Chapter 15

31.4K 649 55
                                    

kung gusto nyo po ng dedic, mag-comment lang kayo :)

Chapter 15 


(ALTHEA KIM POV)

Makalipas ng halos apat na oras ay lumapag na yung eroplano sa Incheon International Airport. Grabe nakakapagod din pala ang maupo ng apat na oras. =_= Sinabi nung Flight Attendant na nandito na nga kami sa Seoul. Tumayo na kami sa kinauupuan namin at kinuha yung baggages sa itaas.

"OMO! Bessy! Nandito na ba talaga tayo sa Seoul? Paki batukan nga ako! At baka nananaginip lang ako.!" ani Maine habang pababa kami ng eroplano. Ginawa ko naman yung gusto nya at binatukan sya.

"Aray naman! Hahaha! Totoo nga! Nandito nga talaga ako sa Seoul. OMG! Dati lang pinapangarap ko na makarating ako dito at ngayon ay nakarating na nga ako. Hangin mula sa Seoul na ang nilalanghap ko. Dream come true na yun!"

"Tss! Bilisan mo nga maglakad dyan Maine kung ayaw mong iwan ka namin dito." lumaki ang mata ni Maine sa sinabi ko kaya binilisan nya yung paglalakad para abutan kami ni Mommy. Nilagay namin yung mga baggages doon para i-check na nila. Nang matapos i-check ay ni-claim na namin agad yun.

"Sungit naman nito! Grabe! Ang lamig pala talaga dito! Kulang yung isang jacket e-- Teka, sila Chanyeol Oppa ba yun?" lumingon naman ako sa tinuro ni Maine. At tama nga sya! Sila Yeol nga yun! Papunta sila sa direksyon namin. Grabe bakit ang hot hot nila habang papunta dito? Ang cool nilang lahat! *o* Tapos yung pananamit nila, simple lang pero may dating! Pero mas may dating sana kung shirtless silang lahat! Aishh! Ano bang pinagsasabi mo Althea? Tumigil ka nga! Nang makalapit na sila sa amin ay binati nila kami.

"Althea! Namiss kita!" -Yeol tapos niyakap ako kaya niyakap ko din sya. Binati at niyakap din ako ng ibang members.

"OOOPPPPPAAAA!" Habang nagyayakapan kami ay nakarinig kami ng malalakas na hiyawan. Halatang nagulat yung EXO dun. Natataranta na sila ngayon.

"Here we go again with the sasaeng fans." rinig kong bulong ni Suho. Lumapit naman agad samin yung sa tingin ko ay bodyguards ng EXO at pinalibutan kami.

"Ohmygad! Baby? Anong nangyayari?" tarantang tanong ni Mom sakin.

 

"Mom, hold on! Makakalabas din tayo dito, ok?" sabi ko sakanya at hinawakan yung kamay nya. Nagulat naman ako ng hawakan ni Yeol yung isang kamay ko.

"Don't worry Althea! Makakaalis din tayo dito! Pasensya ka na sa mga fans namin ah?" sincere na sabi nya kaya tumango nalang ako. Siksikan kami habang papalabas ng airport. Ganito pala yung feeling kapag may kasama kang mga sikat. Kahit saan ka magpunta kasama sila, pagkakaguluhan ka. Ang hirap din pala!

Nang makalabas na kami ng airport ay nakita ko na kumakaway samin si Dad. Lumapit muna ako kila Yeol at nagpasalamat sa pagpunta nila dito sa airport. At sinabi ko rin na kailangan ko nang umalis dahil nandito si Dad. Naintindihan naman daw nila yun at sinabi na next time nalang daw kami mag-bonding lahat. Niyakap ko agad si Dad ng makalapit kami sakanya.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon