Chapter 52

14.7K 495 132
                                    

Chapter 52

(ALTHEA KIM POV)

Katatapos lang ng party at ngayon ay pauwi na kami. Dito kami nakasakay ni Maine sa sasakyan kung nasaan yung buong EXO-K. Katabi ko si Yeol na kasalukuyang pinaglalaruan yung kamay ko. Pinipiga, hinihilot, kinikiliti at kung ano ano pa ang ginagawa nya doon. Minsan pa nga ay nilalagay nya yung kamay ko sa pisngi nya at hinihimas iyon. Ang kulit nya lang. Sa may likod kami ng driver nakaupo at sa likod namin ay sila Maine. Pansin ko lang, nitong mga nakaraang araw lagi nyang katawagan si D.O at kanina sa party ay halos hindi mo na sila mapaghiwalay. Kung nasaan yung isa ay nandoon din yung isa. 

Hindi kaya, may nabubuo nang pagiibigan sakanila?

Oh well, kung meron man, masaya ako para kay Maine kasi natupad na yung matagal na nyang hinihiling na mahalin rin sya ng iniidolo nya. 

"Anong iniisip mo?" tanong sakin ni Yeol tapos ay pinagsiklop nya yung mga daliri namin.

"Hmm.. Wala.. Iniisip ko lang si Maine, napapansin ko kasi na lagi na nyang katawagan si D.O tapos kanina pa halos hindi na sila mapaghiwalay." bulong ko sakanya para hindi marinig nila Maine sa likod.

Sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko. "Napapansin ko nga rin yun. Halos walang oras na hindi binibitawan ni D.O yung phone nya eh." sangayon nya

"Sa tingin mo sila na?" tanong ko sakanya

"Hmm... Siguro. Wait itatanong ko." Umayos sya ng upo at hinarap sila Maine at D.O sa likod. Ganun rin ang ginawa ko

"Kyungsoo-yah may tatanong ako sayo." sabi ni Yeol kay D.O. Natigil naman sila sa paguusap at humarap samin.

"Ano yun?" tanong ni D.O pabalik

"Kayo na ba ni Maine?" ako na yung tumanong sakanya. Mukha namang nagulat silang dalawa sa tanong ko. Kusang lumaki yung mga mata nila tapos ay nagkatinginan pa sila. Maya maya'y bigla namang pumula yung buong mukha ni Maine at napayuko. Si D.O naman ay nagiwas lang ng tingin. Pati sila Baekhyun ay naki isyoso na rin. Paulit ulit namin silang tinatanong kung sila na ba pero hindi naman sila sumasagot.

"Silence means yes." biglang sabi ni Sehun kaya naman sinimulan na nilang kantyawan sila Maine at D.O. Todo tanggi pa ang dalawa kahit na halata na namin na may namamagitan nga sakanila. Napuno tuloy ng kantyaw yung byahe namin pauwi. Sa kalagitnaan ng kantyaw ay bigla namang nagsalita yung manager nila.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon