Prologue

1.7K 43 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

I'm just his fangirl who fell in love with him. I'm just a fangirl who fell in love with my Idol. Noon ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero hindi ko inaasahan na aabot sa puntong mamahalin ko siya ng sobra. At hindi ko rin inaasahan na mamahalin niya ako pabalik.

Pero siguro nga tama sila... Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ay mayroong katapusan. He told me before that he loves me. He promised me he'll fight for our relationship. He also said that he's ready to gave everything up just to be with me. But in the end, he broke up with me. He leave me...

Kakatapos niya lang ipaliwanag sa akin lahat. Kakatapos niya lang sabihin ang lahat....

"H-hindi ko alam na ganun, Nathan... I'm sorry. Patawarin mo ako." Sambit ko bago mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Please... Please forgive me, I didn't know that–"

He cut me off.

"No, Chloe... H'wag na nating ituloy 'to. Tama na..."

Kinalas niya ang mga kamay niya sa hawak ko. Dammit!

"What? Nathan, no!–"

"Chloe, pareho na nating nasaktan ang mga sarili natin! At tama na 'yon. Mas mabuting itigil na muna natin ito. Let's end this..."

Para akong nanlumo sa sinabi niya. Lalo na nang tumalikod na siya sa akin. Fuck! I love him! I really do! Hindi ako papayag na iwan niya ulit ako!

Bago pa siya makasakay sa kotse niya ay mabilis ko na siyang binalot muli ng mahigpit na yakap. I hug him from the back.

"Nathan, I love you... I'm sorry for all... I need you, Nathan. I want you to stay in my life... Nathan, I love you..." Sabi ko habang yakap pa rin siya.

Akala ko nagbago na ako. Akala ko okay na ako ng wala siya. Akala ko kaya ko na. Pero damn... Heto ako at nagmamakaawa ulit sa kaniya. Heto ako at pinipilit ulit siyang manatili sa tabi ko, gaya lang nung dati...

"I give you my heart and soul, Chloe. I give you everything. But now, I think it's time to let go..."

"Nathan, no please. No... Mahal kita. Mahal na mahal kita..." Tears shimmered in my eyes.

Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa baywang niya.

"I'm in love with you too, Chloe... Pero siguro kailangan na nating matuto. Kailangan muna siguro nating pakawalan ang isa't-isa. Nasaktan mo ako at nasaktan din kita. Maghiwalay na muna tayo..."

Unti-unti niyang kinalas ang yakap ko sa kaniya. Dahan dahan niyang ibinaba ang mga kamay ko.

Is this really the end? Nabigyan na kami ng ikalawang pagkakataon, pero ngayon nasira ulit 'yon. Hindi ba talaga kami puwedeng magsama at maging masaya lang habang buhay? Mahal ko lang naman siya... Mahal na mahal ko siya. Pero bakit laging sa huli ganito ang nangyayari? Hindi ba talaga kami para sa isa't-isa?

"Nathan, please. Please... Stay, please... Don't do this to me. Please, don't leave me again... Please... Stay..."

Pinatunog niya ang sasakyan niya at pumasok na rito. Hindi ko alam anong mararamdaman ko ng tuluyan na niya itong pinaandar at iniwan akong mag-isa.

Bumuhos ang luha ko at napaupo na lang ako roon. Wala na akong pakialam sa mga taong tumitingin sa akin dito. Nanlalambot ang buong katawan ko at gusto ko na lang maupo at umiyak roon.

"Chloe! Chloe, what happened?" Binalot ako ni ate Laine ng mainit na yakap. "Stand up, please... Anong nangyari? N-nasaan na si Nathan?"

Lalong bumuhos ang mga luha ko ng binanggit niya ang pangalan ni Nathan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko agad ang nag-aalala niyang mga mata.

"A-anong nangyari? Nasaan si Nathan? Okay ka lang ba?"

"Ate Laine..." Marahan kong banggit sa pangalan niya. "Iniwan na niya ako. He leave me again, ate. He leave me again... A-ate, anong gagawin ko...." Hikbi ko.

"Shh... It's okay, alright? Magiging maayos din ang lahat–"

"No, ate! No!" Sigaw ko. "Tinapos na niya ang relasyon namin! Iniwan na niya ako ng tuluyan! Ate Laine, iniwan na niya ako! Naiintindihan mo ba? Iniwan na niya ako! Iniwan niya ako ulit gaya ng dati! Iniwan niya ako!"

Hinang-hina akong humilig kay ate Laine nang muli niya akong binalot ng kaniyang yakap.

"Mahal na mahal ko si Nathan simula pa noon, ate. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya!"

But, dammit! This is all my fault! This all my fucking fault! Hinayaan kong paglaruan ako ni Jarence! Hinayaan ko ang sarili kong magtiwala sa kaniya. Hinayaan kong gamitin niya ako! Fuck!

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now