Special Chapter 4

21.3K 527 101
                                    

eto na yung special chapter 4. sorry sa matagal na paghihintay! Belated Merry Christmas! :) 

Special Chapter 4

(3RD PERSON POV) 

"Yeol pagbalat mo naman ako ng apple please!!" nagpa-puppy dog eyes na sabi ni Althea kay Chanyeol na ngayon ay naghuhugas ng pinagkainan nila.

Tumingin naman si Chanyeol sa asawa habang hawak hawak yung sponge at baso. "Bae naman, kakakain lang natin tapos kakain ka nanaman!" reklamo ni Chanyeol.

Sumimangot si Althea at inirapan ang asawa. "Hmp! Kung ayaw mo edi wag! Hayaan mo nalang kaming magutom nila babies!" sabi nya habang hinihimas yung bilog na bilog na nyang tyan. Mahigit 9 months na syang buntis at ngayon nga ay kabuwanan na nya. Kaya anytime from now, ay manganganak na sya.

Napabuntong hininga nalang si Chanyeol at pansamantalang itinigil ang paghuhugas ng plato.

"Eto na bae pagbabalat na kita, huwag ka na magtampo." Lumapit sya kay Althea at niyakap ito mula sa likod.

"Sorry na bae, wag ka na magtampo please? I love you!" paglalambing nya dito at saka hinalikan sa pisngi ang asawa.

"Hmp! Dun ka na! Di mo naman kami mahal!"

"Sinong may sabing di ko kayo mahal? Huh? You know I love you all so much! Bati na tayo please? Pagbabalat na kita ng apple!" sabi ni Chanyeol sa asawa habang nakayakap parin dito. Ngumiti naman si Althea nang marinig ang sinabi ng asawa atsaka humarap dito.

"I love you too Yeol! Pagbalat mo na kami!" tumango naman si Chanyeol pero bago sya umalis para magbalat ay ninakawan muna nya ng halik ang asawa atsaka tumakbo na papuntang kusina.

"Nakatsansing ka nanaman Yeol eh!" natatawang sabi ni Althea. Umupo sya sa sofa at hinimas himas ulit yung tiyan nya. Hindi nya mapigilang mapangiti. Excited na sya sa paglabas ng triplets nila. Pero at the same time ay kinakabahan din. 

Maya maya pa'y dumating na si Chanyeol na may dalang hiwa hiwa na apples at saka nutella. Tumabi sya kay Althea at binigyan ito ng apple. Kumuha naman agad si Althea nun at sinawsaw sa nutella bago kinain. Ito kasi ang paborito nya. Apple at isasawsaw sa nutella.

"Hmm ang sarap talaga!" natutuwang sabi ni Althea. 

Samantala, nakangiti naman si Chanyeol habang pinagmamasdan ang asawa na masayang kumakain. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwalang kasal na sya sa babaeng pinakamamahal nya at magkakaanak na sila. Sa dinami dami ng pagsubok na hinarap nila, sila parin talaga hanggang sa huli.

**

Payapang natutulog ang mag-asawa ng biglang magising si Althea dahil sa matinding pananakit ng tiyan nya. Hindi nya alam kung anong gagawin dahil sobrang sakit nito. Pakiramdam nya ay binibiyak yung tiyan nya. Tumingin sya kay Chanyeol na mahimbing na natutulog at ginising ito.

"Yeol! Yeol! Ang sakit ng tiyan ko! Manganganak na ata ako!" Tinapik tapik nya ang asawa. Napabalikwas naman ng bangon si Chanyeol nang maramdaman ang tapik ng asawa.

"Althea! Anong nangyayari? Are you okay?" natatarantang tanong nya dito.

"Y-Yeol! Sht! Yung tiyan ko! AAHHH! MANGANGANAK NA ATA AKO!!" hindi na napigilan ni Althea at napasigaw na sya dahil sa sobrang sakit ng tiyan nya. Naramdaman na din nyang pumutok ang panubigan nya.

"What? T-teka lang ihahanda ko lang yung mga gamit na kakailanganin natin!" dali-dali syang tumayo at kinuha yung bag na naglalaman ng mga gamit ng bata at dali dali itong inilagay sa sasakyan. He didn't bother na magdamit pa. Topless sya at tanging boxer shorts lang ang suot nya. Dali dali nyang binalikan si Althea sa kwarto nilang mag-asawa at inalalayan ito palabas ng bahay. Sobrang kaba at pagkataranta ang nararamdaman nya. At dahil sa sobrang pagkataranta nya, hindi nya na namalayan na sa driver's seat nya pala napaupo si Althea. Nalaman nalang nya ito ng sinigawan sya ni Althea.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon