Chapter 22

27.1K 606 49
                                    

sobrang thank you po sa lahat ng nagbigay ng feedbacks sa last chapter. i really appreciate it. thank you po ulit! :)

Chapter 22

 

(ALTHEA KIM POV)

Nang makarating kami sa lugar kung nasaan yung 'VivaPolo' daw ay agad rin kaming bumaba ni Yeol sa sasakyan. Tanaw na tanaw ko mula dito yung VivaPolo. Sa second floor pala yun kaya kailangan pa naming umakyat ng hagdanan. Sinundan ko si Yeol kung saan sya pupunta at sabay kaming umakyat ng hagdanan. Nang nasa harap na kami ng VivaPolo ay bigla akong kinabahan. Paano kung hindi ako magustuhan ng Mom nya? Paano kung- Aiishh! Althea! Kung ano ano yung iniisip mo!

"Pasok na tayo sa loob?" tumango ako kay Yeol. Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda ng loob.  Maganda sya tapos medyo malaki rin. Pastas and Pizzas pala yung specialty nila dito. Tumingin ako sa kabilang dako ng restau at nagulat ako dahil ang daming pictures ni Yeol dun. As in! Mga nakadikit sa pader. Baby pictures nya, yung mga nasa stage sya, photoshoots, at iba pa. Siguro ganun kamahal si Yeol ng Mom nya kaya hanggang restaurant ay sinusuportahan sya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pictures nya. Hinawakan ni Yeol yung kamay ko at lumapit kami sa parang counter dun. May nakita naman ako dun babae na siguro ay nasa mid 40's na. At isang babae na kamukhang kamukha ni Yeol. Xerox copy nya. Siguro kapatid nya yun? At yung isa naman ay Mom nya?

"Umma! Noona!" tawag ni Yeol sakanila. Agad naman silang napatingin samin. Nagulat sila at lumapit agad kay Yeol ay syaka sya niyakap.

"Baby boy! I miss you!" sabi nung (sa tingin ko) Mom nya at agad hinalikan si Yeol sa pisngi. Ganun din yung ginawa ng kapatid nya. Ang sweet nila! Siguro Mama's boy si Yeol. Pero nasan kaya yung Dad nya? Hmmm.

"Aisshh! Umma, itigil nyo na yan! Nakakahiya!" natawa naman ako sa sinabi ni Yeol. Halatang naiirita na sya sa ginagawa nung mom at kapatid nya. Tumingin sya sakin ay binigyan ako ng pagpasensyahan-mo-na-sila-look. Binigyan ko sya ng okay-lang-yun-look at ngumiti sakanya. Maya maya ay bumitaw na sa pagkakayakap kay Yeol yung Mom at kapatid nya atsaka tumingin sakin.

"Sya na ba yun? Si Althea?" tanong nung kapatid ni Yeol sakanya habang nakitingin sakin. Lumapit naman sakin si Yeol at hinawakan yung kamay ko.

"Ahmm... Umma, Noona, this is Althea, my girlfriend." tumingin ako sakanila at ngumiti.

"Hello po!" nag-bow ako sakanila.

"Omo! She looks really pretty!" rinig kong sabi nung Mom nya. Ngumiti ako sakanya at nag bow ulit. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Ah Althea, she's my umma and this is my noona." pakilala ni Yeol sa mom at kapatid nya. Niyakap din ako ng kapatid nya at sinabi na ang ganda ko daw. Hahaha. Hindi na nila kailangan sabihin na maganda ako. Alam ko naman na yun eh.! Loljk XD

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon