Epilogue

17.3K 576 109
                                    

 proud to be an EXO-L ♡♡

Epilogue 

20xx. Seoul, South Korea 

"Althea bilisan mo namang kumilos! Bawal tayo malate dun!" kanina pa ako pinipilit ni Maine na umalis na pero di ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagaayos ng buhok ko.

"Oo na bessy! Maganda ka na! Tigilan mo na yang pagaayos sa buhok mo! Hinding hindi talaga tayo pwedeng malate doon!" inalog alog nya yung balikat ko. 

"Aisshhh! Fine Fine! Eto na nga!!" tumayo ako at lumabas na ng kwarto. Sumunod nalang sya sakin. Paglabas namin ng bahay ay sinalubong agad kami nung driver namin. Pumasok ako sa loob ng kotse at ganun din ang ginawa ni Maine tapos ay nagdrive na yung driver papunta sa venue ng concert. Papunta kami ngayon sa Olympic Gymnastics Arena para sa concert ng EXO. Itong concert na to. This will be their last concert dahil pagkatapos ng concert na ito ay madidisband na sila. Tapos na kasi yung contract nila under SM Entertainment. Kaya itong concert na to ay paniguradong mapupuno ang buong Arena. Noong nagsimula nga ang bentahan ng ticket ay na soldout ito agad. 

Nang makarating kami sa venue ay sobrang daming tao na agad ang sumalubong sa amin. Kahit na dalawang isang oras pa bago magsimula ang concert ay sobrang dami na ng mga fans. Ni hindi na mahulugan ng karayom sa sobrang dami. Sabagay. Hindi nila palalampasin itong concert na to dahil ito na yung last na makikita nila ang idol nila na magperform live sa stage. 

"Grabe! Ang bilis ng panahon! Parang dati lang kadedebut lang nila tapos ngayon madidisband na sila. Huhu! Kaiyak!!" tinignan ko si Maine. Pinupunasan nya yung luha nya.

"Oo nga eh! Parang dati lang baliw na baliw ka pa sa EXO. Yung tipong magpapakamatay ka pa kapag hindi mo sila nakita!" tumawa ako. Natawa na rin sya.

"Hanggang ngayon parin naman ay baliw na baliw parin ako sakanila bess!" sabi nya tapos ay tinignan ulit yung mga fans.

Nang makarating kami sa harap ng Arena ay bumaba agad kami ni Maine tapos ay pumasok na sa loob ng venue. May naka assign na upuan para samin kaya hindi na kami maghahanap pa kung anong seat namin. Nang makarating kami doon ay umupo agad kami ni Maine. Sa mismong harapan kami ng stage naka pwesto kaya tanaw na tanaw namin sila Yeol mamaya kapag nagperform na sila. Tumingin ako sa kabilang katabi ko na si Yoora unnie.

"Hello unnie!" bati ko sakanya. Lumingon naman sya sakin at nginitian ako.

"Althea! I miss you! Kamusta na? Ang tagal nating hindi nagkita!" tumayo sya at niyakap ako. Niyakap ko rin naman sya pabalik.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon