ikaw tol, kailan mo ba balak mag asawa?" bawi ko sa kanya. Ayaw na ayaw nyang pinag uusapan yan dahil takot na takot sya sa commitment. Ayaw na ayaw nyang napag uusapan yung pagsesettle nya.

"Wag mo akong simula dyan!" sabi nya lang sabay inom ng beer na dala nya. Natatawa na lang talaga ako sa kanya tuwing yan ang topic at pilit nyang iniiwasan. Well, eventually hindi din naman nya pwedeng takasan yan. I know na makakahanap din siya.

"Oops! I almost forgot. Itatanong ko na sana sayo to mula pa nung nakaraan. Ako bang nangyari sa inyo ni King? I know that there's something going between the two of you. Kumusta ba?" ayos din talaga tong kuya kong to e. Magaling din kumuha ng timing para sa ganyang topic.
"Anong something? Hindi na kami nagkikita mula nung minsang nalaman nya na nakabalik na ako dito. "pagdedeny ko pa. Hindi ko alam kung makakalusot pero baka lang naman.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon