Chapter 36

22.2K 476 51
                                    

Chapter 36

 

(ALTHEA KIM POV)

"Bess, anong plano natin ngayong Christmas Vacation?" tanong sakin ni Maine. Nakaupo kasi kami ngayon sa may veranda ng bahay namin. Wala kaming magawa. Si Dad, may work pa sya tapos si Mom naman bussy sa kaka-decorate ng bahay namin.

"Hindi ko nga rin alam eh! Wala pang sinasabi sakin si Mom kung anong plano natin ngayong vacation." tumango sya at nilagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa ng kanyang winter jacket. Malamig na nga pala ngayon dito sa Korea. Winter na kasi kaya naka winter jacket na kami ngayon.

"Hoo! Ang lamig na dito sa labas bess! Pasok na tayo sa loob?" alok ni Maine. Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob. Pero bago pa man ako makapasok ay may tumawag na sa pangalan ko.

"ALTHEA!" nilingon ko kung sino ba yung tumawag sakin at nagulat ako ng makita si Yeol sa harap ng bahay namin kasama si D.O, Baekhyun, Tao at Chen. Naka suot silang lahat ng winter coat at si Yeol naman ay may suot na nerdy glasses.

"Oh anong ginagawa nyo dito?" lumapit ako sakanila. Sumunod sakin si Maine

"Hello Althea~" bati sakin ni Baekhyun. Nginitian ko sya at binati rin.

"Ano... Althea, pwede ba kayong sumama ni Maine samin ngayon? Balak kasi namin ngayong pumunta sa Namsan Tower." ani Yeol. Sa Namsan? WAHHH! Antagal ko na rin hindi nakakapunta dun!!

Tumingin ako kay Maine. "Ano gusto mo ba pumuntang Namsan?" tanong ko sakanya. Agad agad naman syang tumango.

"Sige bess! Sama tayo sakanila! Nakaka bore dito sa bahay eh!" tumango ako at humarap ulit kila Yeol. 

"Sige sasama kami! Wait lang, magaayos lang kami!" tumango naman sila kaya pumasok na kami ni Maine sa loob. Nagpalit ako ng winter jacket at saka boots at kinuha yung bag ko. Ganun din ang ginawa ni Maine. Pagkatapos namin magayos ay nagpaalam kami kay Mom at saka lumabas na. 

"Tara na!" sabi ko sakanila. Lumapit sakin si Yeol at sinabayan ako sa paglalakad. Nagtaxi nalang kami papuntang Myeongdong Station. Pagkadating namin dun ay naglakad nalang kami sa may road sa kanan ng Pacific Hotel papunta sa Namsan cable car station. Napagdesisyunan namin na mag cable car nalang kami kesa sa bus papuntang Namsan Tower. Sabi pa nga ni Baekhyun, buti daw ay hindi nila kasama si Luhan dahil takot daw iyon sa mga heights. Nagpunta na daw kasi sila dito dati kasama si Luhan. Wala si Yeol nun. Ayaw ayaw pa daw sumakay ni Luhan sa cable car. 

"Grabe talaga! Nung sumakay kami nun sa cable car papuntang namsan tower, nakaupo lang si Luhan hyung." singit ni Tao kaya nagtawanan kami. Habang naglalakad kami ay may mga sumusunod saming fan nila. Hindi naman nila kami ginugulo. Sumusunod lang sila samin at pinipicturan kami. 

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon