Chapter 43

18.2K 475 40
                                    

If hindi nyo pa po nababasa yung Author's Note na pinost ko, basahin nyo muna po bago nyo basahin tong chapter na to para hindi kayo malito. Click the external link. c:

Chapter 43

(ALTHEA KIM POV)

Pagkatapos akong hilahin ni Yeol dun sa mall ay dinala nya ako sa dorm nila. Ngayon ko lang napansin na naka shades pala sya at sumblero kaya siguro walang masyadong naka pansin sakanya sa mall. Napansin ko rin na kaming dalawa lang yung tao ngayon dito sa dorm nila. Nasan yung ibang members ng EXO-K?

"Ahh Yeol, bakit tayong dalawa lang yung nandito ngayon? Nasan sila Baekhyun?" tanong ko kay Yeol na kasalukuyang nagtitimpla ng juice para samin.

"Nasa SM Building sila ngayon. Meron kaming fansigning mamaya sa Gimpo." sabi nya sabay lapag ng juice sa table

"Ahhh.. Eh bakit ka nasa mall kanina?" tanong ko sabay higop ng juice

"Inutusan kasi ako ni Sehun na bumili ng bubble tea kaya ako nasa mall. Sakto namang nakita kita kasama si Ally kaya tuloy hindi ako nakabili." tumango ako

"Nga pala, bakit mo kasama yung babaeng yun?"  patuloy nya

"Si Ally? Nakipagkaibigan na nga sya sakin diba? Tumawag sya kanina at sinabing  magmeet daw kami. Pumayag ako at sinabi nya sakin na gusto raw nya akong maging kaibigan. Nagsorry sya sa mga ginawa nya sating dalawa."

"Tss! Ayaw kong makikipagkaibigan ka sa babaeng yun Althea. Alam kong palabas nya lang yung mga sinabi nya sayo. Kilala ko si Ally, gagawa at gagawa yun ng paraan para makuha ulit ako." halata ang inis sa boses nya

"Pero Yeol, mukha naman syang sincere habang sinasabi yun eh." pangangatwiran ko

"Kahit na Althea.. Ah basta ayokong nakikitang kasa kasama mo sya."

"Yeol naman, yung tao na nga yung nagmamagandang loob na makipagkaibigan sakin eh. Ayaw mo nun? Marami na kong nagiging kaibigan? Basta sa ayaw at sa gusto mo, magiging kaibigan ko parin si Ally." 

"Tch! Bahala ka na nga Althea." tumayo sya at pumunta sa room nila ni Baek.

"Aruuuyy!! Tampo na sya!" tumayo na rin ako at sumunod sakanya. Lumapit ako at niyakap sya mula sa likod

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon