TLBT NEW 6.0

76 3 0
                                    

QUARANTINE UPDATE 2.0

Philip's POV..
Ilang araw na pero hindi pa din nagpaparamdam si King sakin. Kahit isang text message man lang sa mga tawag at message ko sa kanya. Napapraning na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari. Hindi ko alam kung saan na ba kami papunta ni King. Naiinis ako!!

Halos minu-minuto tinatawagan ko sya. Pero kahit isang sagot wala akong natanggap mula sa kanya. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil at di ko na kinaya yung torture na ginagawa nya sakin. Pupuntahan ko na talaga sya sa kanila! Magkagulo na kung magkakagulo pero hindi ko na kaya to.

Habang nakaupo lang ako sa sa swivel chair ko at nag iisip ng sitwasyon namin ni King ay biglang tumunog telephone ko dito sa office at sinabi ng secretary ko na may bisita daw ako.

Siguro si King na yan.

Excited pa akong lumabas para makita kung sino yung sinasabing bisita ko. And to my dismay, hindi sya yung nakita ko. Sila Nico, Allain and Nano pala yung nasa labas.

"Bro! Kumusta?" Bati sakin ni Allain sabay bigay ng bro hug at ganon din yung dalawa. Parang hindi ko na maalala yung last time na nagkita-kita kami at nabuo?  Naging busy na nga kasi kami sa buhay ng bawat isa. 

"Dude, what brought you guys here?" Ako.

"Parang ang sama naman ng dating ng tanong mo pare.  Hindi man lang ba kami na-miss" si Nano.  Ang dami ng nagbago sa kanila.  Pare-pareho na kaming may kaunting tubo ng balbas at bigote.  Nakakatawa lang isipin na parang ang tagal na yata talaga naming hindi nagkakasama.

"Ugok! Parang babae.  May pagkamiss ka pang nalalaman." Ako sabay tawa. 

"Ano pre? May gagawin ka ba?  Tara! Chill tayo?" Si Allain.  Mukhang mapapalaban ako sa salitang chill ngayon ah. Siguro magandang timing talaga to. Kailangan ko ng mapaglilibangan ngayon. 

"Game!" Ako.

Kung siguro isasagad namin tong biglaang lakad na to. Malamang! Wasakan na naman ng lalamunan to mga pre. 

"Yooon!" Si Nico. "Great!  Let's go.  Uhaw na uhaw na ako eh mga pare. Hanep,  tagal na nung huling uminom tayo ng magkakasama.  Di ko na tanda kung kailan." Dugtong pa ni Nico.

"And just like before,  kahit gano kaaga basta trip naten." Si Nano sabay tawa.  Totoo naman eh.  Dati basta trip namin uminom maghapon magdamag ay walang problema. 

Napagdesisyunan naming apat na pumunta sa isang bar. Medyo ayos naman lahat.  Kumain muna kami bago magsimula para naman hindi mabigla yung katawan. 

Inubos muna namin lahat ng nasa harap namin na pagkain bago magsimula.

"Oh! Nagpakabusog ah! Bawal tumawak ng itim na ibon!" Si Nano.

"Gago! Sayo pa talaga nanggaling yan ah? Nice one par! Halika nga dito? Sarap mong kutusan" si Allain. Nagtawanan kami dahil totoo naman. Kay Nano pa talaga nanggaling? Pagkakaalala ko ka, siya yung panay tawag ng uwak samin.

Buong maghapon kaming nagkantahan, inuman at kulitan. Shooks! Namiss namin yung mga gantong trip.

Nagkwentuhan na din kami sa mga buhay buhay namin pagkatapos naming magkanya kanya. Iba pa din talaga yung buong tropa kayong magkakasama hanggang pagtanda. Pakiramdam ko din naman medyo for good na yung ganito. Mababawasan yung gimik pero since magstay na din tong tatlong kulugo dito sa bansa. For sure, may kadamay na ko sa mga gantong moment ng buhay ko.

Yung pakiramdam na may kasama ka kapag may pinagdadaanan ka? Medyo nawala sa isip ko yung samin ni King. Pero nung magkaayaan na umuwi. Kaming dalawa na lang ni Allain ang magkasabay. Yung dalawa kasi ay magkasama sa condo kaya sabay na din silang umuwi.

Trip lang ba talaga? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon