Chapter 44

18.3K 470 128
                                    

jusme ang hot ni Yeol sa mm shettt

Chapter 44

(ALTHEA KIM POV)

Pagkatapos naming kumain sa VivaPolo ay inihatid na nila ako sa bahay namin. Nakatayo kaming dalawa ni Yeol dito sa harap ng gate. Simula nung sinabi ni Suho na magkakaroon sila ng world tour ay hindi na ko masyado umiimik. Ngumingiti nalang ako sa tuwing nagpapatawa sila. Iniisip ko kasi kung ano na yung mangyayari samin kapag nagumpisa na yung World Tour nila. Matagal yun diba? Usually kasi minsan inaabot ng mahigit one year bago matapos yung world tour. Depende dun sa kung anong mga bansa yung pupuntahan ng magcoconcert. Sila Yeol kaya? Ilang bansa kaya yung pupuntahan nila? Aabutin rin kaya sila ng one year? *sigh* Wag naman sana! Di ko kakayanin na hindi sya makita ng mahigit one year. Kahit na ba may text, call, o skype. Iba parin kasi pagnakikita at nahahawakan mo sya diba?

"Althea, anong iniisip mo? Napansin ko na kanina ka pa walang imik simula nung sinabi ni Suho na magkakaroon kami ng world tour. Dahil ba doon kaya ka nagkakaganyan?" napayuko nalang ako sa sinabi ni Yeol.

"Halika nga dito..." naramdaman kong lumapit sya sakin at hinawakan yung kamay ko tapos yung isa naman nyang kamay ay hinawak nya sa baba ko at dahan dahang iniangat yung ulo ko.

"Wag kang magalala okay? Kahit na may world tour kami, hindi parin ako mawawalan ng time para sayo. Kahit na sobrang bussy na kami dahil sa mga rehearsals at concerts, hinding hindi ko makakalimutan na tumawag o magtext sayo. Hahanap ako ng way para macontact ka lang. Tandaan mo yun okay? Kaya wag ka na magalala Althea. Sandali lang naman ako mawawala eh." sabi nya habang nakatitig sa dalawang mata ko.

"Sigurado ka bang sandali ka lang mawawala ha Yeol? Eh pano kung yung sandali na yan ay isang taon pala ha?" sumimangot ako

"Hindi naman kami aabutin ng one year Althea."

"Promise mo yan ah? Hindi kayo aabutin ng one  year." ngumiti sya at tumango

"Opo ma'am! Promise ko yun! Kaya wag ka na malungkot ha?"

"Okay sige... Pero teka, pano pala kung meron kang magandang babae na nakita habang nasa world tour kayo? Baka ipagpalit mo ko!" tumawa sya at pinisil yung pisngi ko

"Ikaw talaga! Basta kahit sinong maganda yung makita ko, hinding hindi kita ipagpapalit sakanila. Kasi sa paningin ko ikaw lang yung maganda. Syempre kasama dun sila Noona at Umma. Tandaan mo Althea... Ikaw lang.. At wala nang iba... I love you Althea!" di ko mapigilang ngumiti at kiligin dahil sa sinabi nya.

"I love you too Yeol. At para sakin, ikaw lang din at wala nang iba..." ngumiti sya at dahan dahang inilapit yung mukha nya sakin hanggang sa naglapat yung mga labi namin.

Dating Park Chanyeol (Completed)Where stories live. Discover now