Chapter 38

19K 502 115
                                    

Chapter 38

(ALTHEA KIM POV)

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tawag ni Yeol. Aniya'y maghanda na daw ako dahil susunduin daw nila ako ng 10AM. 9AM na ngayon kaya kailangan ko na maghanda para sa press conference na magaganap mamaya. Pagkatapos ko magayos ay bumaba na rin ako. Nadatnan ko sila Mom sa living room na nanunuod ng TV.

"Good Morning!" bati ko sakanila 

"Mag breakfast ka na." ani Mom. Tumango nalang ako at nagdiretso ng kitchen para makapag breakfast na. Pagkatapos ko mag breakfast ay lumabas na ako para hintayin sila Yeol. Di nagtagal ay dumating narin sila. Nakangiting binati ko sya. 

"Hi." ngumiti rin sya at binati ako.

"Hi! Tara na?" tumango ako at sabay kaming pumasok sa sasakyan. Tahimik ang naging byahe namin papunta sa lugar kung saan magaganap yung press conference.

"Yeol, kasama pa ba ako dun?" tanong ko sakanya.

"Oo naman! Just stay by my side ok? We'll do this together."  aniya kaya tumango nalang ako. Pagkadating namin sa lugar ay magkahawak kamay kaming bumaba ni Yeol ng sasakyan. Pagkababang pagkababa palang namin ay sinalubong na agad kami ng mga reporters. Buti nalang ay mabilis na lumapit samin ang mga bodyguard para alalayan kaming makapasok sa loob. Nang makapasok kami ay dumiretso agad kami ni Yeol sa isang kwarto kung saan magaganap yung press conference. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa loob ng kwarto ay sinalubong agad kami ng mga flashes at click ng cameras. Tumungo kami sa harapan at naupo. Nagsimula namang magtanong yung mga press.

"Mr. Park Chanyeol, anong ginagawa nyo sa namsan tower nun? Why are you there?" tanong nung isa kay Yeol. Bumuntong hininga muna sya bago sumagot.

"We're there to have fun." simpleng sagot nya. Nakita kong tumango ang ibang reporters at nagsulat sa mga notebooks na dala nila.

"Is Ms. Althea Kim with you?" tanong ng isa.

"Yes. She's with me all the time."

"If she's with you all the time, bakit wala sya nung kasama mo si Ms. Ally Bae? And anong meron sa inyo ni Ms. Ally Bae? Bakit mo sya kasama nun?" sunod sunod na tanong ng isang reporter. Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak  ni Yeol sa kamay ko.

"Kasama ko talaga si Althea nun. We were going to lock of love in Namsan Tower then suddenly, Ally just popped up from nowhere tapos ay hinila na nya ako papunta dun sa mismong lugar kung saan yung lock of love sa namsan. Kaya naiwan si Althea dun." paliwanag nya. Tumango tango ulit ang mga press.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon