Chapter 34

21.5K 517 233
                                    

happy 100k! : ]

Chapter 34

(PARK CHANYEOL POV)

"Ally..." iyun nalang yung nasabi ko. Sari saring tanong yung pumapasok sa isip ko ngayon. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito ngayon? Bakit bumalik pa sya? Anong kailangan nya?

"A..anong ginagawa mo dito?" nawala yung ngiti sa mukha nya dahil sa tanong ko



"Anong ginagawa ko dito Yeol? Huh? Anong ginagawa? Wow naman! Iyan agad yung pambungad mo sakin eh no? Di ba pwedeng papasukin mo muna ko sa loob? Parang wala tayong pinagsamahan ah!"



"Ally please... Wag kang gumawa ng gulo dito!"



"Gulo agad? Iyan na ba ang tingin mo sakin ngayon? Tagagawa ng gulo? Huh?"



"Ally--"



"o baka naman, hindi ka pa nakaka move on sakin? Kaya ayaw mong nandito ako kasi masasaktan ka lang dahil hindi ka pa nakakamove on? Don't worry Yeol, bumalik ako para sayo. I realized na ikaw pala talaga yung mahal ko. Let's start again Yeol. Itama natin yung mga pagkakamali natin noon."



"No Ally! Matagal na akong nakamove on sayo. Infact, meron na akong babaeng mahal ngayon. Kaya Ally please.. umalis ka nalang! Wala ka nang babalikan pa! Wala nang tayo Ally! Matagal na!"



"Ohh!! Meron ka na palang girlfriend ngayon. Ano nga ulit yung pangalan? Ahhh! Si Althea. Tch! Di hamak na mas maganda naman ako sakanya."



"Umalis ka nalang Ally please" tinutulak ko na sya papalabas ng dorm namin pero mapilit talaga sya.



"No Yeol! Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sakin. Gagawin ko ang lahat bumalik lang tayo sa dati. Kahit pa career ko ang kapalit. Tandaan mo yan! Ganyan kita kamahal!" aniya



"Ally hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng may girlfriend na ako? May mahal na akong iba. Wala ka nang mapapala sakin. Kaya mas mabuting umalis ka na at wag na magpakita kahit kelan." hinawakan nya yung magkabilang braso ko



"Yeol please.. I'm begging you.. Come back to me please. I promise I'll be a good girlfriend to you. Just please come back to me.." pagmamakaawa nya. Umiiyak na sya ngayon.



"I'm sorry Ally pero may iba na akong mahal ngayon. Past nalang kita at si Althea na ang present ko. At sa tingin ko ay sya narin ang magiging future ko. Kaya Ally, hayaan mo nalang kami."



"Hindi! Hindi ako tiigil hanggat hindi kita nababawi sakanya. Gagawin ko ang lahat para magbreak kayo ni Althea. Tandaan mo yan Yeol." sabi nya bago tumakbo paalis.



"Aishhh!" ginulo ko yung buhok ko. Bakit kasi ngayon pa sya bumalik? Kung kelan may mahal na akong iba? Kung nagtataka kayo kung ano ang dahilan ng break up namin ay eto ang nangyari nun. Nangyari 'to bago ako maging trainee ng SM Entertainment.



[FLASHBACK]



Ngayon yung 14th monthsary namin ni Ally. At plano kong i-surprise sya.



"Umma, ready na ba yang cake?" tanong ko kay umma. Pinagawa ko kasi sya ng chocolate heart shape cake para ibigay ko kay Ally. For sure, matutuwa sya.



"Yup! Eto na." iniabot nya sakin yung cake na kalagay na sa kahon kaya kinuha ko iyon.



"thank you umma! You're the best!" hinalikan ko sya sa pisngi saka umalis papunta sa bahay nila Ally. Sinalubong naman ako ni Minjoon, yung nakakabata nyang kapatid.



"Nandito ba si Ally?" tanong ko sakanya



"Yes hyung! Nasa kwarto nya."



"osige! Akyat na ko dun ah?"



"Pero hyung kasi..." tumingin ako sakanya



"Ah wala wala! Sige umakyat ka na. hehe." tumango ako at pumunta sa kwarto ni Ally. Dahan dahan kong binuksan yung pinto nya. Gusto ko syang masurprise sa pagbisita ko. 14 months na kami ngayon kaya nagpapasalamat ako kasi tumagal kami ng ganun katagal. Huminga ako ng malalim. Excited na ko makita yung magiging expression nya. Nang mabuksan ko na yung pinto ay kusang lumaki yung dalawang mata ko. S-si Ally. Naka back hug sya sa isang lalaki tapos yung lalaki naman ay hinahalikan yung kamay nya. Nabitawan ko yung cake na dala dala ko. Kaya natigil sila sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon ko. Dali daling umalis si Ally sa pagkakayakap nya sa lalaki at lumapit sakin.



"Y-yeol..." hinawakan nya yung kamay ko.



"A-anong ibig sabihin nun Ally huh? B-bakit ka naka back hug sakanya? At bakit nya hinahalikan yung kamay mo? TELL ME! WHAT THE HELL IS THAT?" napasigaw na ko dahil sa inis



"Y-yeol it's not what you think. Kaibigan ko lang si Jaehyung."



"It's not what I think? Huh! Ako ba pinaglololoko mo? I saw it with my own two eyes. Tch! Nagpunta pa naman ako dito para i-surprise ka dahil ngayon yung 14th monthsary natin pero mukhang ako yung na surprise. Geh! Una na ko!" umalis na ko pero bumalik ulit dahil may nakalimutan akong sabihin.



"Oo nga pala, we're over Ally.." sabi ko bago tumakbo paalis. Sht! Ang sakit pala! That was my first heartbreak at hindi na nasundan pa. Naging busy ako nun dahil naging trainee ako ng sment. Pinilit kong kalimutan si Ally. Ginugol ko yung pansin ko para maging mabuting trainee at dahil dun nga nadebut ako bilang isa sa mga member ng South Korean-Chinese boy band na EXO.



[END OF FLASHBACK]



Iyon nga yung nangyari kung bakit kami nag break ni Ally. Hindi ko makakalimutan yung araw na niloko nya ko. At ngayon na nagbalik na sya, hindi ko na hahayaang maloko nya pa ako ulit. I have Althea now at kuntento na ako dun. Pumasok ako sa loob ng dorm namin at umupo sa tabi ni D.O sa sofa. Nanunuod nanaman sila ng movie ngayon.



"Oh hyung, bakit hindi mo pinapasok si Ally?" tanong ni Sehun



"Bakit ko pa sya papapasukin? Gulo lang yung dala nun!"



"Asus! Bitter ka lang eh!" sabat ni D.O



"Bitter! Sinong bitter ah? May Althea na ko ngayon kaya tumigil na kayo!"



"Okay~ Sabi mo eh... bitter..." nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ni Baekhyun



"YA! Di ba kayo titigil? Huh?" sinamaan ko sila ng tingin pero dinedma lang nila yun at patuloy na tumawa.



"Bahala nga kayo!" umalis ako ng living room at pumunta ng kitchen para uminom ng tubig.



(ALLY BAE POV)


Kung sa tingin nyo ay susuko nalang ako kay Yeol ay nagkakamali kayo! Hindi ko sya isusuko kahit kanino. Kaya kong gawin ang lahat para sakanya. Para bumalik na sya sakin. I admit I was stupid kasi niloko ko sya, pero pinagsisihan ko na yun. Sya ang mahal ko at hanggang ngayon ay mahal ko parin sya.



Gagawin ko lahat ng makakaya ko para sakanya. Ganun ko sya kamahal. Kaya kong itaya pati ang buhay ko para sakanya. Tignan nalang natin kung ano yung galing ng Althea na yan! Sisiguraduhin kong sakin parin ang baksak ni Yeol.

--------------

VOTE. COMMENT. SHARE

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon