Chapter 51

14.5K 403 70
                                    
Chapter 51

(ALTHEA KIM POV)

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung sinabi sa akin ni Lay.

"Eto payong kaibigan lang. Kung talagang mahal mo sya, wag mong hahayaan na mawala sya sayo. Huwag mong hahayaan na maagaw sya ng iba. Kasi Althea, pag nangyari yon ikaw din ang mawawalan sa huli. Kaya matuto kang lumaban at wag kang magpaka martyr!"

Siguro tama nga si Lay. Kailangan kong lumaban para kay Yeol. Para sa relasyon namin. Kailangan kong lakasan yung loob ko para hindi hayaang maagaw ni Ally si Yeol sakin.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinanap ng mga mata ko kung nasan sila Yeol. Nakita ko sila sa di kalayuang table. Kasalukuyan syang pinapakilala ni Ally sa mga kaibigan nya. Tinignan ko si Yeol, pilit lang yung  ngiti na binibigay nya sa mga kaibigan ni Ally. He looks uneasy. Napatingin sya sa direksyon ko at nahagip ang tingin ko.

Ngumiti ako sakanya at lumapit sakanila. Hinawakan ko ang kamay ni Yeol. Natigil sila sa pag-uusap at napatingin sakin.

"If you'll excuse, kailangan ko nang kunin yung BOYFRIEND ko.!" diniin ko talaga yung word na 'BOYFRIEND' para mapamukha sakanila na boyfriend ko si Yeol. Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Hinila ko nalang si Yeol papalayo doon.

Binitawan ko yung kamay nya ng makarating kami sa table namin at umupo ako sa upuan ko. Naramdaman kong umupo din si Yeol sa tabi ko. Tinignan ko sya. Nangingiti-ngiti sya ngayon. Litaw na litaw yung mga ngipin nyang pantay-pantay at mapuputi. Napakagat pa sya sa labi nya.

"Anong nginingiti-ngiti mo syan?" tinaasan ko sya ng kilay

"Wala!" tanggi nya pero hindi parin nawawala yung ngiti sa mga labi nya

"Wala daw! Tch! Ano nga?" pilit ko. Bumuntong hininga sya at ngumiti sakin.

"Eh kasi kanina..." sabi naman nya.

Kumunot yung noo ko. "Anong kanina?"

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon