Chapter 49

14.4K 422 66
                                    

update ulit! hehe ginaganahan ako mag-update ngayon! :3

Chapter 49

(ALTHEA KIM POV)

Dali dali kong sinakbit yung bag ko sa balikat at tumakbo palabas ng HMU. Wala akong pakialam kung hindi ko na mapasukan yung mga susunod ko pang subjects. Ang importante ngayon ay si Yeol. Kailangan ko syang puntahan para linawin yung tinext nya sakin. Sht! Hindi ako naniniwala dun! Hindi magagawa ni Yeol yun sakin! Mahal nya ko!

Diniall ko yung number ni Sehun at tinawagan yun. Makalipas ng tatlong ring ay sinagot rin nya.

"Hello Althea?" -Sehun

"Sehun, nasan kayo ngayon?"

"Nasa dorm namin. Bakit?" nandito na talaga sila sa seoul ngayon! sht.

"ah wala wala. sige, bye!" agad kong pinatay yung tawag at pumara ng taxi. Tapos ay nagpababa ako sa tapat ng dorm nila. I need to confirm it! Gusto kong malaman kung totoo ba yung tinext ni Yeol sakin. Sumakay akong elevator tapos ngayon ay nasa tapat na ako ng mismong dorm nila. Kinakabahan ako! P-Paano nalang kung totoo nga yung tinext nya sakin? Hindi ko kakayanin yun! Ayoko! 

Nanginginig yung kamay kong pinindot yung doorbell. Maya maya'y binuksan ito ni D.O.

"Althea..." aniya saba'y ngiti

"Uhmm.. Nandyan ba si Yeol?" tanong ko sakanya. 

"Oo. Tara pasok ka!" pinapasok  nya ko sa loob ng dorm nila. Umupo ako sa sofa.

"Nasan ba sya?" tanong ko sakanya

"Nasa room nya ata eh. Wait tignan ko lang." aalis na sana sya papunta sa kwarto ni Yeol pero pinigilan ko sya.

"Wag na! Ako nalang yung magtitingin." tumayo ako. Tumango sya at pumunta ng kitchen kung nasaan si Kai. Dumiretso naman ako sa kwarto nila Yeol. Dahan dahan kong pinihit yung door knob. Nang mabuksan ko na ng tuluyan yung pinto ay nakita ko si Yeol na nakaupo sa may kama at kinakalikot yung phone nya. Sht! Namiss ko talaga sya ng sobra! Mahigit 7 months ko syang hindi nakita. 

Nang mapansin nya na nakabukas yung pinto ay tumingin sya kung nasaan ako. Lumaki yung mga mata nya ng makita ako at dali daling tumayo para puntahan ako.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon